Part 14
“The feeling is mutual.”
Hanggang ngayon, di ko alam kung anung ibig niyang sabihin dun.
‘The feeling is mutual’
Paulit-ulit yun sa utak ko, habang tahimik akong nakaupo sa passenger seat habang siya naman ay nagmamaneho. Lumingon ako sa kanya only to find him staring at me too. Umiwas ako ng tingin.
“San tayo pupunta?” tanong ko ng makita na dadaan kami sa SLEX. Tumigil siya sa tollway at nagbayad muna bago niya sinagot ang tanong ko.
“May pupuntahan ako. Ikaw?” pinanlakihan ko siya ng mata but he doesn’t seem to notice.
May pupuntahan siya pero bakit pa niya ako sinama? Bat di niya sinabi kanina para bumaba nalang ako sa kotse niya. Oo, ako naman ang biglang nakisakay pero akala ko mag aalok siya na ihatid ako sa bahay.
“San ang punta mo? Pwede ba akong sumama?” nakuha ko ang atensyon niya dahil sa tanong ko. Mabilis ang takbo ng sasakyan dahil nasa highway kami, konti lang din ang sasakyan kaya safe naman kahit nakatingin siya sa akin. Just keep in line James.
“Anu pa nga ba? Alangan naman pababain pa kita dito.” Masungit niyang tugon. Kanina parang ok lang siya, ngayon, nagsusungit na.
Natahimik nalang ako at naghintay kung saan niya ako pwedeng maibaba. Pumasok ang sasakyan sa Alabang. Pakiramdam ko ay pupunta siya sa isang mall ngunit nagkamali ako ng itinigil niya ang sasakyan sa harap ng isang hotel.
“Saan ka pupunta? Iiwan mo ako dito?” tanong ko ng nagpark na siya at nag ambang lalabas na ng sasakyan.
“Stay there, I’ll just gonna get something inside.” Saka sinarado ang pinto. Naiwan ako dun at naghintay.
Now, what am I gonna do?
Sinundan ko siya ng tingin hanggang makapasok siya sa loob ng hotel. Derederetso siya at parang kilala na siya ng security guard na nakabantay doon.
Oo nga pala, mayaman sila. Dito siya nakatira sa hotel.
Hotel? Sa pagkakaalam ko ay hotel ito pero bakit siya dito nakatira? Isang sikat na hotel lang naman ang pinasukan niya. Di ako laging nadadaan dito pero once? Twice? Oo na ata. Madalas kong marinig ang pangalan nitong hotel. Sa entrada palang dito sa may parking lot ay talagang magara na, itong parking lot nga mismo ay maganda na, ang loob pa kaya nito? Di na ako magtataka.
“Rich kid!” nasabi ko nalang habang iginagala ang tingin sa paligid.
Dahil wala akong magawa sa loob at 10 mins at wala pa rin siya, naisipang kong buksan ang maliit na drawer ng sasakyan niya. Baka ito na ang chance ko na mag imbestiga. Baka may makita akong bagay na interesante sa kanya. Di ako sanay mangialam at ayaw ko sa mga ganitong klaseng gawain pero gusto ko pa kasi siya lalo makilala. Gusto ko ding makilala ang babaeng kasakasama niya kanina kaya ang mga pagkakataon na ganito ay dapat, hindi ko na pinapalagpas pa.
Pagbukas ko ng drawer, nakita ko ang cellphone niya. Nagdalawang isip pa ako kung kukunin ko ito o hindi ngunit nagdesisyong kuhain nalang ito at tignan. Di ko naman ito nanakawin para matakot pero invasion of privacy itong ginagawa ko. Inisip ko nalang ang dahilan kung bakit ko ito gagawin at saka nagsimula ng mag usisa sa phone niya. Good to know na wala itong password.
Go to gallery.
Scan images.
Then there, I saw the girl na kasama niya lang earlier.
BINABASA MO ANG
Fraternity Vs. Eternity
RomanceIt was that moment when my brother was killed that changed my life. He's the only family I have but then he died under a man because of a fraternity rival. I saw it with my two eyes, the man who killed my brother. Now, its time for a revenge. To mak...