Chapter 10

143 6 0
                                    

Chapter 10 – Swerte naman!

Dalawang linggo na ang nakakaraan simula nang makita ni Andy si Hector sa Tagaytay at inaamin niyang namimiss niya talaga ito. Pumupunta siya sa bahay nila Lara pero hindi naman niya nakikita doon ang binata. Inaasahan kasi niya na dadalaw ito sa pinsan nito pero parang wala yata iyon sa bokabularyo nito.

Naipasa na niya ang music video na i-edit niya ng ilang araw at gabi. Hindi niya na iyon naipakita kay Lara baka kasi magalit ito sa pinaggagawa niya sa project nila. At saka busy din ito noong weekend dahil nagkaroon sila ng family reunion. May idinagdag din kasi siya na dapat ay hindi kasali.

Hindi na din nila napag-uusapan ang tungkol sa kasunduan nila na tutulungan siya nito kay Hector kapag sila ang nakakuha ng pinakamataas na grade. Malabo naman kasi iyon. Alam niyang magagaling ang iba niyang mga kaklase. Pero umaasa pa rin siya na sana magmilagro at paburan ng professor nila ang ginawa niya.

“Para po!” sigaw ni Andy sa driver. Bumaba na siya sa sinasakyang jeep. Bitbit ang ilang pirasong libro at shoulder bag ay mabilis siyang tumawid sa kalsada.

Nasa tapat na siya ng gate ng pinapasukan niyang university nang mapansin niyang may kumpol na mga estudyante ang parang may pinag-aagawang flyer.

“May bagong restaurant na itatayo diyan sa tapat,” narinig ni Andy na sabi ng isang payat na babae.

“Kelan daw magbubukas?” tanong naman ng isang kasama nito.

“Next week!” excited ng isang chubby na estudyante.

Akala ko naman ano, sabi niya sa isip. Kahit kailan hindi naman siya nahilig sa restaurant lalo na kapag mahal ang pagkain tapos konti lang ang serving. Kuntento na siya sa pagkain sa fast-food chains.

Naglakad siya papasok ng gate at dumiretso sa sa room kung saan ang first subject niya nang umagang iyon.

“Hello, sis!” bati sa kanya ni Lara. Nakapwesto na ito malapit sa may bintana.

“How’s your weekend?” kaswal niyang tanong nang maka-upo na siya sa tabi nito.

“Masaya!” buong sigla nitong sagot. “At may sasabihin ako sa ‘yo na ikakatuwa mo, promise!”

“Talaga?” Bigla siyang naging interesado. “Ano ‘yon?”

“Next week mo malalaman.” Kinurot nito ang braso niya.

Kumunot ang noo niya. “Bakit next week pa?”

“Kasi next pa magsisimula,” makahulugan nitong sabi.

“Ano ang magsisimula?”

“Secret. Hindi ko sasabihin!” Tumawa ito at inirapan siya.

Magsasalita pa sana siya nang biglang sumulpot sa harapan niya si Nica, ang matabang kaklase nila sa mahilig sa anime at pagkain. Hinila nito ang isang upuan at umupo  sa harapan nila ni Lara.

“Nakakagulat ka naman Nica,” sita niya rito.

“Alam niyo na ba ang balita?” tanong nito na nagpalipa-lipat ang tingin sa kanila ng kaibigan.

“Hindi,” siya na ang sumagot.

“May bagong restaurant na itatayo sa tapat ng school. Italian restaurant!” excited nitong pahayag at natural lang iyon dahil mahilig talaga ito sa pagkain.

“Yeah, alam na namin ‘yan,” biglang singit ni Lara.

Nilingon niya ang kaibigan. Tama ito. Alam na din niya. “Tama, alam na nga namin, Nica.”

“Alam niyo ba kung sino ang may-ari?” nakakaintrigang pahaging nito. “Clue, lalaki.”

“Bakit parang interesado ka?” taas kilay na paratang ni Lara kay Nica. “Wala kaming pakialam kung sino ‘yon.”

“Ito naman!” kinikilig na sabi nito na kinurot sa tagiliran ang bestfriend niya. “Ang gwapo kaya niya!”

Nakita niyang pinandilatan ni Lara si Nica sa sinabi nito dahilan upang hindi na ito magsalita. Ano naman kayang masama kung sabihin nito na gwapo ang may-ari nng bagong itatayong restaurant? Hindi niya ma-spelling ang kaibigan ngayon.

Natahimik ang buong klase nang biglang pumasok ang instructor nila sa first subject nila that day. Bumati ito sa kanila at pumwesto sa may table sa front.

“So, everyone of you probably heard the news that a new restaurant will be opening next week,” sabi ni Miss Che. Ito ang instructor nila sa Advance Database.

“Pati ba naman si Miss Che interesado din bagong restaurant na ‘yon,” bulong sa kanya ni Lara na halatang naiinis na.

“Oo nga,” sang-ayon niya. “Ano kayang meron dun?”

“Nakakainis,” usal nito na inilayo ang tingin sa kanya.

“E, bakit parang naiirita ka?” Hindi na niya napiligilan ang mag-usisa.

“Lara, do you have something to share with us?” Si Miss Che, narinig yata ang pagbubulungan nilang magkaibigan.

“Nothing, Miss Che,” sunod-sunod na iling niya saka nagfocus na lang ng tingin na nasa harap.

“Anyway,” sabi nito na sa buong klase na nakatingin, “Hector Montes will be the owner of the restaurant,” nakangiting anunsiyo nito.

Napanganga sa narinig si Lara at parang lumukso yata ang puso niya sa sahig. Magkahalong tuwa at kaba ang naramdaman niya. Hindi na niya kailangan pang sundan si Hector dahil kusa na itong lumapit sa kanya. Napangiti siya. Pakiramdam niya may fiesta sa utak niya.

Narinig niyang may ibinulong na naman sa hangin si Lara pero hindi niya iyon maintindihan. Ayaw kaya nito na magtayo ng restaurant ang pinsan malapit na university na pinapasukan nila? Mamaya na nalang niya itatanong after class.

Nagkaroon pa ng kaunting usapan ang buong klase tungkol sa magiging may-ari ng restaurant na si Hector bago nagsimula ang pormal na klase. Halatang halos lahat yata ng mga babae at binabae sa klaseng iyon ay interesado sa nag-iisang itinatangi ni Andy. Kapag nagkataon, ang dami niyang karibal. At naiisip niya pa lang parang gusto na niya sumuko.

The SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon