Chapter 8

205 8 3
                                    

Chapter 8 – Nakaw na Sandali?

Maagang nagising si Andy kinabukasan. Last day na nila that day sa Tagaytay at bukas ay maaga silang aalis. Tiningnan niya sa si Lara sa tabi niya na mahimbing pang natutulog. Bumangon siya at inabot ang cellphone niya na nasa side table para tingnan ang oras. Alas sais pa lang ng umaga.

Bigla niyang naalala ang ginawa nila ng kaibigan kagabi sa kuwarto ni Hector at ang natuklasan niya tungkol sa itsura nito sa nakaraang maraming taon. Pero ‘di na importante ‘yon para sa kanya. Buhok lang naman ang nagbago rito e. Hindi nga ba nagwapuhan pa siya sa binata nang makita niya ito sa fast-food chain? Kahit pa mukha itong ermetanyong taga-bundok ayon pa kay Lara.

Dahan-dahan siyang bumangon at dumiretso siya sa banyo. Saglit siyang nag-toothbrush at naghilamos. Nagpalit din siya ng jogging pants sa kulay pink at blouse na puti. Paglabas niya ng banyo ay nakita niyang nahihimbing pa rin si Lara kaya hindi na niya ito ginising. Nagsuot siya ng tsinelas saka lumabas sa silid. Balak niyang maglakad-lakad muna habang maaga pa.

Pababa na sana siya ng hagdanan nang may biglang siyang maalala. Bumalik siya sa kuwarto at kinuha ang kanyang digital camera. Ilalagay niya sa blog niya ang mga pictures na makukunan niya. Alam niyang maganda ang atmosphere ng lugar kapag ganoong oras. Hindi pa masyadong sumisikat ang araw kaya mahaba pa ang oras niya para mag-sightseeing.

Nagmamadali siyang bumaba ng hagdanan. May kakaibang saya at excitement siyang naramdaman ng mga sandaling iyon. Nasa tapat na siya ng main door nang may mahagip siyang tao sa paningin niya. Dahan-dahan siyang lumingon sa may garden. Si Hector ‘yon! Dali-dali siyang nagtago sa isang mayabong na halaman nasa malapit sa kanya. Sumilip siya. Tuwid itong nakaupo habang nagbabasa ng diyaryo at may umuusok na kape sa harap nito. Mukhang hindi siya nito napansin.

Ang pagkakataon nga naman! bulong niya sa sarili. Kagabi lang ay iniisip niyang nakawan ng pictures itong si Hector at mukhang nakikisama ang pagkakataon sa kanya. Gusto niyang maglulundag sa tuwa.

In-on niya ang hawak na camera at itinapat iyon kay Hector na mukhang busy sa pagbabasa. Nakunan niya ito ng isang picture. Tiningnan niya ang image sa screen pero masyado yatang malayo iyon. Itinapat niya ulit ang camera at sa pagkakataong iyon ay naka-zoom na. Pero mas lalo lang lumabo ang kuha.

Napakamot siya ng ulo habang tinitingnan ang dalawang image na nakuha niya. Bakit kasi ang pangit ng camera niya. Sana pala hiniram niya muna iyong DSLR ni Lara. Kaso ‘di naman niya alam kung saan nakalagay iyon at ayaw niyang istorbohin ang magandang tulog ng kaibigan niya.

Sinilip niya ulit si Hector. Pero wala na ito sa kinauupuan nito. Hindi man lang niya namalayan na umalis ito. May sa pusa yata ang lalaking iyon. Akmang pipihit na sana siya papunta sa pinto nang may masagi siya bulto ng katawan.

“Ay! Kabayong pangit!” sigaw niya sa sobrang gulat. Pero nang tumingala siya ay nakita niya si Hector na nakatitig sa kanya. Magkasalubong ang mga kilay nito.

“Sinong pangit?” tanong nito sa baritonong boses.

“Ah…Eh.. H-hindi ikaw. ‘Y-yong kabayo.. T-tama yon n-nga!” Hindi siya magkandarapa kung ano ang sasabihin niya. Nakakahiya. Kinakabahan talaga siya kapag malapit ito sa kanya. Para siyang nawawala sa sarili.

“Kabayo?” Tumaas ang kilay nito.

Alanganin siyang ngumiti. “Sorry…” nasabi na lang niya at saka yumuko.

Kinuha naman nito sa kamay niya ang hawak niyang camera. Nakita niyang parang may tiningnan ito tapos ay mas lalong nagsalubong ang kilay nito at kumunot din lalo ang noo nito. Naghintay siya ng sasabihin nito pero mukhang wala itong balak magsalita. Siguro mahigit isang minuto din itong nakatingin lang sa camera niya na parang kinikilatis ang picture na naroon.

The SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon