Chapter 6

138 10 2
                                    

Chapter 6 – Concentration

 

“Ready ka na, sis?”

Narinig ni Andy ang tanong na iyon ni Lara. Nakangiti ito habang katabi si Hector na may hawak na video camera na inutusan lang pala ng amang si Jay para bantayan sila ni Lara. Akala pa naman niya kusang loob ang pagbabantay nito. Pero ayos lang, at least nakita niya ulit gwapong mukha nito.

Kailangan niyang maglakad sa kalsada habang kinakanta ang napili nilang kanta ng buo, ayon sa napag-usapan. Bahagya niyang sinipat ang suot niyang bestida na pang-50’s ang style. As usual kulay pink iyon na may puting polka dots. Kinapa niya ang buhok na may malaking ribbon na pink at inayos iyon. Huminga siya ng malalim at saka tiningnan ulit si Hector at Lara na nasa harapan niya.

“I’m ready,” ngiti niya kahit kabadong-kabado siya.

Agad namang pinatugtog ni Lara ang cellphone nito at ilang sandali pa ay pumailanglang na sa ere ang kanta. Insrumental pa lang ang tugtog pero panay-panay na ang lunok ni Andy na para bang siya talaga ang kakanta. Sasabayan lang naman niya ang kanta at aarte na para bang siya ang kumakanta.

Naka-focus na sa kanya ang camera na hawak ni Hector. Hindi man ito nakatingin sa kanya, alam niyang nakikita nito ang mukha niya sa screen niyon. Pinilit niyang ibuka ang bibig para sabayan na ang kumakanta pero parang naninigas ang panga niya. Hindi lang iyon, nanginginig din ang mga tuhod niya at pinagpapawisan ang mga palad niya.

“Is there something wrong?” Halatang nag-wo-worry ang kaibigan niyang si Lara sa tanong na iyon. Hinawi nito ang camera na nasa kamay ni Hector at nilapitan siya.

Hinawakan niya sa kamay ang kaibigan. “Sis, hindi ko talaga kaya,” mangiyak-ngiyak niyang sabi.

“Bakit?”

“Si H-Hector kasi e…”

Tumawa ito ng mahina. Pero halatang pinipigilan lang nito ang humagalpak ng tawa. “Talagang ang lakas ng tama mo sa pinsan ko, sis,” tukso nito.

“Kasi naman e. Ikaw na lang ang kumuha ng video sa akin. ‘Wag na lang siya,” pakiusap niya.

“Okay, okay,” sabi nitong itinaas ang dalawang kamay. “Pero mamaya kapag tayong dalawa na ang nasa scene, bawal nang umangal.”

Kahit medyo hindi pa rin niya  gusto ang idea wala siyang nagawa kundi tumango. Bumalik ito sa kinatatayuan ni Hector at saka kinuha ang video camera mula rito. Humarap ito sa kanya at sinenyasan siyang humanda na.

Hindi naman mukhang nag-reklamo si Hector. Sa halip ay hindi ito umalis sa kinatatayuan at mukhang manunuod pa yata.

Huminga na naman siya ng malalim. Ayon na ulit ang kanta. Pero nang dapat ay sasabayan na niya ang kumakanta, ganoon na naman ang nangyari. Parang nanigas ang panga niya. Hindi niya makuhang ibuka ang bibig at hindi siya makakilos.

The SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon