8

448 34 2
                                    

Chapter 8

[You only have zero peso in your account. Plea—] Hindi ko na na tinapos ang sinasabi nito at pinatay ko na kaagad. Badtrip! Ngayon pa ako nawalan ng load kung kaylan naman kailangan ko.

Binulsa ko ang cellphone ko at binuhat ang tray para dalhin kay — teka. Di ko nga pala nakuha ang pangalan nya. Naglakad ako palapit sa bisita ni Dylan. Nang makita nya ako ay nginitian naman nya ako kaagad.

"Hindi kana sana nag abala." sabi nya. "Anu nga palang ginagawa mo dito sa condo ni Dylan." tanong nya sakin

"Ah. Maid nya ako." simpleng sagot ko. Bakit ko naman ikakahiya na katulong ako eh marangal naman na trabaho yun. Mahirap naman na isipin nya na— aixt! Malabong isipin yun nitong kaharap ko. Bakla nga pala si Dylan. OMO! Mabilis kong pinasadahan ng tingin ulit ang lalaki. Dont tell me boyfriend sya ni Dylan!

"Anu nga palang pangalan mo?"tanong nya sakin.

"Eaus Cassedy." pagkarinig ng pangalan ko ay bigla nalang syang natawa. Ganun ba kapangit ang pangalan ko para pagtawanan nya ako?

"Hey! Kung anu man yang iniisip mo. Hindi ganyan ang nasa isip ang naiisip ko. Sa katunayan ang ganda nga ng pangalan mo eh." puno ng sinseridad na sabi nya. Ngunit nandun padin ang pagtawa nya.

"Ikaw anung pangalan mo?"tanong ko.

"Joshua." simpleng sagot nya.

"Ang pangit naman ng pangalan mo. Parang miswa." tumatawang sabi ko.

Napatigil kami sa pagtatawanan ng marahas na bumukas ang pinto. Napatutop nalang ako ng bibig. Nakalimutan ko kasi syang tawagan.

"Eaus! Hindi ba sabi ko sayo kapag may nagpunta dito. Tawagan mo kaagad ako?!" galit na sabi ni Dylan habang naglalakad palapit sa amin.

"Sorry. Naubusan kasi ako ng load." nakayukong sabi ko. Lumapit naman sya kay Joshua at ito naman ang kinausap nya.

"Anung masamang hangin ang nagdala sayo dito Joshua?" nakataas ang kilay na sabi ni Dylan.

"Hey. Easy couz. Pinapunta ako ni Lolo dito dahil matagal kana daw hindi nabibisita sa hacienda. Kaya ibinilin nya na kung pwede daw ay umuwi ka sa sembreak ninyo."

Tiningan ko ang reaksyon ni Dylan. Ngunit napakagaling nyang magtago kaya di ko alam ang nararamdaman nya ng mga oras na yun.. Basta ang alam ko lang. Pinsan ni Dylan si Joshua, at pinapauwi si Dylan sa hacienda nila. Alam kaya ng pamilya ni Dylan na bakla sya? Base sa kinikilos nya ngayong nandito ang pinsan nya. Kilos lalako sya. Pati pagsasalita nya. Lalaking lalaki rin. So isa lang ang ibig sabihin nito. Hindi alam ng pamilya nya na bakla sya.

"EAUS!" nagulat akong napatingin kay Dylan. At dun ko lang napagtanto na nakatitig na pala ako ng matagal kay Joshua. Napangisi si Joshua at tumayo upang magpaalam na.

"Bye Eaus." sabi nya sabay kaway sakin. "Bye couz. Kita nalang tayo sa hacienda." paalam nya kay Dylan.

Nang makaalis si Joshua ay bigla akong nakaramdam ng kaba dahil sa talim ng tingin na pinupukol ni Dylan sa akin.

"Now explain!" galit na sabi nya

"Explain what?" sagot ko.

"Bakit di mo ako kaagad tinawagan nung dumating si Joshua dito?!"tanong nya

"Sinabi ko na diba? Wala akong load." sagot ko


"Sana nakitawag ka sakanya!"


"Anu bang pinagpuputok ng butse mo dyan? Okey naman na diba? Nakauwi kana. Nakausap mo na sya. Kaya pwede ba. Tumigil kana sa paghihimutok mo dyan." nakairap na sabi ko. Lumapit sya sakin kung kaya mas lalo akong nakaramdam ng kaba.

"Ang sabihin mo. Gusto mong makasama ng matagal ang pinsan ko dahil type mo sya. Halos kulang nalang tunawin mo na sya sa titig mo." halos kilabutan ako dahil sa hininga nyang tumatama sa may tenga ko.

"H-hindi t-totoo y-yan." nauutal na sabi ko dahil sa tindi ng pagkakadikit nya sakin.

Lumayo sya sakin at nag umpisa ng maglakad papunta sa kwarto. Ngunit nakakailang hakbang palang sya ng huminto sya at lumingon sakin.

"Kung nagugustuhan mo man sya. Tigilan mo na hanggang maaga pa. Dahil sinisigurado kong hindi rin magiging kayo sa huli dahil qjsjakpajagaghan" halos pabulong nalang ang ibang sinabi nya.

Hay Dylan. Hindi naman si Joshua ang gusto ko eh. Kundi ikaw. Sana naman maramdaman mo yun at magpakalalake kana.







BAKIT SYA PA?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon