Part 13
Ilang araw makalipas ang pagbalik ko sa condo ay naghanap agad ako ng trabaho. Di ko muna pinagtuunan ng pansin ang paghahanap dun sa babae sa picture. Sumama ako kay Keith nung nagkaroon sila ng meeting about some issues na kinahaharap ng frat pero di ko naman nakita yung babaeng hinahanap ko kaya binalewala ko muna ang paaghahanap.
Nagpadala sa akin si tita ng pera tulad nga ng sabi niya pero pinangbayad ko yun kay Cindy. Kahit di naman siya nagpapayad ay ipinilit ko pa rin ang pagbabayad dahil pera niya yun tyaka inipon niya yun ng may katagalan rin. Ayoko naman na hindi niya magamit ang pera na inipon niya para sa sarili niya. Ang alam ko, gustong bumili ni cinds ng bagong piano. Yung grand piano na malaki at sabi pa niya gusto niya ng kulay red or white nun kaya ibabalik ko ang pera niya para makabili siya agad nun. Magaling siyang tumugtog ng piano, ako hindi pero ako ang tagakanta niya.
Kahit may sobra naman doon sa ibinigay ni tita na pera, di ko yun ginastos bagkus, dinagdag ko pa yun sa savings ko para kung sakaling mangailangan ako ulit ng pera, meron akong magagamit at hindi na ako hihingi ng tulong sa iba.
Maaga akong umalis ng bahay dahil may pasok pa ako mamayang 9:00. Magbibigay lang naman ako ng inihanda kong mga resume sa mga establishments na naisipan at napagpilian kong applyan. Pinuntahan ko ang mga fastfood chains sa loob ng isang mall. Pagkatapos ko sa mall ay umalis na ako para pumasok sa school. May natitira pa akong dalawang resume at siguro’y next time ko nalang ito ipapasa sa iba pang pwedeng maapplayan pag may oras na ako or kahit mamayang hapon nalang. Baka kasi malate ako sa klase, mahirap na.
Habang naglalakad papasok sa university, napansin ko ang isang café na sikat dito sa mga estudyante. Madalas itong tambayan dahil na rin sa sarap ng offer nilang pagkain at sa sarap ng kape nila. Nakapasok at nakainom na ako ng mga special delights nila. Masarap ang frappe na ibinebenta. Madalas kaming tumambay ni kuya dito dati. Lagi niya akong inililibre at pag inaasar ko naman siya na ang galante niya, sasabihin niya lang sa akin na libre lang ito dahil kaibigan niya ang may ari nitong café. Ng makita ko ang loob ng café at matanaw ang madalas naming upuan ni kuya pag napunta kami dito, nagflashback sa akin ang ilang masasayang alaala namin. Napangiti ako at naisipang pumasok sa loob.
Pagpasok, may nakita akong isang crew na nagpupunas ng lamesa malapit lang sa entrance. Nilapitan ko siya saka nagtanong.
‘’Excuse po ate, natanggap po ba kayo ng applicants?’’ ngumiti siya pagkatapos ko siyang tanungin saka sumagot.
‘’Sa pagkakaalam ko, oo. Lapitan mo nalang yung manager namin tas pakitanong nalang sa kanya ulit para maconfirm mo kung natanggap ngayon ng applicants.’’ At tinuro niya ang sinasabi niyang manager na naandun banda sa may counter.
‘’Sige po ate, salamat!’’
Linapitan ko ang manager na kasalukuyang may isinusulat sa isang notebook. Nag excuse ako at nagtanong.
‘’Tamang tama, kailangan namin ngayon ng crew. Kulang kasi kami.’’ Ngumiti siya at sinuri ako. “Magpass ka nalang ng resume mo sa akin anytime pero the sooner, the better. We badly need more crew members. Kulang ang mga nagduduty so we’ll be very happy kung mag aapply ka.’’
Kung magtatrabaho ako sa café na ito, mas maganda. Malapit sa school at malapit din sa bahay. Di ako malalate pag dito ako magtrabaho. Tyaka isa pa, halos alam ko na rin lahat ng product na binibenta nila. Yung mga pangalan ng coffees at deserts kaya mas madali talaga sa akin kung dito ako.
BINABASA MO ANG
Fraternity Vs. Eternity
RomanceIt was that moment when my brother was killed that changed my life. He's the only family I have but then he died under a man because of a fraternity rival. I saw it with my two eyes, the man who killed my brother. Now, its time for a revenge. To mak...