Chapter 18

87 2 0
                                    

Chapter 18 – Remembering an Old Friendship

Hindi mapalagay si Lara sa kama. Kanina siya paiba-iba ng pwesto pero hindi siya dalawin ng antok. Paano ba naman kanina pa gulong-gulo ang isip niya tungkol totoong estado sa pagitan ng best friend niyang Andy at pinsang si Hector.  Paanong nagkamabutihan ang mga ito nang hindi niya namamalayan? Nasaan siya nang mga panahong magkasama ang mga ito?

Ahhhh! Sigaw ng utak niya. Bumalikwas siya ng bangon at saka kinuha ang inabot ang cellphone sa may side table. Tatawagan niya ang kaibigan para tanungin ng tunay na nangyari. Hindi naman siya against kung magkakaroon man ng relasyong ang kaibigan at pinsan niya. Hector is of one of the persons she trusts the most. Kilala na niya ito simula noong magkaisip siya at kabisadong-kabisado niya ang ugali nito. Hindi nito kayang manloko ng tao, lalo na ng babae.

She dialed Andy’s number but it was just ringing.  Damn! Mura niya sa isip. Tinawagan niya ulit ito. May sumagot pero hindi iyon si Andy.

“Hi Tita, si Lara po ito,” sabi niya nang mabosesan ang ina ng kaibigan.

“Kumusta ka naman hija?” tanong nito sa kabilang linya

“Ayos naman po Tita. Si Andy po?” Siya naman ang nagtanong.

“Natutulog na hija. Gusto mo bang gisingin ko?”

“Naku, ‘wag na po. Pakisabi na lang na tumawag po ako.”

“O, sige. Ah, siya nga pala. Alam mo ba kung anong nangyari sa batang iyon? Kanina kasi pag-uwi ko nasa kuwarto na siya at natutulog. Dati rati ay inaantay ako no’n pauwi.”  May bahid ng pag-aalala ang boses nito. “Iniwan pa niya itong cellphone niya sa komedor. Kung hindi pa ‘to tumumog ay hindi ko malalaman na narito pala ‘to,” dugtong pa nito.

Hindi niya alam ang isasagot. Siyempre hindi siya pwedeng magsabi ng totoo. Kailangan na kailangan niyang magsinungaling at pagtakpan ang kaibigan. “Ah…eh… napagod po yata sa activity namin kanina. Mula umaga hanggang hapon po kasi iyon. Alam niyo na, graduating students kami. Maraming pinagawa sa ‘min” kunwaring kwento niya. Nakangiwi siya habang sinasabi iyon. Pinilit niyang maging masaya ang boses niya para hindi halatang nag-iimbento lang siya ng storya.

“Ah, sabagay,” pagsag-ayon naman nito. “Sige hija, magpahinga ka na rin. Alam kong napagod ka rin kanina. Hayaan mo bukas ng umaga sasabihin kong tumawag ang maganda niyang kaibigan,” biro nito kasabay ng mahinang pagtawa.

Napangiti siya sa sinabi ng ginang. Kahit kailan talaga likas na mapagbiro ito. “Kayo talaga, niloloko niyo na naman ako,” kunwari ay nahihiya niyang sabi pero sa totoo lang gusto-gusto niyang sinasabihan siya ng maganda.

“Pwera biro,” tawa nito sa kabilang linya. “Sige na, saka na tayo mag-usap nang mahaba-haba kapag dumalaw ka dito sa amin,” paalam nito.

“Opo. Bye!”

“Bye!”

Nagpakawala siya ng hangin galing sa dibdib matapos ng usapang iyon. She’s really worried about Andy. Unang beses niya itong nakitang umiyak dahil nasaktan ang pride nito bilang babae. Alam niya sa sarili niya na kailangan niyang protektahan ang kaibigan pero gusto niya ring maging masaya ang pinsan niyang simula’t sapul ay alam na alam niya kung anong hirap ang dinanas nito noong iwanan ni Bianca.

Teka, si Bianca? Hindi ba’t nabanggit ni Hector na nakita nito ang dating nobya sa hotel? Bakit ba nawala sa isip niyang kailangan niya palang i-interrogate ang pinsan sa mga nangyari. His story was not enough to explain everything.

Inilapag niya ang cellphone sa kama at saka napagpasyahang bulabugin ang pinsan sa kwarto nito. Paglabas niya ng kwarto at nasalubong niya ang ina na si Carmela. Nakapangtulog na ito at mukhang pabalik na sa kwarto. May dala itong baso ng gatas. Nginitian niya lang ito at saka nagpatuloy sa paglalakad.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 27, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon