1

1.2K 36 4
                                    

Chapter 1

Nakaupo kami sa may bench ng eskwelahan ng kalabitin ako ni Luzy. Sabay nguso nya sa lalaking palapit samin. Este bakla pala.

"Ang swerte mo sa bestfriend mo noh? Ang gwapo!" kinikilig na sabi nya

"Naku! Wag mong ipaparinig sakanya yan. At baka sabunutan ka nya." tumatawang sabi ko

"Sayang sya noh? Ang gwapo nyang bakla." tila nangangarap na sabi ni Luzy.

Kung alam lang nya. Sa loob ng tatlong taon na nakasama ko si Dylan. Halos araw araw akong nagdadasal na sana ay mawala na ang pagkabakla nya at maging tunay na lalaki nalang sya.

Inlove ako kay Dylan.

Tanggap ko na yun matagal na. Unang taon pa lang ng pagkakaibigan namin nahulog na kaagad ako sakanya. Masakit lang dahil hindi naman nya ako nasalo. Kasi hindi naman kami talo.

Kagaya ko. Lalaki din ang gusto nya.

"Hi besty!" bati ni Dylan sabay beso sakin. "Oh bakit sad ang feslak ng besty ko?" tanong nya sakin sabay tinabihan ako sa upuan.

Nagkatinginan naman kami ni Luzy.

"Wala. Napagod lang." tipid na sabi ko.

"Tapos naba exam nyo?" tanong nya samin.

"Oo. Katatapos lang. Nagpapahinga lang ako bago pumasok sa restaurant."

Dahil mahirap lang ang pamilyang pinagmulan ko. Kung kaya kailangan kong kumayod para may maipantustos ako sa pag aaral ko. Kahit scholar ako meron din akong pangangailangan na dapat suportahan. Kagaya ng pambili ng pagkain at pambayad sa renta ng bahay.

"Haynaku! Wag kana kasing pumasok sa trabaho mo na yan. Pinapagod mo lang ang sarili mo." sabi ni Dylan

"Anu kaba? Itutulad mo ako sayo na mayaman."

"Ayaw mo kasing tanggapin ang alok ko."

"Hindi ako tumatanggap ng libre."

"Sino bang may sabing libre?"

"Hays! Halika na ihatid mo na ako sa pinagtatrabahuhan ko. Mag oovertime ako ngayon tutal wala naman pasok bukas."

Tumayo naman si Dylan ngunit nakasimangot. Nagpaalam na ako kay Luzy. Tumango naman sya bilang tugo.

"Naiinis na ako sayo besty." nakangusong sabi ni Dylan. Bakit kahit saang anggulo sya tingnan. Ang gwapo nya padin.

"Bakit nanaman?"

"Ang tagal na kitang inaalok ng trabaho para di ka mahirapan pero tinatanggihan mo ako. Kaibigan mo ba talaga ako?"

"Ayoko lang isipin mo na sinasamantala ko ang pagkakaibigan natin."

"Bakit ko naman iisipin yun? Eh ako nga ang nag alok sayo diba?"

"Pagtatalunan nanaman ba natin to?"

"Ewan ko sayo Eaus!"

"Ewan ko din sayo Dylan."

"Its Daiyan. Not Dylan."

"Whatever!"

Kainis! Kung kasal ba ang inaalok nya sakin. De sana tinanggap ko kaagad.

Pagdating namin sa restaurant na pinapasukan ko ay kaagad akong bumaba. Ngunit nagulat ako ng hindi padin umaalis si Dylan.

"Oh? Anu pang ginagawa mo dito? Maghihintay ng gwapong lalaki?"

"Hindi. Maghihintay ng makulit na babae."

"Babae?"

"Oo. Anu kaba? Hindi ba babae ka?"

"At bakit mo naman ako hihintayin?"

"Para safe kang makauwi. Sige na pumasok kana. Hihintayin kita."

Pagtalikod ko. Lihim akong napangiti.

Kahit bakla sya. Kinikilig padin ako sa mga ginagawa nya. Hay Dylan. Sana magpaka lalaki kana.

BAKIT SYA PA?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon