Part 1

763 16 0
                                    

Part 1


Ilang buwan na ang nakakalipas ngunit di ko pa rin makalimutan ang nangyari.

Yung itsura ni kuya, kung paano siya pinatay at yung taong pumatay sa kanya. Lahat yun, tanda ko pa. Tandang tanda.


Sa 4 na buwan na lumipas, wala akong ibang nagawa kung hindi magmukmok sa bahay namin ni kuya.

Ako nalang mag isa sa condo. Ako nalang mag isa sa mundo.

Mas lalo akong napapaiyak habang iniisip ang mga nangyari. Kasalukuyan akong nakahiga sa kama. Feeling ko worthless na ang buhay ko. Mas lalo akong nawalan ng gana dahil summer at walang pasok kaya mas marami akong pagkakataong magmukmok at umiyak mag hapon.


At sa araw araw na nangyayari, lagi nalang akong nakakatulog dahil sa kaiiyak.

Pag gising ko, nakita ko agad ang relo sa tapat ko. 9 o'clock na ng gabi pero di pa ako nakakapag hapunan.

Naramdaman ko ang pamimilipit ng tyan ko ng maisip na di pala ako nag umagahan, nagtanghalian at ngayon ay hapunan na.


Napaupo nalang ako sa kama ng biglang may pumasok sa kwarto ko. Si Keith.


Napangiti siya ng makitang gising na ako ngunit sumimangot siyang bigla habang lumalapit sa akin saka umupo sa tabi ko.


"Di mo nanaman kinain ang pagkain mo. Queenie, di pwede ang ganito. Sigurado akong magagalit ang Kuya mo sayo kung buhay pa siya dahil ginugutom mo ang sarili mo." aniya sabay haplos sa buhok ko.


Napakalma niya ako sa sinabi niya. Nababuntong hininga nalang ako. Tama siya. Pero kasi, di ko talaga maiwasan. Naiiyak ako sa tuwing naiisip kong wala na si kuya. Wala na sila mama at papa. Wala na akong kasama.


Lumapit ako sa kanya saka niyakap siya. Si Keith nalang ang natitira sa akin. Siya nalang ang meron ako. Laking pasasalamat ko na kahit this past few months naging matigas ang ulo ko at preoccupied ang isip ko sa nangyari, naandyan pa rin siya para sa akin. Para alagaan ako.


"Salamat Keith." sabi ko habang hinihigpitan pa lalo ang yakap sa kanya. "Salamat dahil di mo ako sinusukuan. Kahit na alam kong nahihirapan ka na, di mo pa rin ako iniiwan."


Naramdaman ko naman ang ngiti niya sa leeg ko. Niyakap niya rin ako katulad ng yakap ko sa kanya.

"Di kita iiwan. Tandaan mo yan. Mahal kita Queenie kaya dito lang ako. Di ako aalis dahil mahal kita." napaiyak ako ulit dahil sa sinabi niya.

I guess I'm still lucky. Lucky because after all that happens, I still have my boyfriend who loves me.


Sabay kaming kumain ng hapunan habang nanunuod ng tv sa sofa. 3 times a week lang bumibisita si Keith sa akin dahil alam ko namang busy din siya at may sarili din siyang buhay na inaasikaso. Kaya naman ako, sinusulit ko na ang mga panahon na ganito.


"Keith, gusto kong managot ang pumatay kay kuya." 
seryoso kong pahayag habang nakatingin ako sa T.V.
Kakatapos lang namin kumain at kababalik niya lang sa tabi ko matapos hugasan ang mga kinainan namin.



Comedy ang palabas pero di ako natatawa. Maraming pumapasok sa isip kong kung anu ano at nangunguna na dito ang tungkol kay kuya.

I mean what I've said. I want that bastard who killed my brother pay.

I don't know kung anung gagawin ko para pahirapan siya at pagbayarin sa kasalanang ginawa niya pero desperado na talaga ako.


Nakaramdam ako ng jerky movement mula sa kanya. He felt uneasy.

"Mmm, si .. Si James ba ang tinutukoy mo?" tanong niya saka medyo linuwagan ang yakap sa akin.


"Oo, siya nga." 
may diin ko pang sabi.

"You know what Queenie, I guess you just need to forget what happened. Di mo kilala si James. Kung napatay niya ang kuya mo, theres no doubt na pwede niya rin yung magawa sayo." 
may punto siya sa pagkakataong ito. Alam ko kung anung klaseng tao yung James na yun. I've seen him  a lot of times already sa school. I know he's one of the guys na tinitingala. Mapababae o man o lalaki.

He's smart, topnotcher ng college of law same my batch. Mayaman. He's a son of one of the most respected business man in the country. Not to mention that his part of that family clan. A very powerful family clan at siya lang naman ang tagapag mana ng kompanya nila for he is an only son. Lastly, the appeal. I knew him because he's very popular to girls.

Wala ata akong nakitang babaeng hindi napapatingin sa kanya whenever he's just walking anywhere sa campus.

And if you are asking if I am one of those girls.

Yes, definitely. Before.


So Keith is probably right. Who am I anyway? Just Queenie Alexandria Gonzales. Not much of a special girl. Just very typical. Not rich, not smart, no beauty, no family. But guess what! I have the guts. I'm brave enough to make that man pay his depths.


And I'm certain with that.


"Wala akong pakialam Keith. Wala. Kung papatayin niya man ako, kailangan maunahan ko muna siya. Di ako pwedeng umupo nalang dito at pabayaan ang nangyari. Gusto kong may gawin, gusto kong maghiganti dahil di ako matatahimik hanggang parang wala lang ang nangyari kay Kuya!" 
napaharap ako sa kanya na puno ng inis ang mukha. Namumuhi ako. Gusto kong gumawa ng paraan.


"He's powerful and you know that. Kaya niyang baliktarin ang hustisya. Kaya niyang palabasin na hindi siya ang pumatay sa kuya mo. Kaya sabihin mo nga sa akin, anung gagawin mo? Ipapahamak mo lang ang sarili mo."


Napayuko ako sa sinabi niya. Tama naman talaga siya. Pahamak lang itong gusto kong gawin. Pero anu? Tutunganga nalang ba ako dito?

Napahagulgol ako ng iyak sa harap ni Keith. Bumabalik nanaman lahat ng alaala sa akin. Yung mismong panahong na nakita kong nakahandusay si kuya at pinatay. Higit sa lahat ang mukha ni James. Ang lalaking bumaril sa kanya.

At sa tuwing naiisip ko yun, naiinis ako sa sarili ko dahil wala akong magawa. Na kahit gaano pang effort ang iconsume ko di yun sapat para pagbayarin ang tao na yun sa kasalanan niya dahil sobra niyang makapang yarihan at kayang kaya niyang baliktarin ang hustisya.


Niyakap ako ni Keith habang hinahagod ang likod ko. Tinatahan niya ako tulad ng lagi niyang ginagawa. Di ba siya nagsasawa? Kasi ako, di ko na kaya. Di ako pwedeng umiyak nalang dito. Dapat may gawin ako.


"Gagawa ako ng paraan para pagbayaran niya ang ginawa niya. Sa kahit anung paraan Keith, ok lang. Basta mabigyan ko lang ng hustisya si Kuya at maramdaman lang ng lalaking yun ang sakit na dinulot niya. Di man siya makulong dahil wala akong ganung kapangyarihan para magawa yun, sisiguraduhin kong magdudusa siya sa kahit anung paraan na alam ko."



Hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin.

"Kung ganun, susuportahan kita sa kahit anung gusto mo. Malaki na rin ang atraso ng Alonzo na yan sa Supremo. Alam niyang nauungusan na siya kaya pinatay niya ang kuya mo. Kaya kung anu man ang balak mo, hahayaan kita. Alam kong alam mo ang ginagawa mo."


Ang totoo wala pa talaga akong naiisip na paraan. Pero di ko hahayaang maubos ang oras. Papabagsakin ko yang si Alonzo. Isasampal ko sa kanya kung gaano ka walanghiya ang ginawa niyang pagpatay sa kuya ko dahil lang sa frat niya at sa popularidad na inaasam niya.

Kaya tingnan mo rin kung anung magagawa ko sayo ng dahil din sa frat na yan.

Buhay sa buhay.
Kung nakaya mong pumatay, makakaya ko din yun gawin. Di man sa literal na paraan, pero dudurugin ko din yang pagkatao mo.

"Keith, gusto kong sumali sa Supremo."

Fraternity Vs. EternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon