4

494 40 0
                                    

Chapter 4

Hindi naman ako mapakali sa higaan. Paano kung gising si Dylan at alam nyang hinalikan ko sya?
Whahh! Nakakahiya! Pinatay ko na ng milyong beses ang sarili ko sa isip ko. Anu ba naman kasing pumasok sa utak ko at hinalikan ko si Dylan.

Natigil ako sa panenermon sa sarili ko ng gumalaw si Dylan sa tabi ko.

"Hindi kaba makatulog?" tanong nya.

"Oo eh. Namamahay yata ako." pagsisinungaling ko. Dahil ang totoo di ako makatulog dahil sa paghalik ko sakanya.

Nanlaki ang mata ko at nanuyo ang lalamunan ko ng kabigin ako ni Dylan palapit sakanya. Niyakap nya ako at isinandal sa may dibdib nya.

"Oh. Walang malisya yan. Matulog kana." sabi nya. Tsk! Agad naman nyang pinatay ang kilig na nararamdaman ko.

"Sino naman may sabi na binibigyan ko ng malisya yang ginawa mo?"nakataas na kilay na sabi ko. Alam ko naman na hindi nya makikita dahil nakatalikod ako sakanya.

"Tsk. Ang daldal mo. Matulog kana. Pagod ka hindi ba? Kaya magpahinga kana."

Tila naman gatilyo ang sinabi nya at mabilis akong nakaramdam ng antok.

Nagising ako dala ng liwanag na tumatama sa mukha ko. Nakaramdam ako na tila may mabigat na nakapatong sa tiyan ko. Nang imulat ko ang mata ko. Gwapong mukha ni Dylan ang nakita ko at nakayakap sya sakin.

Hay! Ang sarap gumising kapag ganyan kagwapo kaagad ang mabubungaran mo.

Nagulat ako ng biglang magmulat ng mata si Dylan kung kaya nagtama ang mga mata namin. Nahihiya akong nag iwas ng tingin.

"Sabi ng wag mo akong pagnasahan eh. Hindi tayo talo." alam ko naman eh! Kailangan ba talaga ulit ulit? Gusto kong sabihin ngunit kinimkim ko nalang.

"Bakit? Gwapo kaba para pagnasahan ko?" tanong ko

"Hindi. Dahil maganda ako." sabi nya sabay bangon. Nauna syang gumamit ng cr kung kaya nanatili akong nakaupo sa kama nya.

Nang matapos sya ay ako naman ang nagpunta sa banyo. Sinilip ko kung nasa kwarto paba sya dahil nakalimutan kong magdala ng damit. Nakahinga naman ako ng maluwag ng makita kong wala sya.

Kumuha ako ng damit sa closet nya. Tila ba sinukat naman sa katawan ko ang mga damit na andon na lubha naman na pinagtataka ko. Kung kay Dylan ang mga yun. Ay siguradong hindi kakasya sakanya dahil sa laki ng katawan nya. Kung ganoon kanino ang mga damit na yun?

Pero teka. May mga tag pa? Ibig sabihin. Mga bago lang ang mga ito?

Lumabas ako at naabutan kong nagluluto si Dylan. Nakasuot sya ng pambahay na short at sando. Bakit kaya hindi pambabae ang suot nya? Ang macho nya tuloy tingnan. Naaakit ako.

Humarap syang bigla kaya napalunok ako. Tinaasan naman nya ako ng kilay.

"Sya nga pala. Dahil ayaw mo naman tumanggap ng tulong. Sige pagtatrabahuhan mo yung pera na ibibigay ko sayo. 20,000 sa isang buwan ang ibabayad ko sayo. Ang gagawin mo lang ay maglinis, magluto at maglaba. In short magiging maid kita. Ayos ba yun sayo?" tanong nya.

"Ayos na ayos!" nakangiting sabi ko

"And one more thing. Hanggang maid kita hindi ka pwedeng magkaboyfriend. Dahil kapag pumunta dito yun. Ay baka maagaw ko pa sya sayo. Ayokong mag away tayo. Kaya wag ka munang magpapaligaw."

Seryoso ba sya? Eh sya kaya ang gusto ko.

Ang manhid mo Dylan! Ang manhid manhid mo!

BAKIT SYA PA?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon