11

526 38 3
                                    

Chapter 11

"DYLAN! Ako nalang sabi eh! Ang gaan gaan naman nito eh! Kaya ko na". sabi ko sabay hatak ng maleta ko.

"Pwede ba Eaus! Tigilan mo na yan. Boyfriend mo ako kaya normal lang na ako ang magdala nyan!" at dahil natigilan ako dahil sa sinabi nya ay nagtagumpay syang bawiin ulit sakin ang maleta ko.


"Oh ano?! Tutunganga ka nalang ba dyan?" inis na sabi nya at tinaasan pa ako ng kilay. Napabuntong hininga nalang ako. Alam ko naman na nagpapanggap lang kaming dalawa pero bakit nasasaktan ako kapag naiisip ko yun. Hindi ba pwedeng totohanin nalang namin?

Gaga ka! Wag ka ngang ambisyosa dyan! Baka nakakalimutan mo. Lalaki man ang katawan at itsura nya. Babae padin ang puso nya. sita ng magaling kong utak sakin.

Pagkasakay ko sa kotse nya ay pinili ko nalang na tumahimik at ituon ang atensyon ko sa daan. Ayoko syang lingunin dahil nakakaakit sya.

Nakasuot lang naman sya ng simpleng black V-neck shirt kung saan hapit na hapit ito sa katawan nya. Nakikita ko kung gaano sya kamacho. Mula sa dibdib nya hanggang sa braso nya. Lalaking lalaki sya kung tutuusin. Napaangat ang tingin ko sa mukha nya. Sumisigaw ito ng kagwapuhan. Kaya maraming kalahi ko ang maghihinayang kapag nalaman nila na isa itong bakla.

Napahawak ako sa gilid ng labi ko. Nakuha ko pa talagang maglaway habang nakatitig sakanya. Nakakaasar naman kasi bakit ba ang gwapo at ang macho nya para maging isang bakla.

"EAUS!" halos humiwalay na ang kaluluwa ko sa katawang lupa ko ng marinig ko ang pagsigaw nya. "Kanina pa kita tinatawag pero mukhang nasa ibang dimensyon ka!" iritadong sabi nya.

Dumamba sya papalapit sakin kung kaya ganun nalang ang kaba na sumasal sa dibdib ko. Napatitig ako sakanya na nakatitig din pala sa akin. Napalunok ako. Anung gagawin nya? Hahalikan ba nya ako. Pipikit na sana ako ng may marinig ako na pag click.

"Kanina pa ako nagugutom. Kaya tara na". sabi nya pagkatanggal nya ng seatbelt ko. Buong akala ko pa naman ay hahalikan nya ako. Yun pala. Tatanggalin lang nya ito!

Kainis! Paasa ka Dylan! Paasa!

Kasalanan mo yan! Masyado ka kasing assumera. Akala ko hahalikan ka nya? Asa!

Hay! Pwede bang papalitan ang utak? Grabe kasi yung utak ko kung makalait sakin eh!

Napaawang ang bibig ko ng maramdaman ko ang paghawak ni Dylan sa kamay ko.

"Anu bang nangyayari sayo?! Parang wala ka sa sarili mo? Kanina pa ako nagugutom Eaus!" inis na sabi nya sabay hatak sakin papasok isang sikat na fast food.

"Wait me here. Ako na ang oorder dahil baka imbes na umorder eh tumanga ka lang." gusto ko man mainis sakanya ay di ko magawa. Kung alam mo lang Dylan. Ikaw ang dahilan kung bakit nawawala ako sa sarili ko.

"Ang gwapo nung lalaki noh?"

"Oo nga. Di naman sila bagay nung babae eh!"

"Girlfriend ba nya? Baka kaibigan o kaya kamag anak."

"Sabagay. Sa gwapo nung lalaki malabong magustuhan nya yung babae."

Tinapunan ko ng matalim na titig ang dalawang tsismosang babae na nasa may tapat ng lamesa namin ni Dylan. Napatigil naman sila ng mapansin na nakatingin ako sakanila. Patuloy padin sila sa pagbubulungan nila kung kaya napairap nalang ako.

Pagbalik ni Dylan hawak nya ang dalawang bucket ng fried chicken. Habang kasunod ang dalawang waiter na may dalang tig isang tray na may laman ng inorder nya.

"Dylan? Bakit ang dami mong binili?" tanong ko.

"Take out itong dalawang bucket. Para sa family mo." tipid na sabi nya. Inilagay nya sa harap ko ang burger steak supreme at ang pineapple juice. Nagthank you naman ako sakanya.

Tahimik lang akong kumakain habang pasimpleng sumusulyap sakanya. Grabe. Mukhang gutom nga si Dylan. Naubos na nya ang tatlong extra rice na inorder nya. At ngayon naman ay sinisimulan nyang kainin ang burger at fries. Anu ba ang alaga nya sa tiyan? Anaconda?


Pagkatapos ay tumayo ulit sya para umorder ng fries at burger. Akala ko ay kakainin nya ngunit take out pala ulit.


Nasa kalagitnaan kami ng byahe ng magsalita si Dylan.

"Eaus. Subuan mo naman ako ng fries. Nagugutom ako." sabi nya habang diretso padin ang tingin nya sa daan. Kinuha ko naman ang fries mula sa paper bag at sinimulan syang subuan.

Grabe naman ang bakla nato. Ako nga busog pa eh. Samantalang sya. Gutom agad.

"Yung burger naman." sabi nya ng maabos na nya yung fries. Kinuha ko naman ulit ang burger para isubo sa bibig nya. Nang maubos ito ay hindi ko na sya hinintay na magsalita dahil kinuha ko na ang bottled water na inorder nya para makainom sya.

"Eaus." napatingin ako sakanya ng tawagin nya ang pangalan ko. Ginagap nya ang kaliwang kamay ko gamit ang kanang kamay nya. "Please. Galingan mo ang pag arte kapag nasa harap tayo ng pamilya ko. Wag mong hayaan na ipakasal nila ako kay Greta." nagmamakaawang sabi nya.

"Huwag kang mag alala. Hindi hindi ko hahayaan na mapunta ka sa babae na yun." o maging sa kahit sino. Dahil gusto ko sakin ka lang Dylan.

"Thank you Eaus." hininto nya ang sasakyan nya at niyakap ako. Ginantihan ko din sya ng yakap.

Kung alam mo lang Dylan. Ginagawa ko to hindi para sayo. Kundi para sa sarili ko. Mahal kita. Mahal na mahal.

"I love you Eaus...."


Halos manigas ako dahil sa binulong nya sakin. Sinabi ba nya talaga yun? Mahal nya ako?





























BAKIT SYA PA?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon