Part 6

560 14 1
                                    

Part 6

"Cindy, nakita mo ba si James?" tanong ko kay bes pagkapasok na pagkapasok ko ng room. Pagka gising niya kaninang umaga ay umuwi agad siya sa kanila at eto't naunahan pa niya akong makapasok ng school.

Nagtaka naman ang bestfriend ko dahil sa taong hinahanap ko.

"Bakit anung meron at bat mo siya hinahanap?" balik niyang pag uusisa habang nakataas pa kilay. May iniisip nanaman itong kung anu-ano.

"Ah, kakausapin ko lang." ani ko sabay upo sa upuan ko.

"Tungkol san?"

"Basta bes, dami mo namang tanong. Sasabihin ko sayo mamaya wag kang mag alala." saka ko hinagod ang likod niya tanda ng pagkakaOA niya at pang aasar ko sa kanya. Kulit!

"Dapat hinahanap mo sila sa college nila."

"Di ba magkaklase kayo sa isang subject? Kaya ako nagtatanong sayo." Business ad kasi ang course nito ni Cindy, magkaklase kami sa isang subject tas si James ay classmate din niya sa isang subject.

"Mamayang hapon pa naman ang klase namin. Mamaya ko pa yun makikita. Bakit mo ba kasi siya hinahanap?" pangungulit niya. Ngayon, with matching kalabit pa.

"Kasi nga may sasabihin lang ako."

"Anu ba yung sasabihin mo?"

"Hay bes, later ko nalang sasabihin pag uwi para deredretso. May makarinig pa sa atin dito, mahirap na. Tyaka ikaw kasi!" tas hinampas ko siya ng mahina sa braso. Nakakainis siya, pinahirapan niya ako kagabi.

"BAKIT????" sigaw niya na nakapukaw ng atensyon sa mga kaklase namin na naandun na.

"Bat ka ba kasi naglasing kagabi?" bulong ko lang sa kanya dahil baka marinig ng katabi namin na nagbabasa ng libro ang pang sesermon ko at anu pang isipin nun tungkol sa kanya.

"Ewan." sabay kamot sa ulo. 

"Ang sarap kasi nung juice. Yun pala alak." tas nginitian niya ako saka nag peace sign.

Napailing nalang ako. Itong babaeng 'to, lagi akong dinadaan sa pagpapacute.

"Di ka talaga pwedeng maiwan sa bar. Kung anu lang ang mangyayari sayo pag mag isa ka lang. Its either marape ka or yung lalaki ang magmukhang rape sa sobrang bigat mo." natatawa tawa ko pang sabi.

Ako naman ang bigla niyang hinampas. Dapat mahina lang yun kaso ang bigat ng kamay niya. Napangisi nalang ako.

Dumating na ang prof namin pero di ko pa rin alam kung nasaan yung Alonzo na yun. Di ko alam kung san ko siya hahagilapin. Gusto ko na siyang makita. Excited na akong makipaglaro. Gusto ko na simulan para matapos agad. Oo, atat ako.

Hanggang sa natapos na ang tatlo subject namin at tatlong beses na rin akong nagpalit ng mga kaklase pero ni isa sa kanila di pa nakikita si James. Baka busy lang yun sa kung anu kaya di siya nakakalat kung san san.

Baka di siya pumasok ngayong araw o baka naman, wala sa mga kaklase ko ang kaklase siya.

Habang naglilibot libot sa may canteen para sana bumili ng kahit anu lang na makakain dahil lunch na at ginugutom na ako, sabay pagbabaka sakali na rin na makita ang hinahanap ko, nagulat nalang ako sa biglang pagtunog ng cellphone ko.

"Cindy? Anu yun unni?" pang ttrip ko lang sa kanya. May pagka kpop kami. Kaya madalas kaming mag korean. Pero char lang.

"Alam ko na kung nasaan si James. Kakalabasan lang namin, hintayin mo nalang siya sa parking lot." utos niya na sinunod ko naman agad. Ang galing ni Bes, nag aala spy na rin. Naglakad na ako papuntang parking lot, hinanap ang sasakyan ni Cindy, at hinagilap sa paligid nun ang kulay Red daw na Mercedes.

Fraternity Vs. EternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon