Part 9

475 16 1
                                    

Part 9

Nagpatianod nalang ako kay James nang hilahin niya ako papasok ulit ng library. Di ako mapalag sa kanya at di ko siya kayang masigawan sa ginawa niya dahil bawal mag inggay at baka kami mapagalitan ng guard. Sige pa nga ang piglas ko sa pagkakahawak niya pero talagang mapilit at hinahawan niya ulit ang kamay ko kada beses na nakakawala ako. Kahit nga nung nag log in na kami sa entrance ay di pa rin siya tumigil. Hinablot niya ang I.D ko at tiningnan ang students I.D number ko at siya mismo ang nag log in sa akin.

‘’Hoy bitawan mo nga ako! Anu ba!’’ galit kong sabi ng makalayo na kami sa lady guard na nagbabantay ng library.

‘’Ayoko.’’ Simple niyang sagot na nagpairita naman sa akin ng todo. Anu bang problema nito? Bat siya biglang nanghihila? Sinuri ko siya ng mabuti, naghahanap ng sagot sa tanong ko.

Nakita kong may dala siyang isang notebook at nakaipit dito ay ang kanyang ballpen.

Alam kong smart type guy siya at di naman nakakaduda o nakakagulat na makita ko siya na naandito sa loob ng library dahil nasa dean’s list siya, pero anu ba ang kailangan niya sa akin? Hihingin niya nanaman  kaya yung video?

Para namang ibibigay ko yun sa kanya. Like, ASA!

Umupo kami sa isang private table sa library. Yung may mataas na harang para wala sayong makakaistorbo. Nasa likod itong parte ng mga bookshelves kaya di ka makikita ng mga students dito unless nilapitan ka nila.

Habang hinihila niya ako dito sa gilid ng library ay napansin ko na ang mga mapanuring mga mata ng mga kaschoolmates namin. Nakakainis dahil baka anu pa ang isipin ng mga yun na gagawin namin nitong si James lalo pa’t dinala niya ako dito sa may tagong spot ng library.

Luminga linga ako malapit doon. Wala namang ibang tao maliban lang doon sa babae na seryosong nagcecellphone sa kabilang table habang nakaharap ito sa laptop niya. Mukhang wala naman itong kamalay malay sa pag dating namin dahil mukhang busy itong nangangalikot ng cellphone niya.

Pamilyar din yung babae. Kaklase ko siya sa dalawang subjects. Jessica ata ang pangalan niya. At kahit makita niya kami ay di naman yan mangingialam dahil di naman yan madaldal. Nagawa ata siya ng assignment namin sa isang subject.

‘’Hoy! Anu bang ginagawa natin dito? Bat mo ako hinila papunta dito?’’ masungit kong tanong sa kanya. Kinuha niya ang upuan sa kabilang table kung saan wala namang gumagamit at saka siniksik ang sarili niya sa tabi ko.

‘’Anu ba! Bawal yan! Ibalik mo yang upuan, pag nakita tayo ng guard dito, papagalitan tayo at baka kung anu pa ang isipin nun!’’ pagsasaway ko sa kanya ngunit parang wala pa rin siyang narinig dahil hindi naman niya sinunod ang sinabi ko.

‘’Anu naman? Girlfriend naman kita ah?’’ medyo pikon na din nitong sabi habang iniaakbay ang braso niya sa sandalan ng upuan ko.

Nakaramdam ako ng di maganda sa ginawa niya. Bigla akong kinabahan.

Napansin niya siguro na kinakabahan na ako kaya naman napangisi siya. Inilapag niya ang notebook niya sa table sabay tayo.

‘’Dyan ka lang. Kukuha lang ako ng libro para makapagreview. Wag kang tatakas, may pag uusapan pa tayo!’’ aniya saka nagsimula ng maghanap ng libro sa kalapit na bookshelves.

James Alonzo, why drag me here?

Di ko maiwasang pag masdan siya habang seryoso siyang naghahanap ng mga librong gagamitin niya. Ganito ba talaga pag may girlfriend? Kailangan mo siyang kasama kahit magrereview ka lang naman?

Fraternity Vs. EternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon