Chapter 5 – Cameraman
“These are my collections.”
Nganga. Iyon ang reaction ang naging reaction ni Andy sa mga nakikita niya ng mga sandaling iyon. Halos sampung vintage cars ang nakahilera sa maluwag sa garahe ng Uncle Jay ni Lara. Nilapitan nila ang sasakyang nasa unahang bahagi at sinipat iyon.
“This is Dodge Royal Lancer, 1955 model,” pahayag ni Jay.
Tumango-tango lang si Andy kahit hindi naman pamilyar sa kanya sinabi nitong model. Bahagya siyang yumuko at hinimas niya ang bumber ng sasakyan. “Ang ganda!”
“Sinabi mo pa, sis. Lahat yan parang baby na ni Unlce Jay,” ngiti ni Lara na nakatayo lang sa tabi niya.
Lumapit sa kanya sa Jay. “Nagustuhan mo ba?”
“Opo! Kulay pink e!” buong sigla niyang sagot. Baby pink ang kulay ng nasabing sasakyan.
Napangiti ito. “Favorite color mo pala ‘yon,” sabi nitong tiningnan ang pink niyang bag, blouse at sapatos.
Napakamot siya ng ulo tapos ay ngumiti. “Opo.”
“Pero bakit hindi yata pink ‘yong palda mo?” biro nito.
“Baka po kasi ma-overcome ng kulay pink ang beauty ko.”
Tumawa ito ng malakas na lalo niyang ikinagulat. Hinawakan nito ang tiyan na medyo maumbok. May katabaan kasi ito. Pero hindi naman masyado. “So, ito na ba ang gagamitin niyo?” tanong nito na tatawa-tawa pa din.
Anong nakakatawa sa sinabi ko? sa isip-isip niya.
“Yes, Uncle Jay.” Si Lara ang sumagot.
“Okay, I’ll just get the key,” ngiti nito saka tinalikuran sila.
“Bakit tumawa si Uncle Jay mo?” tanong niya sa kaibigan nang mawala na sa paningin nila ang lalaki.
Nagkibit-balikat ito. “Mapang-asar talaga ‘yan.”
“Hindi kaya pangit ako kaya niya ako pinagtawanan?”
Seryoso itong tumingin sa kanya. “Anong bang sabi ng mirror sa’yo?”
Kumunot ang noo niya. “Hindi naman ako step-mother ni Snow White para magtanong sa mirror ah!”
“Bakit ‘yong step-mother lang ba ni Snow White ang gumagamit ng salamin?” balik tanong nito.
“E, wala naman akong salamin na nagsasalita e.”

BINABASA MO ANG
The Suitor
Teen FictionAndy is a self-proclaimed Maria Clara in the modern world. No boyfriend since birth at hindi nagpapaligaw. Pero isang araw nagising na lang siya bilang girlfriend ng lalaking nagpalambot ng mga tuhod niya-- si Hector. Nagsimula ang lahat sa pakiusap...