3

519 38 2
                                    

Chapter 3

"Wag mo akong pagnasahan. Hindi tayo talo." sabi nya sabay pasok sa kwarto.

Halos hindi naman matanggal sa isip ko ang imahe ng katawan nya. Ghez! Kung di ko lang alam na bakla si Dylan. Iisipin ko na lalaki talaga sya. Putspa naman! Ang hot nya.

"Eaus! Anu pang ginagawa mo dyan? Pumunta kana dito!" sigaw nya.

"Oo. Sandali lang". sabi ko sabay lakad papunta sa kwarto nya.

Pagpasok ko sa kwarto nya. Inabutan nya kaagad ako ng pantulog. May undies din na nakabox pa syang inabot sakin. Confirmed! Bakla talaga sya.

"Kung ayaw mo yan. Tingin ka sa closet ko. Madami pang damit dun na pambabae." sabi nya sabay higa. Nakaligo na pala sya. Ang bilis naman.

"Ah hindi na. Okey na to." sabi ko. Papasok na sana ako sa banyo ng may maalala ako. "Kumain kanaba?" tanong ko

"Hindi pa." tipid na sagot nya

"Huh? Hindi kapa naghahapunan. Sandali lang at ipagluluto kita." sabi ko. Lalakad na sana ako ngunit pinigilan nya ako

"Wag na. Alam kong pagod kana. Okey lang ako. Hindi naman ako gutom".

"Hindi pwede! Hindi mo ba alam na masama ang natutulog ng gutom? Dyan ka lang at magluluto ako." wala na syang nagawa kaya binitawan nya ako.

Buti nalang at marami syang stock ng pagkain. Kumuha nalang ako ng manok at sayote. Mabilis lang naman lutuin ang tinola. Nagsalang nadin ako ng kanin sa may rice cooker kaya siguradong wala pang isang oras ay makakaluto na ako.

Luto na ang kanin. Tinikman ko naman ang niluto kong tinola. Napangiti ako dahil tama lang ang alat. Naglagay ako ng plato sa lamesa at kutsara. Nagsalin din ako sa bowl ng ulam.

Pagkatapos ay nagpunta ako sa kwarto upang tawagin si Dylan. Pagdating ko nakita ko syang nakapikit. Tulog na kaya sya?

Nagkaroon ako ng pagkakataon na mas titigan pa sya. Hay! Napaka perpekto talaga ng mukha nya. Kundi lang sya bakla. Masasabi kong perfect sya para maging boyfriend. O di kaya ay asawa.

Lumapit ako para gisingin sya.

"Dylan. Nakahanda na yung pagkain mo." sabay tapik ko sa pisngi nya. Hindi padin sya nagigising. Napatingin naman ako sa mapula nyang labi.

Napalunok ako. Hindi naman nya siguro malalaman kung hahalikan ko sya diba? Mabilis ko syang dinampian ng halik sa labi. Buti nalang at hindi sya nagising.

Inulit ko sya ulit na gisingin. This time niyugyog ko na ang balikat nya. Sa wakas ay nagmulat na sya.

"Halika na. Kumain kana." bumangon naman sya kaagad. Pero bago sya lumakad palabas ay nginisihan nya muna ako. Yung ngisi na para bang nanunukso.

Syet! Alam ba nyang kiniss ko sya?

Im dead!

BAKIT SYA PA?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon