Chapter 9 – Call me, maybe?
Nauna na sa labas ng bahay si Andy. Hinihintay niya na lang si Lara na lumabas pati si Hector. Hindi siya mapalagay at pinagpapawisan na naman siya ng malamig. Madalas din siyang magpakawala ng malalim na buntong hininga.
Mayamaya lang ay lumabas na ang hihintay niya. Si Hector ang nagmamaneho ng sasakyang hiniram nila sa ama nito at katabi nito si Lara. Ngumiti sa kanya ang kaibigan at itinuro ang backseat para doon siya maupo.
Ayaw pa yata akong paupuin sa tabi ni Hector! paghihimutok niya sa sarili. Iginiya niya ang sarili papasok at tahimik sa umupo sa likod. May konting inis siyang naramdaman pero nawala iyon nang magtama ang mga mata nila ni Hector sa rear mirror. Napalunok siya at agad na iniwas ang mga mata niya na mapadako ulit doon. Tumingin siya labas nang umandar na ang sasakyan. Pare-pareho silang walang imikan hanggang sa marating nila lugar na sadya nila.
"Andito na tayo!" masiglang pahayag ni Lara nang tumigil na ang sasakyan sa gilid ng semetadong kalsada. Mataas ang bahagi ng lupa doon kaya tanaw halos ang buong subdivision. Lumingon ito sa kanya at ngumiti.
Nauna na siyang lumabas at lumayo ng ilang metro mula sa sasakyan. Ang lugar na iyon ang tinigilan nilang magkaibigan kahapon nang dumating sila. Kagyat niyang ipinikit ang mga mata at sinamyo ang amoy ng kalikasan. Pagmulat niya ng mga mata ay nakita niya si Lara na nasa tabi na niya. Nakangiti na naman ito.
Kumunot ang noo niya. "Bakit?" maang na tanong niya.
"Wala," sagot nito. "Masama bang ngumiti?"
Umiling siya. "Baliw."
Tumawa ito. "Let’s start." Hinawakan nito ang kamay niya.
Tumango lang siya at nagpatangay nang hilain siya nito palapit kay Hector na kasalukuyang inaayos ang tripod na gagamitin nila. Nakapantalon lang ito na medyo kupas at T-shirt na kulay dilaw at tsinelas na itim. Kahit parang hindi nito pinag-isipan ang isinuot, bukod tangi pa rin ang angkin nitong kagwapuhan sa paningin niya.
"Gawin muna natin ‘yong napagusapan natin kanina," sabi ni Hector na kay Lara nakatingin.
Anong napag-usapan? nalilitong tanong ni Andy sa sarili. Malamang hindi na naman siya kasali kung ano man iyon. Feeling niya saling pusa lang siya sa project na dapat ay para lang sa kanila ng kaibigang si Lara. Pero hindi nga ba’t parang pabor din iyon sa kanya para mapaganda ang proyektong iyon? Lihim siyang napangiti kahit paano.
Tahimik lang siya habang nakikinig kung anong gagawin nila sa mga scenes. Tango at oo na lang lahat ng isinagot niya. Si Hector daw kasi ang magiging director nila ngayon and at the same time cameraman ulit. Okay ah, hindi man lang ulit tinanong ang opinion niya.
xoxoxoxoxoxoxoxoxo
Ang unang scene na kinunan ay ang pag-andar ng sasakyan habang lulan silang magkaibigan. Pagkatapos ay sila ulit habang naglalakad at nagkukulitan. Hindi na namalayan ni Andy kung paano niya iyon naidaos nang hindi kinakabahan. Basta nagpadala lang siya sa mga corny na jokes ni Lara, tapos ang scene number two. Kahit pa medyo naiilang siya kapag napapalakas ang tawa niya hindi niya nalang iyon ipinapahalata. Panay-panay din ang nakaw niyang pag-sulyap kay Hector.
Alas diyes y medya na nang matapos nila ang shoot. Mahigit isang oras din ang ginugol nila sa natitirang dalawang scenes na iyon. Parang pagod na pagod ang pakiramdam ni Andy pero hindi dahil sa ginawa nila kundi dahil sa paminsan-minsang pagpitlag ng puso niya kapag nararamdaman niyang tinitingnan ni Hector ang ginagawa niya.
"Mag-stay muna tayo kahit mga 30 minutes pa," narinig niyang suggestion ni Lara.
Hindi siya sumagot at ganoon din si Hector. Kinuha niya sa kaibigan ang hawak nitong video camera at umupo sa semento. "Titingnan ko muna ang mga kuha natin," sabi niya pagkaupo.
BINABASA MO ANG
The Suitor
Teen FictionAndy is a self-proclaimed Maria Clara in the modern world. No boyfriend since birth at hindi nagpapaligaw. Pero isang araw nagising na lang siya bilang girlfriend ng lalaking nagpalambot ng mga tuhod niya-- si Hector. Nagsimula ang lahat sa pakiusap...