Part 10

506 15 3
                                    

Part 10

Nakakasuklam man ang mga nangyayari nitong mga nakaraang araw ay wala naman akong magawa para maiba o mapigilan ito. Araw-araw nagpapakita sa akin ang may pagka sutil na James na yun na pilit akong hinahunting everyday. Minsan, tinataguan ko siya lalo na pag maraming tao ang naka aligid sa amin pero pag kaming dalawa lang, ay nagpapakita nalang din ako sa kanya. Ayoko man siyang makita kahit makasalubong lang sa eskwelahan pero hindi pwede. Bawal ko din siyang tanggihan sa tuwing nanghuhugot nalang siya bigla at makikipag usap sa akin.

I don’t know why he’s always up to me but I think it’s because of the idea that he’s enjoying what he's doing and that is to annoy me. Kahit na ganun ang nangyayari, I still kept on smiling. Remember, I’m the one who should be chasing him not him kaya ako naman ay todo ang pag pepretend na masaya ako at kinikilig ako sa tuwing nilalapitan at pinapansin niya ako sa school.

‘’Bakit? Namiss mo na ako agad? Nagkita lang tayo kahapon ah?’’ sarkastiko kong tanong sa kanya nang makita niya ako isang hapon sa parking lot. Pauwi na sana ako nun ng bahay dahil tapos na rin naman ang klase namin ng makita niya ako palabas ng gate. Nakakabadtrip pa niyang itinigil ang sasakyan niya sa tapat ko para lang mang inis sa akin. Nahiya ako ng sobra sa ginawa niya lalo pa’t andami niyang stalker at kung sakaling makita ng mga ito ang meron sa amin ni James ay paniguradong mababalatan ako nito ng buhay.

‘’Ayaw mo ba akong makita? Di mo ba ako namiss?’’ balik nitong tanong habang tinatanggal ang kanyang aviator glass at sinasandal ang braso niya sa window ng kanyang sasakyan.

Pasikat nanaman ang mokong!

 

‘’Namiss syempre, pero pwede wag ka naman masyadong pahalatang namimiss mo din ako dahil baka may bigla nalang ditong sumulpot na babae sa harapan ko at pagsasabunutan ako dahil girlfriend mo pala siya.’’ Pagdadahilan ko habang nangiti ng todo. I just hope di niya napapansin ang pagkairita sa mukha ko. Inlove nga kasi ako sa kanya. INLOVE.

Parang gusto ko na tuloy malagutan ng hininga sa ginagawa ko. pero syempre joke lang yun. Madami pa akong misyon dito sa mundo kaya hindi pa pwede.

Napasimangot siya sa sinabi ko saka sinarado na ang bintana ng kotse niya at iniwan nalang ako sakay ng kotse niyang sana ay maflattan ng gulong sa highway mamaya. Magandang wish Queenie. Magdilang anghel ka sana. Pero Asa naman! Siguradong may rerescue sa lalaking yun maflattan man siya sa disyerto.

‘’Cindy, uwian niyo na ba?’’ tumawag ako kay Cindy habang naghihintay ng masasakyang jeep sa waiting shed. 5 o’clock palang ng hapon. Ang alam ko ay pag ganitong mga araw ay may pasok si Cinds ng hanggang 7 o’clock pm pero di ko lang sigurado dahil madalas ay absent ang prof nila sa subject na yun kaya naman nagbaka sakali ako.

‘’Meron. Kabagot nga, reporting lang tas yung prof, lumabas. Ang gulo tuloy dito sa room at nakakainis dahil minsan nga lang pumasok yung prof namin, di naman siya nagdidiscuss.’’ Tinatamad nitong sabi ng bigla itong humikab.

‘’Mukhang inaantok ka na Bes.’’  Ani ko.

 

Fraternity Vs. EternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon