Part 12

473 17 1
                                    

Part 12

Natigil ako sa paglalakad ng makita ko si Keith kasama si Lina na naglalakad palapit sa pwesto namin. Di pa nila ako nakikita dahil busy pa sila sa pagkikwentuhang dalawa. Urong sulong ang paglalakad ko dahil hindi ko alam kung kailangan ko ba silang puntahan at lapitan o si James nalang ang hihilahin ko palayo.

Lumingon ako sa likod ko at nakitang di naman nakikita ni James sila Keith bagkus pumapasok na ito sa kotse niya. Napatakbo ako agad sa kanya, binuksan ko ang pinto sa front seat at tuluyang pumasok doon at umupo. Nagulat at nagtaka nalang si James sa ginawa ko pero nginitian ko nalang siya.

‘’Hep hep, let me explain. Wala na akong pamasahe, pwede ihatid mo ako pauwi?’’ bago pa siya umangal ay inunahan ko na siyang magsalita.

‘’Akala ko ba meron ka pang 100 pesos? Anu, sa probinsya ka ba nakatira at di kasya ang isang daan para sa pamasahe mo? Baba!’’ nakasigaw niyang sabi sa akin. Nabigla ako sa boses niya. Nakakatakot pala siyang magalit. Halata naman sa itsura niya pero nung ginawa niya na, 100x na mas naging nakakatakot ang itsura niya.

‘’Hoy, wala namang ganyanan. Sige na. Diba mabait ka naman? Mapagkawang gawa ka daw ayon sa mga naririnig ko. Natulong ka pa nga sa mga charity kaya ihatid mo na ako sa amin!’’ totoo naman yung sinabi ko. Natulong talaga siya sa mga charity. Mapaschool man or outside school. Bakit ko alam? Syempre! Madaming chismosang kokak sa buong campus na puro James nalang ang laging bukang bibig.

Pasimple akong tumingin sa likod ng sasakyan kung saan naaninag ko si Keith at Lina.

Bat ba ang tagal nilang pumasok sa mga kotse nila? Bakit diyan pa sila nagtambay?

Ang rason kung bakit tinataguan ko sila ay dahil pag nilapitan ko sila, makikita ako ni James na lumapit sa kanila at magqquestion yun kung bakit parang close ako sa dalawa tapos baka malaman niya na boyfriend ko si Keith. Pag naman di ko pinansin ang dalawa, ay magtataka si Lina kung bakit di ko pinapansin si Keith at baka sabihin nun ay may away kaming dalawa.

Wala naman akong invisible cloak para makadaan sa gitna nila na walang kaprobleproblema kaya pinili ko nalang sumakay dito sa kotse ni monster James para libangin siya habang umaalis sina Lina at Keith saka ako bababa.

Pero, di naman yun ang nangyayari dahil ang dalawa ay nagawa pang sumandal sa kotse ni Keith at magkwentuhan.

‘’Bumaba ka na sabi! Wala ka na bang pasok? Bakit ka sasama sa akin?’’

Meron akong pasok pero mamaya pa, wag kang atat!

‘’Wala na, sasakay ba ako dito kung may pasok pa kami? Di naman ako nag cucutting class! Tyaka sige na, ihatid mo na ako sa amin. Yung pera ko kasi pang kain ko pa yun mamayang gabi. Wala pa akong allowance kaya please? Pwede ihatid mo nalang ako?’’ hinawakan ko ang braso niya at bahagyang hinila hila para maawa siya pero tinanggal niya lang ang hawak ko sa braso niya.

‘’Baba sabi!’’ singhal niya malapit sa mukha ko na nakapag papikit sa akin pero di ako natinag.

‘’Ayoko!’’ saka nagkibit balikat.

‘’Gusto mong buhatin pa kita at itapon doon sa basurahan sa labas? Get out!’’ sobrang galit na siya na nakikita ko na ng malinawan ang nanggagalaiti niyang mukha.

Ayokong magpasindak dahil pag lumabas ako, mas lalo akong patay.

Naiimagine ko na ang magiging reaksyon ni Lina kung ganun nga ang mangyayari. Baka sabihin pa nun, pinagtataksilan ko si Keith.

Fraternity Vs. EternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon