7

465 35 0
                                    

Chapter 7

Halos manliit ako sa sinabi ni Dylan. Tila natigil naman sa pag ikot ang mundo ko at wala akong ibang nakikita sa paligid kundi ang gwapo nyang mukha.

Nang makarinig ako ng isang tikhim ay awtomatikong bumalik ako sa reyalidad. Nakangising mukha ni Dylan ang una kong nakita.

"Oh? Joke lang yun. Wag mong masyadong dibdibin." sabi nya at binalik ang tingin sa pagkain. Habang ako ay nakatayo at nanatiling nakatitig sakanya.

"Plano mo bang titigan lang ako? Wala kabang balak kumain?" nakataas ang kilay na sabi nya. Nakaramdam ako ng hiya ng marealize ko kung ano ang ginawa ko.

Dahan dahan akong umupo at nagsimulang kumuha ng pagkain ko. Hay! Ang hirap kumain kapag kaharap mo yung taong gusto mo. Kahit alam ko naman na parang wala lang ako kay Dylan. Meron naman syang epekto sakin. Pasimple akong sumulyap sakanya na nakatuon ang mga mata sa pagkain.

Oh Dylan. Ang lapit mo lang sakin. Pero ang hirap mong abutin.

Nang makatapos kami sa pagkain ay naghugas agad ako ng plato at pinunasan ang lamesa. Napasulyap ako sa kalalabas lang sa kwarto na si Dylan. Kahit hindi ko tanungin ay sigurado akong may lakad sya base sa ayos nya.

"Eaus. Im going out. I have something important things to do. Kapag nagkaproblema, tawagan mo agad ako." sabi nya sakin.

"Okey." simpleng sagot ko habang tinutuyo ko ang kamay ko.

"Kapag may naghanap sakin. Tawagan mo kaagad ako." bilin nya.

"Sige. Ingat ka." tumango lang sya at naglakad na palapit sa pinto. Nang tuluyan na syang nakalabas ay tila naman ako kandilang nauupos na naupo. Wala na yatang lunas ang nararamdaman ko para kay Dylan. Habang tumatagal mas lalo pang lumalala.

Kinuha ko ang remote ng tv at sinindihan ito. Naghanap ako ng pwede kong panoorin. Halos kalahating oras na akong palipat lipat ay wala padin akong magustuhan na palabas. Kaya napagdesisyunan ko nalang itong patayin.

Papasok na sana ako kwarto ng bilang may nag doorbell. Naalala ko ang bilin ni Dylan na kapag may dumating ay sabihin ko kaagad sakanya. Pagbukas ko ng pinto ay halos malaglag ang panga ko. Pakiramdam ko ay lumuwag ang garter ng panty ko at tinangay na ito sa malayo. Syet! Ang gwapo!

"Miss?"untag nya sakin. Nakangiti naman sya na mas lalong nagpadagdag sa kagwapuhan nya. "Dito ba nakatira si Dylan?" tanong nya.

"Ah. Oo. Halika tuloy ka. At tatawagan ko lang sya." kabadong sabi ko at nilakihan ko ang pagkakabukas ng pinto para makapasok sya.

Sinundan ko sya ng tingin habang naglalakad. Kahit likod lang nya ang nakikita ko. Masasabi ko talagang nakapaka hot nya. Nang makaupo na sya ay nakangiti syang tumingin sakin na mas lalong nakapagpadagdag sa kabang nararamdaman ko.

Tumalikod ako dahil pakiramdam ko ay hindi ko kayang makipagtitigan sakanya. Hindi ko alam kung anong meron sakanya at nagagawa nyang palambutin ang tuhod ko.

Kumuha ako ng juice at cake na nasa ref ni Dylan. Mas mabuti ng magmeryenda muna sya habang hinihintay si Dylan. Dahil sa naalala ko. Binaba ko muna sa lamesa ang tray na may laman na pagkain at kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko at tinawagan ang number ni Dylan.

Halos mapamura ako ng boses ng babae ang sumagot nito!

BAKIT SYA PA?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon