16

460 35 10
                                    

Chapter 16

Isang pekeng pagtikhim ang syang pumutol sa aming paghahalikan ni Dylan. Halos ramdam na ramdam ko ang pag iinit ng aking pisngi ng maghiwalay ang aming mga labi.

Puno ng hiya akong napatingin sa aking ama na mariin na nakatitig sa amin. Nasa kanyang likod ang aking ina kasama ang aking kapatid.

"Iho, masyado ka naman yatang nagugutom kung kaya pati labi ng aking anak ay iyo nang pinapapak."

"Diosdado!" sigaw ng aking ina. "Huwag nyo nalamang pansinin ang iyong ama Eaus, nakahanda na ang almusal sa loob. Kaya halina kayo at pumasok." yaya samin ni Inay habang hila hila ang braso ni Itay.

Sumulyap ako kay Dylan na nakatitig rin sa akin. Nakangisi sya at hinila ako papasok sa loob.

"Yun na yata ang pinaka masarap na almusal na natikman ko." tukso nya. Tinampal ko ang kamay nya at iniwan sya. "Hey love! Wait for me." sabi nito sabay halakhak.

Napairap nalang ako sa kawalan at nagpatuloy sa aking paglalakad.

Nahuling nakarating sa hapag kainan si Dylan. Di parin naaalis ang mapanuksong ngisi sakanyang labi sa tuwing magtatama ang aming paningin.

Tumikhim si Itay kung kaya napaangat ako ng tingin sakanya.

"Bukas naba ang inyong alis anak?" tanong ni Itay.

Halos mabulunan ako dahil sa biglaang tanong nya. Oo nga pala. Bakit ba nawala sa aking isipan ang bagay na iyon.

"Ah. Opo.. Yata?" di siguradong sagot ko.

"Kung gusto mo pang manatili dito, ayos lang sakin." sagot ni Dylan. Umiling ako. Alam kong kailangan na nyang umuwi dahil hindi naman sya sasadyain ng kanyang pinsan sa Maynila kung hindi ito importante.

"Hindi na. Alam ko naman na may importante kang kailangan ayusin. Kaya mas mabuti kung pupunta na tayo sa hacienda nyo."

Pare parehas kaming natigilan dahil sa sunod sunod na pagtunog ng cellphone ni Dylan.

"Excuse me po. Sagutin lang." paalam nya.

Nagkatinginan kami nila Inay at tumango sakanya.

"Anak. Sigurado kanaba sa lalaki na yan?" untag ni Itay sa kalagitnaan ng pagkain namin. Kung alam lang nya ang katotohanan sa pagitan namin ni Dylan. Ewan ko lang kung di ako makatikim ng katakot takot na sermon mula sakanya.

"Ano kaba Diosdado! Ang dapat mong tanungin ng ganyan ay iyong nobyo ng anak mo." napairap nalang ako sa kawalan dahil sa sinabi ni Inay.

"Aba kung sa ganda rin lang naman ang pagbabasehan. Hindi naman nagpapahuli si Ate. Kaya bagay na bagay parin silang dalawa ." tumatawang sabi ng kapatid ko.

"Sipsip! Sigurado may gusto ka nanaman." sita ko rito. Napakamot nalang ito sakanyang ulo.

Napaangat ako ng tingin ng makita si Dylan na papasok sa loob ng bahay. Nakita ko ang pagkabalisa sa sakanyang mukha.

"I'm sorry Eaus. Alam kong namiss mo ang family mo. Pero kasi—" Hindi ko na sya hinayaang tapusin ang kanyang sasabihin dahil ako na ang tumapos nito para sakanya.

"Pinapauwi kana?" tumango lang sya. "Sige. Tapusin lang natin ang almusal para makaalis na tayo."

Sa kahabaan nang aming biyahe ay di ko mapigilan na kabahan. First time kong makakaharap ang buong angkan ni Dylan.

Nagulat ako nang hawakan ni Dylan ang aking kamay at ipagsalikop ito.

"Just be yourself Eaus. Trust me. Magugustuhan ka nila." napakasarap pakinggan nang mga katagang lumalabas sa kanyang bibig.

'Magugustuhan ako ng pamilya mo Dylan.. Eh ikaw? May pag asa bang magustuhan mo rin ako?' Piping tanong ko habang nakatitig sakanya. Habang sya ay nakatuon ang buong atensyon sa daan.

"Stop staring Eaus! Baka mabangga tayo!" napangisi nalang ako nang marinig ang pag sigaw nya. Para nakatitig lang naman ako sakanya ah? Masama ba yun? Nakakaaksidente ba yun?

Napakagat ako sa aking pang ibabang labi dahil sa hiya. Oo, bigla akong nakaramdam ng hiya dahil sa ginawa kong pagtitig sakanya. Masyado tuloy halata na pinagnanasahan ko sya.

"Shit!" narinig kong mura nya. "Stop biting your lips Eaus!" sa inis ko tinampal ko ang kamay nya.

"Ang dami naman nang pinapatigil mo sakin! Stop staring, stop biting your lips, ano pa? Ano pa ang gusto mong i stop ko Dylan? Baka pati paghinga ko gusto mo na rin ipatigil?!" iritadong sabi ko.

Nagulat ako nang bigla nyang itigil ang sasakyan at galit na tumingin sakin.

"Kapag pinatigil ko ang paghinga mo, para ko nadin sinabi na patayin ko ang sarili ko." nag iwas ako nang tingin at bumaling sa may bintana.

"A-Ano ba yang sinasabi mo Dylan." tumatawang sabi ko. Pinilit kong pagtakpan ang mabilis na pintig ng aking puso dahil sa sinabi nya.

"Stop playing numb Eaus!" galit na sabi nya sabay hampas sa manibela. "Wag kang magpanggap na parang wala kang nararamdaman! Dahil ako, pagod na pagod na! Pagod na pagod na akong magpanggap!"

"Dylan.."

"Mahal kita Eaus! Damn it!"



















BAKIT SYA PA?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon