Chapter 65

3.3K 46 6
                                    

A/N: Uwaah!! Last Chapter na'to! Huhuhu T_T mamimiss ko 'tong story 'ko na'to. Kahit puro typos 'to at may mga wrong gramming mahal na mahal ko parin 'tong story na'to. Enjoy Reading!



Chapter 65


Yona's POV


Today is our graduation day. Ang bilis ng araw! Naaalala ko pa nung first day of school as senior, una 'kong nakita si Gino. Attracted na agad ako sakanya, kasi ang gwapo.



Naaalala ko pa nung nasa hallway siya at nagkunwari akong natipalok. That was unforgettable! Doon niya tinanong kung ano pangalan 'ko at doon din ako na-attract sa ngiti niya. I will miss this school. Imperial Academy, is part of my life. Most of my happy and sad memories are here.


"Ready?" tanong saakin ni Mommy. Siya kasi yung kasama 'kong aakyat ng stage. Si kuya Yobie at Daddy supporter ko lang. Haha. Clappers ko lang sila mamaya. Hehehe




Nandoon na sila Gino and Mexy. Ang galing lang nila Mexy, honor sila ni Gino. Kami ni Nina wala. May award lang kaming nakuha dahil active kaming students. Si Mexy third honor, si Gino naman fifth. Ang unfair noh? Hindi kami ni Nina na-honor. Pare-pareho lang naman kaming hindi nagre-review! Tsaka si Gino, never ko siyang nakita na nag-read ng books!




Si Mexy naman kasabay namin siya palaging mag-review! Pero mabuti na lang mataas yung average namin ni Nina. Tsaka nag-take ako ng exam sa New York University, sana lang makapasa ako.




Si Mexy sa UP, pumasa na siya. Si Nina at Jedd naman dito sa Imperial Academy. High standard naman kasi 'to, ayaw din daw nilang iwan ang school. Si Dex at Gino sa Ateneo sila. Mga basketball player kasi. Tsk. And oo nga pala, si Ced din nag-take ng exam sa New York University, okay nga 'yon eh. At least may kasama akong Filipino. Dudugo ang ilong 'ko kaka-english don!




Malungkot man na magkakahiwalay-hiwalay na kami pero dapat sumaya parin. Hindi naman talaga pwede na kami palagi ang magkakasama.




Sabi ni Gino, he'll visit me twice a month. Ang aksayado sa pera! Kaya lang si Tito Gin din yung nagpumilit sa bagay na'yon. Natutuwa nga ako eh. Tanggap na talaga nila ako.




Hindi 'ko namalayan, andito na pala kami sa school.


Pumunta na kami sa gymnasium, kanina pa'ko hinihintay nila Mexy.




"Yona!!" sigaw ni Mexy ng makita niya ako. "Ang lakas mo naman sumigaw! Akala mong ngayon mo lang ako nakita." sabi 'ko sakanya.



"Masaya kasi ako! Hahaha.. This is it! After this, college na tayo! Last day na natin 'to as high school!" masiglang sabi ni Mexy.




"tch. Ako masaya na malungkot. Magkakahiwalay-hiwalay na tayo." sabi naman ni Nina.




"Nako! Wag mong isipin na magkakahiwalay-hiwalay tayo! Ano ka ba, para saan pa ang facebook, twitter, facetime, skype, viber and so on? Kahit nasa moon ka pa, basta may signal hindi kita mami-miss! Hahaha" sabi ni Mexy. Ang hyper na babaing 'to ngayon.




"Ayaw nyo non, atleast mami-miss na natin yung isa't-isa, kesa naman sa sawang sawa tayo sa prensence ng isa't-isa diba?" sabi ko sakanila.




"Tch! Palibhasa mag-aabroad ka kaya ka gumaganyan! Wag ka sanang maka-pasa para dito ka na lang din mag-aral sa Pinas! Hahaha" sabi ni Mexy.




"tch! You're so mean! May regalo pa naman ako sainyo! Hindi ko ibibigay yung sayo." sabi 'ko kay Mexy sabay irap. Oo may regalo ako sakanila. Sakanya sapatos, kay Nina wallet, madaming pera si Nina palaging putok yung wallet nun kaya naisip kong wallet yung ibigay sakanya. Kay Jedd at Dex binili ko sila ng iPod. Nasira kasi ni Gino yung kay Dex tapos si Jedd naman wala siyang iPod. Mas trip niya kasing makipag landian kay Nina kesa makinig ng music. Hahaha Si Ced din binilan 'ko ng necklace, ang hot kasi niya kapag may kwintas na suot. Baka magka-girlfriend na kapag sinuot yung binili ko sakanya. Hahaha Kay Gino naman, isang teddy bear, kapag pinindot mo yung kamay may masasalita ng 'I love you daddy Gino! Mahal ka namin ni mommy Yona!' Pinasadya ko yung kanya sa toy company na pagmamay-ari ng tito 'ko.




Play Girl meets The Casanova (MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon