Prologue
"Kuya aalis ka?" tanong ko kay kuya na ngayon ay nakabihis at parang may pupuntahan ata.
"Oo bunso. May gagawin pa si kuya. May pupuntahan lang ako sandali. Kain ka nalang sa kusina. Nakapagluto na ako ng breakfast." aniya habang inaayos ang grey shirt niyang suot. Kuya looks good. Clean and really handsome. Di na ako magtataka kung may pupuntahan itong nililigawan, kahit umagang umaga palang alive and kicking na.
It's 7:00 in the morning and I just woke up. Tas itong si kuya ay paalis, baka may pinupuntahang babae or somethin'.
"May nililigawan ka ba kuya? Ang aga pa ah? Grabe, inlove much?" kantyaw ko sa kanya habang sinusuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri. Napahikab naman ako. Bat ang aga ko ngayong nagising?
Kainis naman oh!
"Anung ligaw ka dyan! Wala naman akong nililigawan. Wala na akong oras para dyan." sabi niya ng natatawa. Humarap siya sa salamin saka sinuklay ang buhok niya. Naglagay pa ng gel at kung anu ano pang style ang ginawa sa buhok bago magdecide kung anu talaga ang gusto niya. Di daw inlove, pero kung makapag ayos ng buhok, wagas!
"Sabagay, sa busy mo ba naman magkakaroon ka pa ng lovelife? Alam mo kuya, payong kapatid lang pero bumitaw ka na kaya sa samahan mo. Dyan sa fraternity na yan. Wala naman yang natutulong na maganda. Kitams, ni lovelife wala ka! Psh!" naiiling iling ko pang sabi saka nagtungo na sa may dining area para kumuha ng pag kain at mag almusal.
Gutom na gutom na pala ako, sige pa ang daldal ko dito. The fudge!
"Alam mo namang di ako titiwalag. May mabuti din namang nadudulot ang frat. Lalo na sa akin, I'm taking up law." paliwanag naman niya.
"Whatever kuya. Sabi mo edi yun na. Pero sana lang wag ka ng masyadong magparticipate at maging active dyan sa frat mo. Talagang leader ka pa. Di ba delikado yang mga ganyan?" sambit ko habang ngumunguya pa dahil nagsisimula na akong kumain ng almusal. Sandwich for breakfast? san banda dito ang niluluto? Yung cheese spread? Si kuya talaga!
"Anung meron sa gising mo at bakit ka ganyan? Queenie, matagal na akong leader ng frat na ito. Anu bang problema mo? Ang OA mo nanaman. Wala namang mangyayaring masama sa kuya mo, di kita iiwan. Tama na ang nawalan na tayo ng magulang. Hindi ko hahayaan na tayo namang dalawa ang mawalay sa isa't isa. Kaw nalang ang meron ako Queenie." sabi ni kuya na kasalukuyan ng nakaharap sa akin. Di naman siya mukhang galit pero mukha talaga siyang seryoso.
Halatang minimean niya talaga ang sinasabi niya. Ako din. Si kuya nalang ang pamilya ko kaya bawal siyang mawala bawal kaming malayo sa isa't isa.
"Akala ko ba ako ang madrama dito? Anu na itong nangyayari, bat ikaw na ngayon ang nagdadrama kuya?" tawa pa ako niyan ng tawa habang nagsasalita. Napangiti naman si kuya.
I love making him happy. I remember dad in his smiles. I can also see moms eyes in his when he smiles. I remember our parents.
"Sige na. Tapusin mo na yang kinakain mo at papasok ka pa sa school." aniya habang paalis na at kinukuha na ang jacket niya pati na rin ang susi ng kotse niya.
"How bout you kuya, wala kang pasok?"
"Ofcourse meron, Its just friday. Di pa naman saturday. Yaan mo this weekend ipapasyal kita, makabawi man lang ako kahit papaano sayo " sabi niya sabay kindat.
"Well, ako kasi wala. Mamayang mga 5:30 pa. At promise mo yan kuya ah? Walang bawian!"
"Oo naman. Sige na, bye, see you later nalang. Just do your things. Pumasok ka sa school! Pakabait." habilin naman niya.
"k dot. Ingat kuya. Labyu po!" sabi ko ng ngiting ngiti sakanya.
"I love you too. Take care of yourself. Always do the right thing. Be independent. Malaki ka na kaya know how to descipline yourself. Di sa lahat ng pagkakataon, nasa tabi mo ako. Always be happy Queenie. Don't forget to smile because that makes the people around you happy. Bye." madamdaming sabi ni kuya bago tuluyang umalis.
Bat parang kakaiba siya ngayon? Nanindig ang mga balahibo ko bigla. Kakaloka ang kadramahan ni kuya.
Hanggang mag 5:30 ay wala lang akong ginagawa sa bahay kundi ang kumain, matulog, magbasa at mag aral na rin ng kahit konti. Ewan ko ba pero ang weird talaga ng sched ko. Late ang pasok kaya gabi na ang uwian. Mga around 8:30 na. Papasundo nalang ako kay kuya mamaya.
Nagbihis na ako at nagprepare papuntang school. 4:00 na. I've decided na pumunta ng maaga aga kasi wala naman na din akong ginagawa.
Nang sinara ko ang pinto ng bahay, nagulat ako ng may lumagabog. Nalaglag ang picture ni kuya na nakasabit sa malapit sa pinto dahil sa lakas ata ng pagkakasara ko. At ang masaklap, nabasag pa ito. As in warak na warak. Lagot ako nito mamaya. Bahala na nga lang. Mag eexplain nalang ako kay kuya mamaya kaya naman pagkatapos kong linisin ang nagawang kalat ng pagkabasag ng frame ay umalis na ako ng bahay para pumasok.
Nag aaral ako sa isa sa kilalang state university dito sa pinas. Kaming dalawa ni kuya actually. Law ang tinitake up niya habang ako naman ay nagjournalism.
Ngayon, speech com ang subject so I really need to go to school kahit nakakatamad. One of the major subjects kasi yun.
Tyaka isa pa, I'm a scholar. I'm maintaining a grade kaya naman kailangan kong ayusin ang pag aaral ko. Wala na kaming parents ni kuya. They died 4 years ago dahil sa isang plane crash.
Di naman kami mahirap before my parents died. We have enough business and that time nung namatay sila mama at papa sa plane crash. Actually, they went outside the country for business at dahil dun, naaksidente sila. So eto at effort din kaming dalawa ni kuya na buhayin ang mga sarili namin. Nasanay din kasi kami sa marangya kaya nahihirapan din kaming mag adjust.
But since patay na sila, nawala din halos ng kayamanan namin. Yung company na meron kami, nakuha na rin ng mga share holders. Sino ba naman kasi kami ni kuya para mag patakbo ng negosyo?
Kuya Lewis was 17 back then And I'm just 16. We don't know anything yet, so everything was lost.
Our other family like aunt and uncle are not here. Sa ibang bansa silang lahat nakatira. We dont have grandma and grandad left either so ito at kaming dalawa nalang ni kuya.
Thinking kaya naman na din namin ang mga sarili namin, di kami pumayag kahit ang isang aunty namin ay nagalok na kupkupin nalang muna kami.
So now, kami nalang dalawa ni kuya. We're living in a condo. We still have money dahil sa savings ng parents namin na talagang nilaan nila para sa amin at si kuya ay nakikipag partnership rin sa ibang small businesses na alam niya para makaraos kami kaya ok lang naman.
Not bad. I'm thankful na kasama ko pa rin si kuya dahil di ko din alam ang gagawin ko kung mawala pa siya sa akin.
Wala na akong kasama sa buhay aside from Keith na boyfriend ko at matalik na kaibigan ni kuya.
Pagdating ko sa school, dumeretso ako agad sa room. Mangilan ngilan palang sa mga classmates ko ang naandun. Nagdecide akong magsoundtrip habang nagbabasa. 15. Mins pa before class. Wala namang ginagawa.
Natapos ang klase ng tama lang. Medyo maaga ng konti kesa nung last meeting namin.
Amboring nga dahil puro reports lang dahil naghahabol na rin kami ng lesson.
Bago tuluyang umalis ng school, bigla akong inatake ng pagkaihi kaya pumunta ako ng cr.
8:30 na rin. Kailangan ko nang umuwi. Gabi na rin at delikado sa kalsada.
"Bilis Ed! Umalis na tayo ngayon dito. Baka madamay pa tayo! May rumble nanaman dun sa likod ng school. Ayokong masali sa gulo." medyo malakas na sabi ng isang panlalaking boses. Nangunot ang noo ko.
"Rumble?" bulong ko sa aking sarili.
"Tara na bilis." bago pa ako makalabas ng cr ay wala na yung dalawang lalaking nag uusap kanina.
Nagulat naman ako ng habang nagmununi muni ako sa tapat ng cr at iniisip ang sinabi nila, may lalaking na sa sobrang pagtakbo ay nabangga niya ako. May sugat siya sa pisngi at parang takot.
"Jeffrey? Huy ok ka lang?" dahil nadapa pa siya sa harapan ko nung nabungo niya ako. Si jeffrey ay kaibigan din ni kuya. Madalas ko siyang makitang kasama nito kaya nakikilala ko siya.
"At bakit may sugat ka? Anung nangyari sayo?" tanong ko. Pansin ko namang nakahawak pa ito sa tyan niya.
"Nabugbog ka ba? Anu bang nangyari sayo?"
"Ang kuya mo Queenie." hinihingal pa niyang sabi.
Mas lalong nangunot ang noo ko.
"Si kuya? Bakit? Siya ba ang bumugbog sayo?" baka nag away sila? Nagtalo sa isang bagay kaya nasuntok siya ni kuya?
"Yung kuya mo! May rumble sa likod. Nag aaway yung frat." saka siya umalis ng hindi tinapos ang sinabi niya.
Mas lalo akong kinabahan. Alam ko kasing may pagkawarfreak din kasi si kuya. Baka masangkot nanaman yun sa gulo tulad nung nangyari sa kanya nung isang linggo. Yan na nga ba ang sinasabi ko tungkol dyan sa mga frat na yan. Panganib lang ang makukuha dyan.
Tumakbo ako agad sa likod ng school dahil narinig kong andun sila mula sa mga lalaking nag uusap nga kanina dun sa may cr banda.
Natataranta na ako na ewan. Kinakabahan ako tas natatakot. Baka maraming mga gangster dun at madamay pa ako. Pero si kuya, kailangan ko siyang puntahan.
Wala ng mga estudyante ng mga ganitong oras. 9:00 na nang mapatingin ako sa relo ko. Sigurado rin akong wala na ang mga kaklase ko kanina. Malawak din kasi itong school, sang banda ko kaya sila pwedeng makita?
Mas lalo kong dinalian. Wala ng mga guards. At sigurado akong wala ding mga malay yun sa mga nangyayari kung meron man talagang rumble ngayon.
Sa laki ba naman ng school, di na nila mamamalayan ang nangyayari sa loob.
Dahil sa kaba, naisipan ko ng tawagan si Keith. Baka magkasama sila ni kuya.
Pero di niya sinasagot ang tawag ko. Peste naman oh! Kinakabahan na talaga ako.
Nang malapit na ako sa likod ng pinaka main building kung saan may maliit na soccer field. Bigla akong natigilan ng may marinig akong putok ng baril.
Bigla akong namutla sa narinig ko. Di ako pwedeng magkamali, baril iyong narinig ko.
Mas lalo kong minadali ang paglalakad. Sa takot ko ay nagtago ako sa pinakamalapit na puno sa akin. Doon nakita ko habang hinahagilap sa grupo ng mga kalalakihan si kuya, ang mga lalaking halos magpatayan na sa pakikipagsuntukan. Ilan sa kanila ay duguan na at ang ilan ay wala ng mga malay.
Sa pagkakaalam ko ay ito ang kaaway na fraternity group ng mga supremo-ang grupo nila kuya. Wala naman akong naririnig na alitan ng dalawa pero ang dalawang grupong ito at magkaribal na frat sa University.
Ewan ko kung anu na ang nangyayari pero, bakit ganito? bakit sila nag aaway away? Kaya naman lalo ko pang inigtingan ang pag hahanap kay kuya.
At laking gulat ko ng natigilan silang lahat ng dahil sa isang lalaking na biglang bumagsak sa sahig.
May maskarang itim ang lalaki pero di ako pwedeng magkamali, si kuya yun.
Si kuya Lewis yun. Kilalang kilala ko ang damit niya. Yung grey shirt na inaayos pa niya sa kanyang sarili kaninang umaga lang. Hindi pwede ito.
May lumapit sa kanyang lalaki. May hawak itong baril na nakatutok sa ngayoy walang malay kong kuya. Tinanggal niya ang maskara ng lalaking nakahandusay at halos madurog ang puso ko ng makumpirmang si kuya nga ang lalaking iyon.
Gusto kong tumakbo palapit pero natakot ako. Tinakpan ko nalang ang aking bibig habang tumutulo na isa isa ang luha ko.
Si kuya yung nabaril.
Tinanggal ng lalaking may hawak ng baril ang kanyang maskara. Napaawang ang bibig ko sa aking nakita. Namumutla ang lalaki at halatang takot sa nangyari. Nabitawan niya ang baril ngunit kinuha ito ng isang kasamahan niya saka hinila siya nito palayo. Tumakbo sila paalis at tumakbo naman ang mga kafrat ni kuya sa kanya. Tinanggal nila isa isa ang mga maskara nila.
At dun nakita ko si Keith na isa sa kanila. Nagkaron ako ng lakas ng loob na lumabas sa punong pinagtaguan ko at tumakbo palapit kay kuya ng alam kong wala na ang kaaway nila.
"Queenie! A-nung ginagawa mo dito?" tanong ni Keith nang nakalapit ako. Di ko na siya inintindi kahit nakita ko sa siya gilid ng aking mga mata na namumutla na dahil sa nangyayari pero patuloy pa rin akong lumapit kay kuya para daluhan siya.
"Queenie, patay na ang kuya mo. Sa ulo nabaril." sabi ni Carlo pagkatapos pulsuhan ang kuya ko.
Napahagulgol ako ng iyak. Di ako pwedeng iwan ni kuya.
"Dalhin natin siya sa ospital! Keith, dalhin natin siya sa ospital! Buhay pa si kuya!" sigaw ko kahit paos na ang boses ko dahil sa emosyong nararamdaman.
"Bawal natin siyang dalhin sa ospital Queenie. Malalaman nila .."
Di ko na siya pinatapos sa sinasabi niya.
"Tang ina! Mas mahalaga pa ba yang fraternity na yan kesa sa kuya ko?" galit ko ng saad.
"Wala na din naman tayong magagawa. Brain dead na siya Queenie." dagdag na sabi pa ng isang kasamahan nila.
At pagkatapos ay di ko na alam ang nangyari. Basta ang alam ko ay sila na ang gumawa ng paraan para maayos si Kuya.
At ng unti unti ng nilalagay ang kabaong niya sa libingan. Sumumpa ako sa aking sarili na pagbabayaran ng taong bumaril kay kuya ang ginawa niya.
At kilalang kilala ko kung sino siya.
Si James Axl Alonzo. Ang pinaka makapangyarihang nilalang sa school at ang leader ng Ultimatum. Siya ang lalaking pumatay sa kuya ko, at pagbabayaran niya ng malupit ang ginawa niya.
BINABASA MO ANG
Fraternity Vs. Eternity
RomanceIt was that moment when my brother was killed that changed my life. He's the only family I have but then he died under a man because of a fraternity rival. I saw it with my two eyes, the man who killed my brother. Now, its time for a revenge. To mak...