Part 3

652 13 0
                                    

Part 3

Naglalakad ako sa corridor para pumunta ng Cr. Kakadating ko lang dito sa school para pumasok sa first class ko pero ito at Cr ang una kong dinaanan para na rin makapag ayos.

Isang linggo na ang nakakalipas simula ng sumali ako sa Supremo. Mga tatlong araw din na humapdi ang likod ko kung saan nilagay ang marka. Ang marka na nagpapatunay na simula ngayon ay may fraternity na akong sinasalihan, at ang patunay na ito na ang simula ng gusto kong laban.


Sabi ni Keith di naman daw kailangan ang presence ko at pagiging active ko sa fraternity. Aniya, participation lang naman ang kailangan sa mga ordinaryong miyembro. Pero minsan pag wala akong ginagawa, sumasama na ako sa kanya sa mga meetings ng grupo. Di ko naman tungkulin ang maging ganun ka active sa frat dahil di naman ako officer which I think is good pero sumasama na rin ako pag may time. Sa totoo lang, di ko naman kasi masyadong kailangan ang frat na ito sa mga plano ko dahil ako pa rin naman ang kikilos at gagawa ng lahat.

I just need this frat for guidance as well as backup. Yung tipong pag kailangan ko ng mga kasamang mang bully ay meron akong masasama?

Haha. Joke!

Sumali ako ng frat for protection. Para pag nasimulan ko na ang plano, malaman man ni James ang motibo ko, di niya ako basta bastang magagalaw o masasaktan dahil under ako ng isang frat.

Pumasok ako sa cubicle para umihi sana ng may marinig akong dalawang babaeng pumasok ng cr.

"Jane, bakit ganun? James told me he'll date me last night pero bat niya ako di sinipot? And you know whats worst? Nung pinuntahan ko siya kanina sa canteen he told me na wala naman daw siyang naaalala na may date siya kagabi sa akin. And ... He called me in a different name! My name is Rhea not Thea! The fuck!" rant ng isang matinis na boses ng babae na kararating lang. Halata sa boses niya ang pagkairita at inis na nararamdaman. At rinig ko din ang paghikbi niya.


I stayed inside the cubicle for a while. Tingin ko, ang James na tinutukoy nila ay ang naiisip ko. At kung siya nga ang pinag uusapan nila, I think I'm gonna get some information from them about James na makakatulong sa plano ko. Medyo naiirita ako sa mga ganitong usapan pero tiis tiis lang. I need to eavesdrop. This can help.


Hanggang ngayon kasi wala pa talaga akong concrete idea kung anu ang gagawin ko para makaganti sa James na yun at madala siya sa sarili niyang kasiraan. At kung papaladin, maipakulong ko pa siya. Kaya kailangan ko muna magkaron ng idea tungkol sa aking magiging kalaban.

One way to do that is to stalk. Stalk. Stalk. Then this, eavesdrop and the likes.


"Sabi naman kasi sayo Rhea, James is too hot for you. Too popular. Too rich. Di kasi kayo bagay kaya wag mo na ipilit. Baka lalo ka lang masaktan."

Napanganga ako sa sinabi nung babae sa Rhea. Bestfriend ba talaga yan? Seryoso? Kung si Cindy ay ganyan, di ko na yun magiging bestfriend. Diba dapat kinocomfort niya yung kaibigan niya hindi yung lalo pa niyang pinagdiinan na di maaabot ng bestfriend niya yung lalaking gusto nito?


Naku, may hidden agenda si girl.


"Alam ko naman yun Friend. Wag mo na ngang ipagduldulan! Masakit na nga dinidiin mo pa." saka ko narinig ang napakalakas na pag iyak ni girl. Sa sobrang lakas, namilipit pa ang tenga ko sa ingay. May pasigaw sigaw pa kasi siyang nalalaman. Peste! Babae ba talaga siya? Lam na nasa public place ganyan? Nawala ang pagkaihi ko sa kanila!

Abnormal! Obsess lang kay James?


"Nuh ka ba Rhea! Sakit sa tenga ah! Lam mo pumunta nalang tayo mamaya sa royal club. Andun yun si James at ang mga barkada niya. Tanong mo nalang ulit kung pwede pa kayong magdate hindi yung nagtititili ka pa dyan. Makakabutas ka ng eardrums lam mo yun?"


"Tama. Tama." sabi ko sa sarili ko sabay tango tango. Nababaliw na ata ako dito.

"Sige. Ttry ko nalang ulit. True love is really hard to get. It needs patience. So I'll take my chance again."

Haha. Aba! Gumaganun pa si ate. Love love! Asa naman siya na mamahalin siya ni James, parang wala naman yung puso. Hindi ko naman sinasabing wala talagang pag asa pero kung kucomputin, siguro 3% over 100% lang ang tyansang mainlove yun.

Sukdulan na ata kasi ugali nun.


"Sige, Lets go later. Wear your best dress and I'll wear mine too. Pag di mo maakit si Alonzo then my turn naman."  the girl said with a flirty tune.

"Yun yon e!" sabi na, may something si bestfriend kay James.

Ng matahimik sila, napatakip ako sa bibig ko.

I just said it out loud.

"May tao ba dyan?" tanong nila.

Patay!

Sinipa nila ang pinto ng cubicle ko kaya naman nabuksan ito. Shit!

"Hahaha! Anu ka ba naman Cindy! Loka ka talaga. Papunta na akong classroom. Kwento mo ulit sa akin ah? Hahahaha! Lol!" sabi ko habang nasa tenga ko ang cellphone ko kunwari ay kausap ko si cindy sa cp.


Napatitig ang dalawa sa akin. Ako naman derederetso ng lumabas ng cr saka takbo papuntang classroom. Medyo late na rin pala ako. Hantanga naman oh! Buti mabilis akong mag isip kundi malalaman nila na kanina pa ako dun nakikinig.


"Ouch!" kakatakbo ko, lumagapak ako sa sahig. Wow!

Just ... Wow!


"Anu ba? Nananadya ka ba?" inis kong tanong sa taong dahilan ng pagkadapa ko.

Nastatwa ako ng bumungad sa akin ang pagmumukha ni James Axl Alonzo.

Packing tape! I'm not yet ready for this! Di pa ako readyng makaharap siya. At laking swerte nga naman, di lang siya mag isa, kasama niya pa ang mga kagrupo niya.


"You watch your mouth lady! Ikaw ang nangbangga. Pwede ba!" galit na sabi naman ng isang babae sa gilid ni James. Kilala ko 'to. Mm, oo! Girlfriend 'to ni James!


"Well, di naman ako mababangga kung di niyo pilit na inooccupy ang hallway. PWEDE BA!" diniinan ko talaga yung huling mga salita para marealize niya kung gaano niya kalandi sinabi ito sa harap ko.

Porque pangit siya ganyan na siya? Haha.

Ayan ang di makatarungan!

Nag igting ang pangga ng babae sa inis sa akin habang ako ay tumayo na at kinuha ang ilang gamit kong nahulog. Not that I care lady! La ako pake!


Iniringan ko sila saka nag amba ng maglakad pero naghuling sulyap muna ako sa lalaking nasa harap ko-Si James.

Nakatitig siya sa akin pero walang reaksyon ang mga mata niya. Napalunok ako ng padaanin niya ang titig niya sa buong katawan ko na parang nag hahanap siya ng interesting about sa akin.

Nang nagtagpo na ang mga mata namin, nakita ko ang ibig ipahiwatig nito.

"Boring." thats the best description to his reaction.

At saka hinapit ng babaeng katabi niya ang braso niya at hinila siya palayo. Sumunod naman sa kanya ang mga utuuto.

K dot. I'm not yet interesting. But I'll find ways to make you notice me.


Sayang, gwapo ka e. Sana lang di ka naging mamamatay tao.

Crush pa naman kita dati. Sayang talaga.

At mas lalo kang masasayang sa oras na mapaikot kita at maloko.

Pero tang na! Kita niyo ba yun? Bat sobrang gwapo niya?

Haissst! Queenie! Erase that. Gwapo siya, given na yun. Walang awa, given na yun. Evil siya kaya pwede ba!




"WHAT?" sigaw sa akin ni Cindy ng makarating kami sa gym. Nagpapalipas oras lang kami pero ang simpleng usapan ay napunta nanaman sa akin. Kaya ayan! OA na naman!


"My Goodness Queenie! Nagjojoke ka lang e! Bat ka naman sasali sa frat? Kala ko ba ayaw mo sa mga ganun? Tas ngayon malalaman ko na miyembro ka na pala ng Supremo?" nanlalaki pa mata niya habang nagsasalita dahil sa pagkagulat.


"Cindy, I have to do this. I need to do something and I need to join this frat first before I do that 'something'" hirap kong eksplenasyon sa kanya. Siya naman, the usual. Galit face.

Naiintindihan kita Cindy. If you are my mom, ganyan din magiging reaksyon nun. Sino ba naman ang gusto pang sumali ng frat kung di naman nila yun kailangan? But for me, at some point, kailangan ko siya kaya nga andito na.


"I can't believe you Queenie. There must be a reason why you do this thing. Tell me, anu ba talaga ang nangyari? Lahat lahat para di ako magreact ng ganito! I thought walang taguan ng sikreto? Anu na 'to?"nalulungkot niyang pahayag. Yeah, I kept secrets to my bestfriend. The only person I can trust now. At yun ay dahil ayaw ko siyang mamroblema o mag alala. Ayoko din siyang madamay.

But how could she understand me kahit panay na ang sabi ko na alam ko ang ginagawa ko if she doesn't even know anything?

Napabuntong hininga ako sabay sabing
"Ok, I'll tell you. Pero di dito. Mamayang uwian, punta tayo sa bahay, sasabihin ko sayo ang lahat."


Nang matapos ang klase namin, agad kaming tumungo ni Cindy sa bahay. At talaga naman, excited na excited pa siya. Parang may sasabihin lang akong surprise.

"Sigurado akong pag knwento ko lahat sayo, iwiwish mo na sana di mo nalang nalaman." paliwanag ko habang kumukuha ng tubig sa ref para uminom.


"No, you tell me para matahimik na ako. Kung alam ko na may problema ka pero di ko alam, parang hindi naman yun masarap sa pakiramdam so I'd rather know it. Bestfriend kita. Isa ako sa mga taong kailangan mo ngayon thats why I should know everything." aniya. Binaba ko ang baso na ininuman ko saka ang bag ko pagkatapos ay nilapitan siya para yakapin.

"Grabe, di ko alam kung sang lupalop pa sa mundo ako makakahanap ng katulad mo bes. Natotouch ako sayo." kahit na boses nagjojoke ako, totoo ang sinabi ko. Naiiyak nanaman ako. Bat ba ganito.


"Syempre, bestfriend mo ako. Andito ako palagi para intindihin ka. Now, tell me. Anu ba talaga ang nangyari? I promise to keep quite about it kung talaga ngang maselan yan. I promise to understand everything so tell me about it now." naupo na siya sa silya at humarap sa akin.


Humugot ako ng malalim hininga saka ikinwento sa kanya ang lahat.

Habang nagkkwento ako kay Cindy, tahimik lang siyang nakikinig. Hanggang dumating sa punto na knwento ko na sa kanya ang mga nalalaman ko tungkol sa pagkamatay ni kuya. Naging di na maipinta ang itsura niya. Parang nagulat na nalungkot, at ako, ewan ko kung pang ilang beses na ito pero napaiyak nanaman ako.


"My goodness Queenie! Bat ngayon mo lang nasabi itong lahat sa akin? Di ko akalain na ganun pala ang nangyari. Akala ko simpleng aksidente lang ng pagkakabaril ang nangyari sa kuya mo, yun pala ganito." lumapit siya sa akin para yumakap at itahan ako.

"Kaya ka ba sumali sa frat dahil dito?" dagdag pa niyang sabi.

"Oo. Gusto kong gumanti Cindy. Gusto kong pagbayaran niya ang ginawa niya." mariin kong sabi kasabay ng pagpatak ng aking mga luha.

"Bat hindi nalang natin siya ipakulong. Magdemanda ka. Kesa naman daanin pa natin sa ganito. Napasali ka pa tuloy sa frat."

"Hindi pwede Cindy. Alam mong mayaman si James, makapangyarihan ang pamilya niya. Kung lalaban ako ng tama, hindi siya makukulong. Magsasayang lang tayo ng oras at pagkakataon." paliwanag ko. Yun ang totoo kaya alam kong maiintindihan niya ang sinasabi ko.  Nakita ko ang pamomroblema ng kaibigan ko. Sigurado akong nag iisip din siya ng paraan para matulungan ako.

At sigurado akong wala siyang maiisip na mabuting paraan kesa sa maduming laban tulad ng naiisip ko.


"Anu ng plano mo?" aniya ng makabalik na kami sa sala.

Tumayo ako at naglakad papunta sa kwarto. Binuksan ko ang closet ko sabay hagilap ng magandang damit.

"Para san yan?" tanong ni Cindy ng naglabas ako ng isang floral dress. Simple lang ito. Sleeveless at above knee tas kita ang clevage pag isinuot kaya di ko ito masyadong sinusuot. Mga isa o dalawang beses ko palang ata ito nagagamit pero ngayon, mukhang magagamit ko ito ulit.



Naghagilap pa ako ng isa pang dress. May nakita akong simple purple dress. May sleeve ito hanggang elbow tyaka di makikita dito ang clevage pag sinuot pero medyo may pagkashowy ang likod nito. Above knee din tulad nung isa pero fitted ito.


"Suotin mo 'to. May pupuntahan tayo." sabi ko kay Cindy sabay abot ng purple dress. Nagtaka naman siya sa ginawa ko.

"Para san 'to? May pupuntahan ba tayo?"

"Oo, pupuntahan natin si James."


"Huh? Bakit at saan?" tanong ulit niya.


"Sa bar." sabi ko ng nakangisi saka pumasok na sa banyo para magpalit ng damit.

James Axl Alonzo, let's fire up the war coz Queenie Alexandria Gonzales is so damn ready.

Fraternity Vs. EternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon