15

498 30 13
                                    

Chapter 15

Nagising ako sa malakas na tampal sa binti ko. Nahihirapan man akong imulat ang mga mata ko ay wala akong ibang pagpipilian kundi ang tingnan kung sino man ang walang habas na tumatampal sakin.

Tila naman nawala ang antok sa mga mata ko ng makita ko ang galit na mukha ni Tatay habang si Nanay naman ay nakahalukipkip na nakatingin sakin.

"Goodmorning po Nay, Tay." bati ko sakanila.

"Walang maganda sa umaga anak." napalunok ako ng makita ko ang pagkaseryoso ng mukha ni Tatay.

Nagulat nalang ako ng bigla akong yakapin ni Nanay at umiyak.

"Anak, magtapat ka nga samin ng tatay mo. Iyan bang tiyan mo ay may laman na?" WTF! Nag aaral pa ako, marami pa akong pangarap. Ano ba itong nakakadiring tanong ni Nanay.

"Nay. Alam nyo naman na hindi ko kayo kayang biguin hindi ba? Nagsisikap akong makatapos ng pag aaral para sainyo ng mga kapatid ko. Hinding hindi ko sasayangin ang lahat ng paghihirap nyo para lang mapag aral ako. Kaya makakaasa po kayong wala akong gagawin na maaaring ikasama ng loob ninyo." mahabang paliwanag ko habang inaalo si Nanay.

"Pero nagtabi kayo anak! Lalaki ako kaya alam kong walang lalaki na nakakatiis kapag may babaeng katabi!" gusto kong matawa sa sinabi ni Tatay. Lalaki sya, samantalang si Dylan ay bakla.

"Tay. Mabait ho si Dylan. Nirerespeto nya ako at alam kong hindi sya gagawa ng isang bagay na alam nyang hindi ko magugustuhan." nakita ko ang tila naginhawahan na itsura ni Tatay matapos marinig ang sinabi ko.

"Mabuti naman kung ganoon." sagot ni Nanay habang nagpapahid ng luha.

"Nasaan nga po pala si Dylan?" tanong ko.

"Nasa labas. Nagsisibak ng panggatong." napanganga nalang ako matapos kong marinig ang sinabi ni Tatay.

Seryoso? Si Dylan? Nagsisibak ng kahoy?

Dali dali akong nagpunta sa munting banyo namin at naligo upang mawala ang antok ko. Nang makapag bihis ako ay kaagad akong lumabas para matingnan kung okey lang ba si Dylan. Juiceko naman. Ano bang naisipan ng bakla na yun at nagsibak ng panggatong.

Natigilan ako sa paglakad ng masilayan ko si Dylan. Tila sya naging si Machete sa paningin ko habang may hawak na palakol.

Sunod sunod na paglunok ang ginawa ko para lang hindi ako maglaway sa nakikita ko.

Topless lang naman ang walang hiyang bakla habang kumikinang ang kanyang katawan dahil sa mga pawis na tumutulo galing dito. Sa bawat pag angat ng palakol ay pagpigil ko rin ng hininga ko dahil sa pag galaw ng muscle nya sa braso patin narin ng kanyang mga abs.

Bakit naging ganito kaganda ang katawan ng bakla na ito.

Nakita kong napapalibutan na ng kababaihang kapit bahay namin ang lugar kung saan nagsisibak si Dylan ng kahoy.

Kagaya ko ay makikita sa mga mata nila ang paghanga, hindi lang sa kagwapuhang taglay nito kundi dahil patin narin sa katawan nyang tila galing sa isang greek god katulad ni Zeus.

Halos magsinghapan ang mga babaeng naroon nang magpunas si Dylan ng pawis nya. Tila naging slow motion ang tingin ko sa ginagawa nya.

Oh Ghad. Gusto kong maging ang bimpong iyon kahit ngayon lang!

"Anak. Punasan mo muna ang laway mo. Tumutulo." natigil ako sa pagpapantasya ko ng makita si Nanay sa tabi ko. "Ibigay mo sa boyfriend mo. Sigurado akong nauuhaw na yan." sabi ni Nanay sabay talikod sakin.

Humugot ako ng napakaraming hangin bago naglakad papalapit kay Dylan.

"Babe." nakangiting bati sakin ni Dylan ng makita ako.

Babe? Ano ako baboy? Biik?

"Oh uminom ka muna ng tubig." sabay abot ko sakanya ng basong hawak ko. Kinuha nya ito ngunit kaagad nyang hinila ang kamay ko papalapit sakanya.

Nasaan naman ang hustisya? Pawisan na sya at lahat naroon parin ang bango nya. At ang itsura nya. Juiceko! Lalo syang naging kaakit akit dahil sa pawis na bumasa sa buhok nya.

"I need to recharge Eaus. Feeling ko malolowbat na ako." halos mangilabot ako dahil sa pagdampi ng labi nya sa tenga ko.

"R-Recharge? Ah sige. Halika na at may nakahain na sa lamesa." nauutal na sabi ko. Paano ay nakapalupot na ang isang kamay nya sa bewang ko habang ang leeg nya ay nakapahinga sa balikat ko.

Naririnig ko ang bulungan sa paligid ngunit mas nangibabaw rito ang malakas na tibok ng puso ko. Sa sobrang lakas ay halos ikabingi ko na.

"Hindi pagkain ang kailangan ko Eaus." Syet! Bakit ganito ang boses ni Dylan. Parang nang aakit?!

Leche ka Dylan Andrew Santillan! Ang landi mo!

"H-Ha? A-Ano?" pinihit nya ako paharap sakanya habang inilalapag nya ang basong hawak nya sa kahoy na naroon.

"Eto."

Tila ako natulos sa kinatatayuan ko. Literal akong napatulala habang pinagmamasdan ang nakapikit na si Dylan habang inaangkin ng mga labi nya ang labi ko.

Gusto kong tumugon ngunit wala akong lakas upang gawin yun.

Dahil ang halik ni Dylan sa akin ay tila isang gamot.

Isang gamot na ipinagbabawal dahil nakakaadik.

Mahirap tigilan.

At sigurado ako sa mga oras na ito ay hahanap hanapin na ng aking mga labi ang malambot at matamis nyang labi na minsan ay ninakawan ko ng halik....

BAKIT SYA PA?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon