Part 4

647 15 0
                                    

Part 4

"Wow Queenie, sure ka na ba dyan sa suot mo?" tanong sa akin ni Cindy ng lumabas na ako ng banyo. Nagbihis na rin pala ang bestfriend ko habang nasa banyo ako at nagbibihis. Natutuwa ako sa kanya. Kahit aayaw ayaw pa siya at di niya alam ang mga pinag gagagawa ko, nakukuha niya pa rin ito sa huli ay sinusunod pa rin niya ako.

See, di ko na siya pinilit para lang suotin yung dress na inabot ko sa kanya pero nag kusa na siya.

"You look very pretty in that purple dress bes." puri ko sa kanya habang pumupunta sa harap ng salamin para mag ayos. Bagay na bagay ang straight niyang buhok sa perfect shaped niyang makha. Medyo fierce ang feature ni bes na maganda, mana talaga ako sa kanya kaso parang may problema.

"Bes, set aside mo muna yang eyeglass mo. Sexy na ka na e, iniispoil mo pa yung moment." pahayag ko habang kinukuha ang curler para umpisahang ayusin ang buhok ko.

"Ahh, ganun ba? Ok sige tatanggalin ko nalang muna. Patingin nga ako sa sarili ko!" pinatabi niya ako sa harap ng salamin saka tiningnan ang sarili niya. Napaupo ako sa kama habang inaayos ang buhok ko. Mahaba ito kaya di naman ako nahirapang magcurl kaya mga ilang minuto lang ay natapos na din ako.

 

"Akin na yan, ako na ang mag mamake up sayo." pag vovolunteer ni bes ng makita niyang nahihirapan ako sa paglalagay ng eye liner.

Kahit mukhang nerd ang bestfriend ko dahil sa eyeglass niyang suot suot lagi, mas kikay pa rin siya sa akin kaya naman kampante akong nagrelax sa kinauupuan ko habang busy siya sa pag mamake up sa akin.

"Talagang effort 'tong ginagawa mo ah. Anu ba talagang plano mo? Dont tell me, iseseduce mo si James kaya tayo pupunta ng bar ng ganito ang ayos? Ito lang masasabi ko sayo Queenie, tingin ko di mo siya madadaan sa ganito."

Talaga naman itong bestfriend ko oh! Napaka supportive grabe.

Tama naman siya pero pwede itry ko muna? Baka naman kasi umipekto. Malay mo madala ko pa sa alindog ko-kung meron man, yung lalaking yun diba?

But I doubt it. Kung alindog lang din naman ang hanap ng mokong na yun, dami niyang pagpipilian. Daming nagkakandarapa sa kanya. Tulad nalang ng dalawang babae na naandun kanina sa Cr. Kahit nga magbestfriend sila parang kayang kaya nilang magtrayduran para lang sa mokong na James na yun kaya sigurado akong maraming iba pang babae dyan na willing magpagalaw dun sa lalaking yun.

That's where the idea was derived.

Na si Queenie ay isang simpleng di pansining babae kaya mamaya, itotodo ko na 'to. Seduce pala ah! Let's see.

"Bes, kaya nga ako nag suot ng ganito para maakit ko siya. Malay mo mapaamin ko pa yun sa kasalanan niya tas mairecord ko ang sinabi niya. BOOM! walang kahirap hirap, mapapakulong ko si James Axl Alonzo diba?" pagbibiro ko nalang para malighten up at mapuno ng positive vibes ang gabi namin. I need goodluck.

"Ewan ko sayo Bes. Sana lang talaga magawa mo yang gusto mo ng maayos. Kasi kung hindi, baka ang labas niyan, nakaone night stand mo lang yang si James pero di mo pa rin nakukuha ang HUSTISYA na gusto mo." pang aalaska naman niya. At diniinan niya pa ang salitang hustisya.

Napabuntong hininga ako. I'll be carefull and very wise. Aba't masasakal ko na yung lalaking yun kung ganun nga ang mangyari. Abuso!

Fraternity Vs. EternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon