13

550 30 8
                                    

Chapter 13

Natigil ang paghaplos ko sa buhok ni Dylan ng makarinig ako ng nag uusap sa labas ng bahay. Malayo palang ay kilala ko na kung kanino galing ang mga boses na yun.

"Totoo po Nay. Ang gwapo ng boyfriend ni Ate Eaus!" rinig kong tuwang tuwang sabi ni Lester.

"Nasaan ba sila?" tanong naman ni Nanay. "Sigurado kabang boyfriend ng ate mo yun?" naniniguradong sabi nya.

"Opo nay. Sigurado po." natigil si Lester at si Nanay ng maabutan kami ni Dylan sa sala. Gustuhin ko man syang salubungin para magbigay galang ay di ko magagawa dahil nakahiga si Dylan sa hita ko.

Dumapo ang mata ni Nanay sa mukha ni Dylan at napatutop pa sya ng bibig. Napairap nalang ako sa kawalan. Pati ba naman si Nanay. Apektado ng Dylan's Syndrome.

Lumapit si Nanay at Lester sakin kaya nagawa kong makapagmano kay Nanay at bumati.

"Aba! Totoo nga! Napakagwapo ng boyfriend mo anak." tuwang tuwang sabi ni Nanay. "Magtapat ka nga sakin anak. Saan ka kumuha ng panggayuma na ginamit mo sakanya?"

Naiiling nalang ako. Imbis na si Nanay ang bigyan ko ng matalim na tingin ay ibinaling ko ang mga mata ko kay Lester na nasa tabi nya.

"Ginayuma? Nay. Ganun ba ako kapangit para hindi magustuhan ng isang kagaya nya? Kakailanganin ko ba talaga ng gayuma para lang mahalin nya?" malungkot akong tumingin sa mukha ni Dylan.

"Ikaw naman anak. Nagbibiro lang si Nanay. Natutuwa lang ako at nakadalaw ka sa amin kasama ang nobyo mo." nakita kong biglang nalungkot ang mukha ni Nanay. "Hindi ako tumututol sa pakikipagnobyo mo anak. Pero sana alam mo kung saan ang limitasyon mo. At nais ko rin sana na hanggang maaari ay wag ka munang mag aasawa para matulungan mo kami ng tatay mo para mapag aral ang mga kapatid mo. Alam mo naman na ikaw lang ang inaasahan namin."

Bago pa ako makasagot ay bumangon na si Dylan at nagmano sa nanay ko at nagbigay galang.

"Huwag po kayong mag alala. Kung sakali man pong magpakasal kami ni Eaus. Magkasama po kaming tutulong sa inyo." nakangiting sabi nya pagkatapos ay lumingon sa akin at bahagyang pinisil ang kamay kong hawak hawak nya.

Wala naman naging reaksyon si Nanay sa sinabi ni Dylan. Nagpaalam na sya sa amin upang makapag handa para sa hapunan. Lumabas naman si Dylan kasama ni Lester dahil may ipapakita raw si Lester sakanya. Natuwa naman akk dahil pinaunlakan ito ni Dylan. Sumunod ako kay Nanay sa may kusina.

"Mahal mo sya ano, anak." hindi yun tanong kundi kumpirmasyon. "Natatakot ako para sayo. Base sa pananamit ng lalaking kasama mo ay may sinabi ito sa buhay." humarap sakin si Nanay na may malungkot na mga mata. "Ayokong masaktan ka anak dahil lamang sa pagkakaroon nyo ng magkaibang estado ng pamumuhay."

Lumapit ako kay Nanay at niyakap sya. Siguro ay napakasama kong anak dahil maging ang magulang ko ay pinaglihiman ko na tungkol sa tunay na relasyon namin ni Dylan.

"Huwag kayong mag alala Nay. Masaktan man ako ng dahil sakanya. Magiging masaya padin ako. Dahil alam kong minsan sa buhay ko. Nakilala ko ang katulad nyang minahal ako sa kabila ng pagkakaiba namin." Sana nga ay totoong mahal nya rin ako.

"Nandito lang kami anak para sayo. Kahit ano pang maging desisyon mo palagi kaming nakasuporta sayo."

"Thank you nay."

"O siya. Bilisan na natin at ilang oras nalang ay narito na ang mga kapatid mo at ang tatay mo. Hindi ko pa nasasabi sakanya na mayroon kang nobyo dahil ako lamang ang nakita ni Lester kanina."

Nang sumapit na ang hapunan ay naroon na kaming lahat sa lamesa. Nagpasabi ang dalawa kong kapatid na hindi sila makakasabay sa hapunan dahil mayroon silang importanteng kailangang gawin.

"Iho. Ibibigay ko ang basbas ko sayo pero isang bagay lang ang hihilingin ko sayo. Sana ay huwag mong sasaktan ang anak ko." biglang basag ni Tatay sa katahimikan na naging dahilan upang mahinto ako sa pagsubo.

Napatingin ako kay Dylan na nasa aking tabi. Nakangiti sya habang nakatitig rin sa akin.


"Huwag po kayong mag alala. Hinding hindi ko po sasaktan si Eaus kahit na anong mangyari."

Gustong gusto ko ng maluha dahil sa sinabi ni Dylan. Napakasarap pakinggan ng mga katagang binibitawan nya. Alam kong parte lamang iyon ng pag arte namin dalawa ngunit tagos na tagos ang mga iyon sa puso ko.

"Mabuti naman kung ganoon." masayang sabi ni Tatay. Si nanay ay pasulyap sulyap lamang sa akin habang si Lester ay abala sa pagkain ng manok na dala namin ni Dylan.

Nang makatapos kaming maghapunan ay ako na ang nagpresintang maghugas ng plato. Habang si Dylan ay nanatiling nakasandal sa may haligi ng kusina namin.

"Eaus.." tawag nya sakin.

"Hmm." sagot ko habang patuloy sa paghuhugas ng plato.

"Okey lang sakin kung gusto mo pang manatili dito ng mga ilang araw. Alam ko naman na namiss mo rin ang pamilya mo." napatigil ako sa ginagawa ko at napalingon kay Dylan. Seryoso lang syang nakatingin sakin.

"Okey lang sayo?" tuwang tuwang tanong ko.

"Oo naman. Basta para sayo Eaus. Kahit hindi ko gusto. Pipilitin kong magustuhan..
Sumaya ka lang."

Nabalot ng galak ang puso ko kung kaya tinakbo ko ang pagitan namin dalawa at niyakap ko sya ng mahigpit.

"Thank you Dylan. Thank you!"



"Your welcome Eaus. Kahit ano basta para sayo."

Napahiwalay kami sa pagkakayakap ng may biglang tumikhim. Sabay kaming napalingon sa pinanggalingan nito. Nakita ko si Tatay na nakamulsa.

"Anak. Aabutin ka ng siyam siyam sa ginagawa mo kung makikipagyakapan ka lang sa nobyo mo. Mamaya na yan kapag natapos ang trabaho mo." tumalikod na sya at naglakad palayo sa amin.

Napakibit balikat nalang si Dylan habang ako ay natatawang bumalik sa ginagawa ko.

Ang sarap sana. Kung totoo ang lahat.
Ang relasyon namin at ang nararamdaman nya para sakin. Sana.

BAKIT SYA PA?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon