Part 2

716 14 0
                                    

Part 2

"Queenie!" napalingon ako ng marinig ang pangalan ko sa isang pamilyar na boses.

Naglalakad ako sa hallway papunta sa first class ko. 4th year college na ako. This is my last year in college. Yun ay kung makagraduate. Pero sisiguraduhin kong oo. Di pwedeng ipagsawalang bahala ang pag aaral. Ako nalang mag isa. Wala na akong aasahang iba.

Nakita ko naman ang bestfriend kong si Cindy na palapit sa akin. Napangiti ako. Matagal ko ding hindi siya nakita. Dumadalaw siya sa bahay nung summer pero minsanan lang talaga. Mga 2 beses sa isang buwan? At naiintindihan ko naman yun dahil may pagkastrikto din ang parents niya.

"Cindy!" sinalubong ko siya saka niyakap. Namiss ko din talaga 'tong babaeng 'to. Lalo pa't ang katulad niya ang kailangang kailangan ko. Yung tulad niya na magpaparamdam sa akin na kahit papaano hindi ako nag iisa. Na may nagmamahal pa rin sa akin at may naandyan para malapitan at mahingan ng suporta.

Hugging my bestfriend just felt so good.

"Bes! Namiss kita. As in sobra. Anu, ok ka na ba? Pasensya na talaga kung di kita masyadong nadadalaw nung summer. Di ako pinapayagang maglalabas basta basta." paliwanag niya. Nginitian ko nalang siya para malaman niyang ok lang yun sa akin saka iginilid ang mangilan ngilan niyang buhok na humarang na sa mukha niya.

"Anu ka ba, ok lang. Naiintindihan ko naman." saka sabay na kaming tumungo sa klase.

First day kaya walang masyadong prof. At yung isa sa mga pumasok ay nagbigay pa ng pag aaralang topic para sa next class kaya naman napagdesisyonan namin ni Bes na pumunta ng library. Tambay na rin kahit papaano. Tas may iniintay pa ako, kaya ispend ko muna ang time ko kay Cindy.

"Nahirapan ka ba sa pag momove on Bes? Alam mo na, yung pag aadjust? kasi diba, yung kuya mo ang lagi mong kasama tas ngayon wala na siya." aniya habang kunwaring binubuklat buklat ang isang libro pero di naman niya binabasa.

"Syempre, mahirap. Si kuya ang lagi kong kasama. Sa kanya ako umaasa sa halos lahat ng bagay at ngayong wala na siya, masakit. Ang hirap isipin. Parang di pa rin ako makapaniwala." para tuloy may luha na ang mga mata ko pero hindi ako pumipikit para di lang ito tumulo.

Hinagod niya ang likod ko para mapakalma ako.

"Let it go. Di naman masamang umiyak. Labas mo lang yan."

"Pero ayoko na. Nung summer, halos araw araw na akong umiiyak. Expecting na mapapagod din ako at mauubos ang luha ko, hinahayaan ko nalang. Pero, di ko pa rin talaga kaya. Sa tuwing naaalala ko ang lahat, di ko maiwasang di maging marupok. Lalo na dahil nakita ko kung panu pa siya pinatay at ang taong pumatay sa kanya."

Nanlaki bigla ang mga mata ni Cindy pagkasabi ko ng nalalaman ko. Di ko pa kasi sa kanya nakkwento ang parteng 'to. Nung unang dalawang buwan kasi halos di na daw ako makausap. Di na ako umiimik. Lagi nalang akong nagmumukmok at nung summer nga, di na kami madalas magkita.

"What? Nakita mo? Panung nakita mo? At sino ang pumatay sa kuya mo?"pabulong niya lang na tanong dahil nasa library kami at bawal mag ingay pero alam na alam ko na atat siyang malaman ang sagot sa mga tanong niya.

Napahinga ako ng malalim. Dapat siguro di ko muna minention sa kanya. Baka may makaalam na iba, mas lalong magkagulo pa at madamay pa siya.

Hanggang ngayon kasi ay palaisipan pa rin sa mga taga rito sa school ang pagkamatay ni kuya. Isa siya sa mga kilalang estudyante ng eskwelahan. Isa siya sa mga deans lister ng law. Maraming may gusto sa kanya. Sikat dahil leader ng frat na Supremo. At mabait din kasi siya.

Fraternity Vs. EternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon