Chapter 61
Yona's POV
Naghihintay ako ng tawag at text galing kay Gino. Simula kasi nung naghiwalay kami kagabi hindi pa sya nagtetext saakin.
Siguro naguguluhan pa sya sa mga nangyayari sa magulang namin. Naniniwala ako kay Gino na hindi sya bibitaw sakin.
Tss. Masyado nya kong mahal para bumitaw sya saakin.
Nakukuha ko pa talagang mag magaling kahit na may problema noh.
Andito na'ko sa room, hinihintay ko parin si Gino. Andito na din sila Mexy at Nina pati yung boyfriend nila.
Hindi ko pa nasasabi sakanila yung problema namin ni Gino. Ayoko kasing pag-usapan yon.
Hindi ko tuloy maiwasan hindi mag-isip tungkol samin ni Gino. Hindi naman siguro damay yung relasyon namin ni Gino sa away ni mommy at tita Sarah.
"Hey! Lalim ng iniisip mo ah.." nakakainis 'tong Ced na'to! Bigla bigla nalang magsasalita.. Psh..
"Ingay mo, Ced! Ano ba problema mo?!" -Ako
"Tss.. Madami ko non. Eh ikaw ano ba yung iniisip mo? Ang lalim eh.."
"inaantok lang ako.. Wag kang OA.."
"weh? Inaantok ka talaga? Iniisip mo lang si Gino eh.." Ced
"natural na isipin ko si Gino kasi boyfriend ko yon!"
"Yona wag mo ngang ilihim sakin. Hindi ko sinasadya pero nakita ko kayo kagabi sa park. Lalapitan ko sana kayo, kaya lang masyado kayong seryoso kaya hindi nako nakalapit.. I'm your friend, you should share your problem with me.." sabi saakin ni Ced. Mukang wala na'kong kawala sakanya.
Mabuti pa nga sigurong i-share ko sakanya, makakagaan siguro ng loob yon.
"Chismoso ka noh? Pero sige na nga sasabihin ko na sayo. Ang kulit mo eh." sabi ko sakanya. Sa totoo lang pinipilit ko lang syang ngitian. Hindi ko kasi alam kung gaano kalalim yung galit ni tita Sarah kay mommy, natatakot ako na baka paghiwalayin nya kami ni Gino. Magulang sya ni Gino, at alam kong kahit ano gawin ni Gino wala syang laban sa magulang nya, lalo na estudyante pa lang sya.
Kinwento ko kay Ced lahat ng nangyari kagabi, tapos yung nakaraan ni mommy at tita Sarah. Kagabi lang sakin ni mommy nasabi yung away nila ni tita Sarah, pero nagsisisi na talaga yung mommy ko. Balak nya din ngayon pumunta kila Gino para humingi ulit ng tawad kay tita Sarah.
"grabe. Ang intense naman ng away ng mommy mo at mommy ni Gino. Pano na kayo nyan?" tanong sakin ni Ced. Pano na nga ba kami neto? "sabi ni Gino hindi nya ko bibitawan. Gagawa sya ng paraan.." sagot ko sakanya..
"Gusto mo bang spumoni? Masyado kang problemado. Ikain mo muna yan.." sabi pa nya.
Pumunta kami ng cafeteria at bumili ng spumoni tapos tumambay kami sa tambayan nya sa may hagdan.
"alam mo Ced, ang tagal na natin magkaibigan, bakit di mo parin sakin pinapakilala yung girlfriend mo?" tanong ko sakanya. Puro ako nalang yung topic eh.
"busy yun.. Sobrang dami nun ginagawa sa school.." sagot nya.
Ahhmm.. Bakit kaya hindi nalang nya dalawin?
"bakit di mo nalang dalawin. Sama ko sayo.." pag-aaya ko saknya.
"huh? A-ano? Wag na noh! Hehe.. Masungit yun baka sungitan ka!" Ced
"ganun ba? Hmp.. Tara na nga sa room. Baka nagka-klase na tayo.." Ako
--
Nakakainis! Wala pa si Gino dito sa room, hindi din nagte-text sakin. Nag-aalala ako sakanya..
BINABASA MO ANG
Play Girl meets The Casanova (MAJOR EDITING)
Novela JuvenilPaano kung yung Casanova Prince at ang Ms. Play Girl ay nag tagpo? What will happen? Paano nila paglalaruan ang isat isa? Paano kung ng dahil sa paglalaro nila mainlove sila sa isat isa? Hahayaan ba nilang pangunahan sila ng nararamdaman nila o h...