9

488 38 4
                                    

Chapter 9

Magkasama kaming nanunuod ni Dylan sa may sala. Ngunit halos isang dipa ang layo nya sakin. Ni hindi nya din ako tinatapunan ng tingin. Nakasimangot pa sya habang nanunuod kaya mas lalo akong nainis sakanya. Kinuha ko ang isang throw pillow at hinagis sa kanya.

"Hey! What's that for?" bakas ang inis sa tono nya. Argh! Inis sya? Inis din ako sakanya.

"Nakakabwisit kang bakla ka!" sigaw ko sabay hagis ulit ng isa pang throw pillow.

"Parehas lang tayo Eaus! Nabubwisit din ako sayo. Kaya kung pwede lang tigilan mo na yan." iritadong sabi nya. Napairap nalang ako sa kawalan. Tumayo ako para lumabas. Palagay ko ay kailangan kong sumagap ng sariwang hangin.

"Saan ka pupunta?" nakataas ang kilay na sabi ni Dylan.

"Dyan lang sa labas. Hahanap ng lalaki na mapapangasawa para makaalis na ako dito sa poder mo!" napalunok ako at tila nanuyo ang labi ko ng makita ko ang pagdilim ng mata ni Dylan. Kasabay ang pagtiim ng bagang nya. Tumayo sya at nagsimulang maglakad papalapit sa akin.

"ANONG SINABI MO!?" halos dumagundong sa loob ang lakas ng boses ni Dylan.

"Narinig mo naman diba? Gusto mo ba ulitin ko pa hah? Sabi ko lalabas ako para maghanap ng lalaking mapa—

"DONT.YOU.DARE. EAUS!" oh great! Galit na galit na talaga si Dylan.

"Tsk! Just watch and see coz i can." matigas na sabi ko.

"Kung lalaki rin lang ang hanap mo! Hindi mo na kailangan pang maghanap ng iba Eaus!"

"Nagpapatawa kaba?" tanong ko.

"Kapag umuwi ako sa Hacienda. Sumama ka sakin. Dadagdagan ako ang bayad ko sayo basta magpanggap ka na girlfriend ko." tinitigan ko syang mabuti. Hinihintay ko syang magsabi ng "Joke lang". Ngunit sa tantya ko ay dalawang minuto na ang nakakalipas ay hindi ko yun narinig mula sakanya.

"Ako? Magpapanggap na girlfriend mo? At bakit ko naman gagawin yun?" inis na sabi ko.

"Dahil kung hindi mo gagawin yun. Ipapakasal ako ng lolo ko sa apo ng kaibigan nya! At sigurado akong kaya nya ako pinapauwi ay dahil nandun nanaman si Greta!" napahilamos na si Dylan sa mukha nya dala ng matinding frustration. Ginulo na din nya ang buhok nya. Biglang nalang lumundag ang puso ko dahil sa ginawa nya na yun. Mas lalo syang naging gwapo sa paningin ko.

At anu yung sinabi nya? Ipapakasal sya ng lolo nya sa isang babae. Kay Greta?! No freakin way! Hindi ko hahayaan na mapunta si Dylan sa iba. Dahil sakin lang sya!

Aisus! Ambisyosa lang teh? Makaangkin kana man dyan akala mo meron talagang sayo. Baka nakakalimutan mo. Magkabaro kayo. Boylet din ang gusto nya.

"Sige. Payag na akong magpanggap na girlfriend mo pagpunta sa hacienda nyo. Para di ka mapakasal ng lolo mo sa Greta na yun." nakangusong sabi ko.

"Good." nakangiting sabi nya. "Ngayon palang nagpapasalamat na ako sayo." sabi ni Dylan sabay yakap sakin.

Bigla naman akong nakaramdam ng pagdaloy ng kuryente mula sa katawan ko ng dahil sa yakap na yun. Halos maghurumentado na din ang puso ko. Natatakot akong maramdaman ni Dylan ang lakas ng pintig ng puso ko kung kaya itinulak ko sya palayo sakin.

"Ah. Sige Dylan. Mauuna na ako sa kwarto. Medyo nahihilo na ako dala ng antok." nag aatubiling sabi ko.

Tumango naman si Dylan para magpunta saay couch na tila may inabot mula roon. Doon ko lang narealize kung ano ang kinuha nya mula roon ng mamatay ang tv.

"Oh? Bakit mo pinatay ang tv?" gulat na tanung ko.

"Inaantok na din ako. Kaya halika na matulog na tayo." sabi nya sabay akbay sakin.

Anu ba Dylan! Mas lalo mo lang pinapahirapan ang puso ko dahil sa ginagawa mo eh!

Sabay kaming nahiga ni Dylan. Nakatalikod ako mula sa pwesto nya. Napabuntong hininga ako. Matagal ko ng gustong itanong sakanya ito ngunit hindi ko magawa gawa. Ngayon lang ako nagkalakas ng loob para matanong ang nagay na yun sakanya.

"Dylan?" tawag ko sakanya.

"Hmmm" sagot nya.

"Wala nabang pag asa na magpakalalaki ka?"

Napabangon naman sya dahil sa tanong ko. Bumangon din ako para tingnan sya. Nagtama ang mga mata namin at naramdaman ko nanaman ang pagpintig ng malakas ng puso ko dulot ng titig nya.





"Meron. Kung mamahalin din ako ng babaeng gusto ko."

BAKIT SYA PA?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon