EPILOGUE

4.1K 58 17
  • Dedicated kay ToAllReadersOfPGMTC
                                    

Epilogue





Three years later...






Nagising ako sa maingay na tunog ng cellphone ko. Pagkakita ko si Mexy pala yung tumatawag..





" Yona!! I miss you na talaga! Kumusta na?"





"Tss. Ang OA mo! Kaka-chat lang natin nung isang gabi sa Facetime miss mo na agad ako." sabi 'ko sakanya.




"Eh nung isang gabi pa 'yon eh! Tsaka may ibabalita ako sayo!" masiglang sabi saakin ni Mexy. Ang hyper talaga niya kahit kelan.




"Ano naman 'yon?"





"Yona matutuwa ka, sure! Myghad! Si Jedd nag-propose na kay Monenz! Kainggit much! Yung bestfriend natin engaged na!" halata sa boses ni Mexy na masayang masaya sya. Sobrang saya ko para kay Nina. Grabe! Ang perfect ng lovelife nya. Sana makayanan nila ni Jedd yung mga struggles na makakaharap pa nila.






"Talaga?! Sayang wala ako nung nag-propose si Jedd! I missed the kilig moment! Bruhang Nina na'yon! Bakit di nya ko kinukwentuhan about dun?" tanong 'ko. OMG bakit hindi sila nagkukwento saakin?!





"Gusto nya kasi personal nya sayong sabihin! Hihihi. Kinikilig ka noh?! Umuwi ka na kasi!"





"Tch. Nag-aaral ako dito! Tsaka ayoko muna. Di pa 'ko ready." sagot 'ko sakanya.






"grabe! Inlove na inlove ka parin kay Gino?!" hindi ako makasagot sa tanong saakin ni Mexy.





Oo.. Mahal na mahal 'ko parin siya kahit tatlong taon na yung lumipas. Ako na yung nagparaya. Ayokong agawan ng ama yung magiging anak niya kaya nagdesisyon ako na mag let go na lang at dito sa New York manirahan habang nag-aaral.






Sobrang hirap para sakin na mag let go, lalo na kapag nangingibabaw sayo yung pagmamahal mo para sa isang tao.






Kumusta na kaya sya dun? Masaya na kaya sya kasama ang anak niya?






Nakakahinayang yung relasyon namin ni Gino. Ang dami namin pinagdaanan na magkasama tapos sa isang pagakakamali natapos kami.






"Yona nandyan ka pa ba?" nabalik na lang ako sa wisyo 'ko ng magsalita si Mexy sa kabilang linya.






"Oo nandito pa'ko.." maikling sagot 'ko sakanya.






"Gusto mo kwentuhan kita about kay Gino?"





"Mexy tumigil ka nga. Tatlong taon 'kong tinitiis na wag makibalita sakanya. May sarili na siyang buhay ngayon." sabi 'ko kay Mexy.






"Hmmp. Sa bagay.. Pero gusto 'ko lang naman na magkaroon ka kahit konting balita tungkol sa True Love mo!"






"Ayoko na nga Mex diba? Three years ko nang iniiwasan na makibalita sakanya. Okay na'ko sa ganito. Makaka-move on din ako, hindi pa lang ngayon."






"Three years ka ng nagmo-move on Yona pero wala parin nangyayari! Grabe ka!"






"Kaya nga eh. Maiba nga ako, kumusta na sila Nina at Jedd?" iniiwasan 'ko talaga yung topic namin ni Mexy. Ayoko ng usapan namin, baka kasi kung saan pa mapunta.






"Ayon nga palaging PDA! Kapag magkakasama kami palaging lambingan ng lambingan! Akala mong hindi nagkasama ng isang taon. Hay na'ko nakakabadtrip sila!" natawa 'ko sa sinabi saakin ni Mexy. Bitter kasi.






Play Girl meets The Casanova (MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon