Chapter 59

2.5K 37 0
                                    

A/N: Pasensya na sa sobrang tagal na update. Masyadong sabaw yung utak ko. Tsaka kakayari lang ng Prelims namin.. Dedicated kay EvErEsTaQuInO.. Binasa nya nalahat ng story ko, follower ko pa sya.. Salamat bunso! Classmate ka ata ng kapatid ko.. ^.^

Chapter 59

Yona's POV

Naglalakad ako papunta ng room namin.

Tinext ako kanina ni Gino na nakapasok na daw sya. Gusto nya sana akong sunduin kaya lang tumanggi ako.

Gusto ko kasing mag-drive ngayon. Simula 'nung aksidente ay hindi nako nakapag-drive, dahil palagi akong hatid sundo ni Gino, o kaya naman si Manong Ferdie na driver ko ang naghahatid sundo saakin.

Protective much! Buti nga pinayagan nya na ako ang mag-drive eh. Wala na kasi syang tiwala sakin pagdating sa pagda-drive..

Excited ako ngayon araw dahil makikita ko na naman di Gino at syempre yung dalawa 'kong bestfriend at yung boyfriend nilang makulit!

Nag-aayos na din kami ng mga requirements dahil malapit na ang graduation. Ang bilis nga ng araw..

Magsi-six months na kami ni Gino. Sa loob ng six months nayon may mga tampuhan, awayan. Pero syempre mababaw lang yung mga dahilan. Ayaw din namin na matapos yung araw na hindi kami nakakapag-usap.

Madami din kaming kilig moments ni Gino! Masasabi 'kong true love na talaga 'to.

Grabe! Kinikilig ako! Gusto ko ng tumanda! Para pwede na kami ni Gino ikasal! Bawahahaha papayag ako dun noh! Ang saya kaya nun.

Gusto ko sa beach kami ikasal. Tsaka gusto ko din, sossy yung kasal ko. Ayoko ng simpleng kasal. Once in a lifetime lang yun kaya dapat pagkagastusan na talaga.

Gusto ko na talagang makatapos ng pag-aaral! Ang sarap mangarap eh! Hahaha

"hoy!"

"waaaah!!" mygolly! Nakakagulat naman si Mexy! Bigla bigla nalang akong gugulatin. Nakakainis!

"ano ba?! Bat kaba nanggugulat? " Ako

"nakakatawa ka kasi! Nakangise ka habang naglalakad. Ano iniisip mo?" tanong saakin ni Mexy

"iniisip ko yung kasal namin ni Gino! Kainis ka!" sabi ko sakanya. Nakakainis! Panira ng moment.

"Ano? Anong kasal? Ikakasal na kayo?" Mexy

"hindi pa! Pero malapit na! Pagkatapos namin mag-aral! Papakasal na'ko sakanya hahaha." Ako

"nag-propose na ba sya sayo? Grabe si Gino hindi manlang kami sinabihan! Hindi tuloy namin nakita yung kilig moments nyo!" Mexy

"hindi pa! Wala pang nangyayaring ganun. Hahaha.. Sure naman ako na sa kasal din kami hahantong! Kaya ini-imagine ko na. Hahaha" Ako

"hindi halatang excited ka noh.. Hoy basta maid of honor kami ni Monenz! " sabi ni Mexy

"oo! Dalawa maid of honor ko. Tas dalawa din yung best man! Si Dex at Jedd! Haay! Ang sarap isipin!" Ako

"oo nga. Pero baka maunahan pa kitang ikasal bwahahaha. " Mexy

"tss. Tingnan natin. " sabi ko at naglakad na ng mabilis. Male-late na kami eh.

"Yona hintayin mo'ko!" mabilis naman nakahabol saakin si Mexy.

Pagdating namin sa classroom andun na si Nina at Jedd.

"nasan si Gino?" tanong ko sakanila.

"kinausap yung babaeng sumugod dito at bigla syang hinalikan. Grabe Yona! Nakakagigil yung girl! Naitulak nga ni Gino ng malakas eh.. Grabe talaga!" sabi ni Monenz..

"eh?! San sila nag-uusap?" Ako

"lumabas ka kasi! Andyan lang sa labas!" Nina

Nagmadali naman akong lumabas. Nakita ko sila sa dulo ng hallway, si Gino katabi si Dex tapos may babaeng nakaluhod sa harap nya.

Imbis na magalit ako sa babae, naawa ako. Napaka desperada naman ata nya. Ang daming lalake, kay Gino pa nya sinisiksik yung sarili nya.

"GINO! " napatingin naman silang tatlo sakin. Lumapit ako sakanila..

Pagkalapit ko tinayo ko yung babae. Nakaluhod pa kasi. Nagmumukha syang mababang babae.

"bitawan mo nga ako!" tss.. Ang sungit naman neto! Sya na nga tinutulungan eh.

"Gino.. Parang awa muna.. Saakin ka nalang. Kaya kong gawin lahat. Kaya kong ibigay lahat sayo, Gino.. Kahit ano.." sabi ng babae habang nakahawak pa sa braso ni Gino.. Nakatingin lang ako sakanila.. Mejo nakakainis din tong babaeng to ah! Grabe! Parang wala ako dito ah.

"mahiya ka nga, Pam! Nasa harap ka ng girlfriend ko! " pagkasabi ni Gino nun hinila nya na'ko papunta ng room. Iniwan namin dun yung Pam na'yon. Nakasunod samin si Dex.

"Pare, kahit kalat dito sa school na kayo na ni Yona, dami paring humahabol sayo noh?" sabi ni Dex kay Gino.

"syempre pogi.." sagot naman ni Gino.. Yabang talaga ng Gino na'to!

"tss.. yabang mo." sabi ko naman sakanya. Wala akong masabi about sa nakita ko kanina eh. Tsaka ayoko ng i-open yung babaeng humahabol kay Gino. Nakaka-awa sya. Naisip ko tuloy. Ang swerte ko pala talaga kay Gino.

--

Lunch time na, syempre sabay sabay kaming maglunch.

"Yorien, kelan available sila tita Yorise? Gustong gusto na silang makita ni Mommy at Daddy.." panimula ni Gino. Kumakain ako ng spumoni sya naman lasagna. Hindi ako magra-rice ngayon. Diet muna..

" tatanungin ko muna. Hanggang kelan ba sila tita Sarah dito?" Ako

"hanggang sa isang linggo pa." Gino

"nako kayo ha! Mama-manhikan ka na ba, Gino?" sabi ni Mexy habang kumakain.

"Oo nga.. Kayo ha. Kelan kasal?" dagdag pa ni Nina. Parang baliw tong mga 'to!

"para kayong baliw! Ang bata pa namin kasal na agad iniisip nyo!" Ako

"hoy Yona, ikaw din ah?! Kasal nyo din ni Gino iniisip mo kanina sa hallway habang papasok ka.." Mexy

Ingay talaga ng babaeng to!

"A-ako? H-hindi ah! Para kang baliw Mexy!" sabi ko sakanya. Pagtatawanan ako ni Gino neto eh.

"weh? Eh bakit nau-utal ka? Nahihiya ka ba kay Gino?" Mexy

"tsk. Bakit naman ako mahihiya? " Ako

"oo nga naman, Yorien. Bat ka ba mahihiya sakin, kung iniisip mo lang naman na malapit na tayong ikasal." sabi ni Gino tapos inakbayan pa'ko.

"Hindi ko iniisip yon noh.. Ikaw nga di mo iniisip yon. Kaya hindi ko din iniisip na malapit na tayong ikasal.." sabi ko sakanya tapos tinanggal ko yung akbay nya sakin.

"sino naman nagsabi sayo? Maghintay ka kasi.." sabi ni Gino tapos pinisil yung mukha ko. Bwisit talaga 'to! Ang sakit ng pagkapisil sa mukha ko! Pero kinikilig ako.. Hihihi

"Aray naman!" Ako

"aray naman, pero nakangiti ka. Ano yun Yona? Masakit na masarap?? Bwahahaha" Mexy

Tiningnan ko si Mexy ng masama! Epal din to eh.

Play Girl meets The Casanova (MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon