Part 8

640 16 3
                                    

Part 8

‘’What Queenie? Paki ulit nga ng sinabi mo?’’ nanggigigil na tanong ni Cindy habang patakbong nalapit sa kama ko kung saan ako nakaupo. Di ko na napigilan ang sarili kong ikwento sa kanya ang mga nangyari between me and James nitong nakaraang apat na araw. Ang kulit din kasi niya at ayaw paawat. Masyado siyang mabusisi kaya ayun at kinwento ko na, pero di pa man ako tapos sa sinasabi kong niyaya ko si James maging boyfriend ko ay eto’t sobra na agad siya kung makareact.

‘’Hoy! Anung sabi mo? Niyaya mo si James maging boyfriend mo? Grabe!’’ katakot takot na reaction nito habang tulalang napaupo sa kama ko.

‘’Uy! Ok ka lang Cinds?’’ tanong ko ng makitang nakabilog pa ang bibig niya dahil sa pagkabigla. Para namang di ko nasabi sa kanya na may plano akong something sa James na yun! Nasabi ko na ata sa kanya na gagawa ako ng paraan para mabigyan ng hustisya si kuya pero tingnan mo nga naman, mas grabe pa siya magreact kesa kay Keith.

‘’Di-ba, may boyfriend ka? Paano si Keith? Alam niya na ba ‘to?’’ aniya pagkatapos niyang inumin ang kinuha kong tubig para sa kanya.

‘’Ok lang naman sa kanya. Wala namang problema at pumayag naman siya. Alam naman din kasi niya ang purpose kung bakit ko ‘to gagawin.’’ Paliwanag ko.

‘’E anu naman ang sabi ni James sayo? Pumayag ba siya sa alok mo?’’ nilapag niya ang baso ng ngayo’y ubos na na tubig at saka mas lalong lumapit sa akin.

‘’Oo.’’ Deretso kong sagot. This time, di na siya basta ngumanga dahil sa kaOAhan dahil pabagsak naman niyang inihiga ang sarili sa kama ko.

‘’Grabe. Ang galing mo. Pero weh? Di nga? Ikaw, napapayag mo si James? Are you a witch or someone with unsual powers?’’

‘’I’ll take the ‘someone with unusual powers’.’’ Sabay ngiti ko.

‘’Bakit nga? Panu mo siya napapayag?’’ sabay hampas sa akin.

Talaga naman!

‘’Ako pa!.’’ sabay ganting hampas naman sa kanya. ‘’Di naman ako susugod kung alam kong wala akong panlaban.’’ Niyakap ko siya saka inandayan. Nanggigil ako sa kanya, para siyang tumaba pansin ko lang. Ang lambot na kasi ngayon ng braso niya. Mas malambot kesa dati.

‘’Uy anung ginagawa mo? Uy wag! Ouch!’’ hinaing niya ng nag umpisa akong kurot-kurutin siya sa braso niya.

‘’Bawas-bawasan mo Bes ang kain, pataba ka na ng pataba.’’ Napatayo siya pagkasabi ko nun sabay pisil din sa braso niya.

‘’Talaga? Huhu, ayaw ko tumaba!’’ nakakatawa niyang sabi sabay sad face.

‘’Joke! Mas sumexy ka nga!’’ totoo naman, mas lalo siyang nagkaron ng shape ng medyo nagkalaman na siya kaysa dati na may pagkapatpatin pa siya.

‘’Ikaw, iniiba mo ang usapan. Si James ang topic natin tapos naging ako naman. Ngayon balik tayo kay James, anu nga kasi ang nangyari? Paanong napapayag mo siya? Sa pagkakakilala ko dun sa taong yun ay di siya ang tipo na nag gigirlfriend.’’

Napahingang malalim ako sabay upo na rin tulad niya. Doon iknwento ko yung mga nangyari sa Bar. Yung natuklasan ko about James and Krizza at yung ginawa kong pagkuha ng video sa kanila.

‘’So bale ngayon, ikaw ang in control sa inyong dalawa. Nabiktima mo e.’’

‘’Oo ganun na nga.’’

Fraternity Vs. EternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon