14

395 29 6
                                    

Chapter 14

Akala ko ay tapos na ang kalbaryo ko para sa araw na ito ngunit nagkamali ako. Ngayon ay problema namin ni Dylan ang pagtutulugan.

Merong kama sa kwarto ko ngunit hindi iyon ganun kalaki. Sa katawan palang ni Dylan ay sakto na ito. May matitira man space ngunit hindi na ganun kalaki.

"Dylan. Ikaw na sa kama. Dun nalang ako sa lapag. Maglalatag nalang ako ng banig." sabi ko kay Dylan habang naglalagay ng bagong kobre kama sa kutson.

"What? No way. Palagay mo ba ay hahayaan kitang matulog sa sahig?" nakahalukipkip na sabi nya.

"Shh. Dylan! Hinayaan mo naman yang boses mo. Alam mo naman na hindi sound proof itong mga kwarto dito dahil plywood lang ang nagdidibisyon dito."nakairap na sabi ko sakanya. Lumapit naman sya sakin at inakbayan ako.

"Problema ba yun? E di ipagawa natin." nakangising sabi nya.

"Baliw ka! Dun kana nga. Pinapatagal mo lang itong ginagawa ko e." siniko ko sya kung kaya napalayo sya sakin.

"Arte."

Nang matapos ko na ang paglalagay ng punda at sapin. Pumunta ako sa kabinet para kumuha ng kumot.

"Mahiga na po kayo mahal na hari." nakangising sabi ko.

Ngunit nagulat ako ng ngisihan nya rin ako pabalik.

"Mahihiga lamang ako kung tatabihan ako sa pagtulog ng aking reyna." napamura nalang ako sa hangin. Shit! Bakit nag back fire sakin ang pang iinis ko sakanya.

"Sira! Di tayo kasya. Dito nalang ako sa sahig. Meron pa naman extra na banig e."

Nagpunta si Dylan sa kama ay nahiga na. Ngunit ganon nalang ang gulat ko ng hatakin nya ako papunta sa kama kaya napahiga ako sa dibdib nya.

"Ano ba Dylan! Hindi tayo kasya!" pilit akong lumalayo sakanya ngunit mas hinigpitan nya lamang ang pagkakayakap nya sakin.

"Kasya tayo dito Eaus. Basta magkayakap tayo." halata sa pagsasalita nya ang panunukso. Kung hindi lang sya bakla ay iisipin kong nananamantala sya e. Para paraan...

"Ayoko nga. Baka mahulog ako no! Malikot pa naman akong matulog!"

"Tss. Ano bang inaarte mo? Tabi naman tayong natutulog ah?" halos manlaki ang mata ko dahil sa sinabi nya. Paano kung narinig nila Nanay ang sinabi nya.

"Dylan! Yung bunganga mo!"

"Tss. Nakakabit." pamimilosopo nya. Tumagilid sya ng higa kung kaya naunan na ako ngayon sa bisig nya habang ang isang kamay nya ay nakayakap sakin. "Tsaka Eaus. Di ko hahayaan na mahulog ka, at kung sakali man na mangyari yun. Nandito ako. Sasaluhin kita."

Eh ang feelings ko sayo Dylan? Sasaluhin mo rin ba?

"Antok kana Dylan. Matulog kana." paglilihis ko sa usapan. Natatakot akong baka mahalata nya ang nararamdaman ko para sakanya. Lalo na ang magkalapit lang kami. Baka marinig nya ang abnormal na tibok ng puso ko.

"Matulog kana rin. Baka mamaya nyan irape mo pa ako."

"Yabang ha. Baka nga ikaw dyan e."

"Ako? Sino kaya satin dalawa ang nanghahalik sa natutulog?"napatingala ako dahil sa sinabi nya. Kitang kita ko ang malawak na ngisi sa labi nya. May halong panunukso rin ang bawat titig nya.

Syet na malagkit! Alam nyang ninanakawan ko sya ng halik kapag natutulog sya!

"Huwag kang mag alala. Kwits lang tayo." hinalikan nya ako sa noo, pagkatapos ay sa ilong, pababa sa labi hanggang sa bumaba ito patungo sa panga at leeg ko.

"Teka.. Dylan!" kinikilabutan ako sa ginagawa nya.

"Kung ano ang ginawa ko ngayon Eaus, ganun ang ginagawa ko sayo kapag natutulog ka. Kaya kwits lang tayo." namilog ang mga mata ko kasabay ng pag awang ng aking labi.

"Manyak!" gigil na sabi ko sabay kurot sakanya.

"Assumera! Feeling mo naman gagawin ko yun. Asa ka naman!"

Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi nya. Akala ko talaga ginawa nya yun e.

Tulog na ang buong mamamayan sa lugar namin. Habang ako ay narito at dilat na dilat parin.

Hindi mawala sa isip ko ang ginawa ni Dylan maging ang sinabi nya.

Ang joke diba minsan totoo?

So ibig sabihin may posibilidad na totoo ang sinabi nya?

ARGH! NAKAKAINIS KA DYLAN ANDREW SANTILLAN! BAKIT BINABALIW MO AKO NG GANITO?!

BAKIT SYA PA?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon