5

496 35 2
                                    

Chapter 5

Pagkatapos namin mag almusal ni Dylan ay nagpunta kami sa apartment na inuupahan ko para kuhanin ang mga gamit ko.

"Dylan. Kailangan ba talaga to?" tanong ko habang sinisilid sa kahon ang mga gamit ko.

"Bakit Eaus? Mas gusto mo paba na bumalik sa trabaho mo at mapagsamantalahan ng manyak mong katrabaho? Paano kung wala ako dun? Eh di narape kana?! Tapos na tayong nag usap diba? Sinabi ko na sayo. Bakit kailangan pa natin magpaulit ulit." bakas sa tono nya ang inis. Hindi na ako nagsalita at pinagpatuloy ko nalang ang ginagawa ko.

Para saan pa ang pakikipagtalo ko sakanya kung palagi naman sya ang mananalo. Mag aaksaya lang ako ng laway. Wala din naman akong magagawa.

Napatingin kaming sabay sa may pintuan ng bumukas ito. Malungkot na mukha ni Aling Betty ang sumalubong samin.

"Totoo palang mag aasawa kana Eaus. Masaya ako para sayo." sabi ni Aling Betty.

"Po?"naguguluhang sabi ko.

Tumikhim naman si Dylan. Kung kaya nabaling sakanya ang atensyon ko.

"Napakaswerte mo sa magiging asawa mo Eaus. Napaka gwapo at galante pa."

"Galante?" mukha na akong timang dahil halos wala akong maisagot sa mga pinagsasasabi ni Aling Betty.

"Hindi mo ba alam? Binayaran nya ang dalawang buwan mong palya sa upa. Pagkatapos ay di na nya kinuha ang dineposit mo. Pakunswelo daw dahil sa pag aalaga ko sayo." halos hindi maproseso ng utak ko ang mga sinasabi ni Aling Betty. Pero isa lang ang sigurado ko doon. Nagkausap na sila ni Dylan.

"Sige iha. Lalabas na ako hah." sabi nya pagkatapos ay kay Dylan naman sya humarap. " Salamat ulit sayo iho." ngumiti naman si Dylan at tumango.

Paglabas ni Aling Betty ay hinarap ko si Dylan.

"Totoo ba yung mga sinasabi ni Aling Betty? Binayaran mo yung utang ko sa upa?"

"Oo.  Bakit? May masama ba?"

"Dylan naman! Bakit mo naman ginawa yun!"

"Gusto mo bang umalis na may utang?" nakataas na kilay na sabi nya

"Kaya nga may one month deposit at one month advance akong bayad sa kanya sa renta. Para kung sakali man na aalis ako hindi ko na poproblemahin ang pambayad dahil may nakapondo na sakanya."

"Tsk. Isipin mo nalang binigyan mo ng pakunswelo yung matanda."

"Kasi—

"Pwede ba?! Manahimik ka nalang at gawin mo na yang dapat mong gawin. Hindi yung daldal kapa ng daldal! Bilisan mo na at masyado ng maraming oras ang nasasayang ko."

Inikutan ko lang sya ng mata at marahas akong bumuntong hininga. Pakiramdam ko kapag si Dylan ang kasama ko nalalabag ang karapatan pang tao ko. Biruin mo wala akong kalayaang tumanggi. Palagi din nya akong kinokontra sa pagsasalita. At higit sa lahat palagi sya ang dapat masunod.

Nang matapos kami ay nilingon ko pa ulit ng isang beses ang naging tahanan ko sa loob ng tatlong taon. Kung hindi pa dahil sa baklang kasama ko ay hindi pa sana ako aalis dito.

Kumatok ako sa bahay ni Aling Betty at isinoli ang susi ng bahay. Niyakap nya naman ako ng mahigpit pagkatapos ay nagpaalam na kami sakanya.

Habang nasa byahe ay tahimik lang kami. Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng pananahimik ni Dylan. Kung ako naman ang tatanungin, inis ako sakanya kaya mas pinili ko ang manahimik kesa makipag talo.

"Remember our rules Eaus." basag ni Dylan sa katahimikan. Napatingin naman ako sakanya. "Bawal kang magpaligaw at lalong bawal kang magboyfriend hhshsjsjsksl." hindi ko na naintindihan ang huli nyang sinabi dahil halos pabulong nalang.

"Got that!" sagot ko.

BAKIT SYA PA?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon