Chapter 12

171 5 2
                                    

Chapter 12 – A Challenge

Pagbaba ni Andy sa jeep sa tapat ng restaurant na napipinturahan ng dark green at puti ay agad niyang napansin na madami na ang mga tao nasa loob niyon. Nasapo niya ang noo sa sobrang disappointment. Late na siya nakatulog last night at ito nga’t tinanghali siya ng gising dahil sa sobrang excitement. Parang gusto na niyang sabunutan ang sarili sa sobrang inis.

Tumawid siya ng kalsada at agad na pumasok siya loob ng restaurant. Luminga-linga siya para hanapin si Lara pero hindi niya ito makita. Ang daming tao. Parang blockbuster yata ang unang araw ng pagbubukas ng restaurant ni Hector. Wala siyang makitang pwedeng maupuan kaya naisipan niyang lapitan ang isang waiter na nakangiting nakamasid sa may counter.

“Ah, pwedeng magtanong?” tanong niya sa lalaking naka-puting long sleeve na medyo payat ang pangangatawan.

“Yes, Ma’am?” tugon nito sa masiglang boses.

Ngumiti siya. “Kilala mo ba si Lara? ‘Yong pinsan ng may-ari nitong restaurant?”

Saglit itong nag-isip. “Si Ma’am Lara? Nasa kitchen po yata.”

“Sige, thank you. Pupuntahan ko na lang siya,” paalam niya.

“Teka, Ma’am. Bawal po kasi ang customer sa kitchen,” pigil nito sa kanya.

Hinarap niya ulit ang waiter. “Kaibigan niya ako at kilala ko din ang may-ari nitong restaurant, si Hector.”

Tumango-tango ito. Mukhang convinced naman sa paliwanag niya. “Ganoon ba Ma’am. Doon po ang kitchen,” turo nito sa pasilyong pakanan.

“Thanks,” ngiti niya saka naglakad sa direction na itinuro ng waiter sa kanya.

Pagdating niya sa kitchen ay nagulat siya sa laki niyon. Puro busy lahat ng tao doon. Mula sa nagluluto hanggang sa naghuhugas ng plato. Parang hindi nga siya napansin ng mga naroon na pumasok siya.

Hinanap niya nang pigura ni Lara pero wala siyang nakita. Kanina pa kasi nito hindi sinasagot ang tawag niya. Nagtampo ang bruha dahil hindi siya nakapunta sa mini program na inihanda bago papasukin ang lahat ng customers.

Dapat nga ‘di ba siya ang mas affected dahil hindi siya nakapunta pero grabe maka-react ng friend niya sa nangyari. Bakit kaya? Baka balak talaga nitong gawin ang nangyari sa panaginip niya kanina, hindi kaya? Naku, kung ganoon nga, e, maglulupasay na talaga siya sa sobrang pagsisisi. Chance na niya sana ‘yon!

“What are you doing here?”

“Ay! Palakang pangit!” gulat niyang sambit nang may narinig siyang isang baritonong boses mula sa likuran niya. At nagulat siya nang humarap siya rito. Si Hector pala! Parang lumukso ang puso niya sa magkahalong gulat at tuwa. Sa wakas after jurassic  years, nakita din niya ang binata.

Nakasuot ito ng pink na polo na bumagay sa kulay ng balat nito. Naka-itim itong slacks at itim na leather shoes. Gusto niya sana itong yakapin kaso hindi pwede e.

“What did you say?” kunot-noong tanong nito.

“W-wala. Sabi ko, the frog prince ka,” nasabi na lang niya out of the blue.

“Ako? Frog?”

“Naku, hindi. P-rince ka pala. Tama, tama. Iyon nga. H-hindi ka frog,” hindi siya magkandarapa sa pagpapaliwanag. Abot-abot ang dasal niya na sana hindi ito magalit sa kanya.

Ngumiti ito. “Whatever,” iiling-iling nitong sambit.

Ngumiti si Hector! Para sa akin ba ang ngiting iyon? First time niya akong nginitian! Tuwang-tuwa na sigaw ng utak niya. Lihim siyang napangiti. Hindi niya mapigilang hindi kiligin. Lalong nadadagdagan ang gandang lalaki nito kapag ngumingiti.

The SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon