6

513 38 0
                                    

Chapter 6

Pagdating namin sa condo ni Dylan ay kaagad kong inayos ang mga gamit ko. Sa totoo lang, naiilang ako na sa magkasama kami ni Dylan sa kwarto. Pati ang damit ko ay nakalagay sa closet nya kasama ng mga damit nya. Alam ko walang malisya sa kanya yun. Pero sakin, meron. Feeling ko ay mag asawa kami.

Hay. Siguro ay ito ang epekto ng pagkakagusto ko sakanya. At ang nakaasar pa, ay alam kong hindi nya masusuklian ang pagtingin ko sakanya dahil lalaki rin ang gusto nya. Malabo pa sa malabo na magkagusto sya sa kagaya kong babae dahil isa syang bakla.

Ang tagal ko ng ipinagluksa ang sawi kong puso. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay inlove na inlove padin ako sakanya. Naiinis ako sa sarili ko. Ang dami naman lalaki sa mundo. Hindi pa naman ako nauubusan bakit naman sa bakla pa ako nainlove. Sa dami ng lalaki. Bakit sya pa? Bakit si Dylan pa.

Pagkatapos kong ayusin ang damit ko ay lumabas kaagad ako sa kwarto. Naabutan ko si Dylan na nagbabasa ng magazine. Ang inaasahan ko ay mens magazine ang makikita kong tinitingnan nya. Ngunit magazine iyon tungkol sa mga negosyo.

Nagtungo ako sa kusina para magluto ng tanghalian namin. Naisip ko nalang na adobong baboy nalang ang lutuin ko. Papatikman ko sakanya ang adobo ng probinsya namin. Kung saan papatuyuan ang adobo pagkatapos ay lalagyan ko ng saging na saba.

Nang maigisa ko na lahat ng sangkap kasama ang karne ay nagsalang kaagad ako ng kanin sa rice cooker. Mula sa kusina ay tinanaw ko si Dylan. Pinag aralan ko ang mukha nya. Mula sa pagkunot ng noo nya habang nagbabasa. Ang labi nyang mapula at nakakaakit. Ang ilong nyang bumagay sa mukha nya ang pagkakatangos. At higit sa lahat. Ang mata nyang kapag tumingin ay tumatagos sa kaluluwa ko. Na habang tinititigan ko ay tila ba nahihipnotismo ako at susundin ko anu man ang kanyang gustuhin.

Napailing nalang ako. Wala na talagang pag asa. Mahal na mahal ko na nga si Dylan. Alam kong mahirap para sa akin ang makasama sya dahil siguradong mas lalalim pa ang pagtingin ko na mayroon para sakanya. Napabuntong hininga nalang ako ng marahas.

"May problema kaba?" at dahil sa gulat ko ay nabanggit ko ang pangalan nya. Oh great! Buking naba ako na sya ang iniisip ko?

"Nakakagulat ka namang bakla ka." sabi ko sabay hawak sa dibdib ko. Tinatanong nya ang problema ko. Kapag ba sinabi ko sakanya. Magpapakalalaki naba sya? Susuklian nya ba ang pagmamahal ko?

"Tinatanong kita kung may problema ka." ulit nya at umupo sa katabing silya ko.

"Wala." pagsisinungaling ko. Tinitigan nya naman akong mabuti na tila binabasa nya kung nagsasabi ba ako ng totoo o hindi. Tumayo ako para iwasan ang mapanuri nyang titig.

Damn you Dylan Andrew Santillan. Paano mo nagawang paibigin ako ng ganito katindi.

Saktong pagtayo ko ay luto na ang adobong may saging na saba. Nagsalin ako sa lalagyan pagkatapos ay nagsandok ng kanin. Naglagay ako ng pinggan namin at kubyertos.

Umupo ako at nilagyan ng kanin ang plato ni Dylan pagkatapos ay ulam. Napatigil ako ng makitang nakatitig sakin si Dylan. Kaya nagkatitigan kami.

Halos masamid ako sa sarili kong laway ng marinig ko ang sinabi nya.



"Ang sarap mo palang maging asawa Eaus."

Oh! Kill me now!

BAKIT SYA PA?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon