Part 11

484 19 1
                                    

Part 11

Sinundo ako ni Cindy  sa waiting shed matapos akong tumawag sa kanya. Nagmamadali siyang lumabas ng sasakyan habang ako nama’y walang ganang tumayo at sinalubong siya. Pinilit kong ngumiti sa kanya kahit alam kong alam na niyang may problema ako. Ayoko naman kasi na maramdaman niyang napaka helpless ko at ayokong siya pa ang mamroblema sa mga probema ko. Katulad nga ng nasabi ko, madami na siyang nagawa para sa akin at sobra naman kung pati ngayon ay magpapabigat pa ako.

Kaso, masaklap talaga ang buhay. Wala naman akong matutuluyan kaya sa kanya muna ako kakapit sa ngayon.

‘’Queenie! Kanina ka pa dito? Anung nangyari?’’ tanong niya matapos niya akong yakapin. Sinuri niya ang itsura ko, ang mukha ko, lalong lalo na ang mga mata ko.

 

‘’Medyo kanina pa ako dito pero ok lang. Napalayas lang ako sandali sa tinitirhan kaya pwedeng sa inyo muna ako ngayong gabi?’’ tanong ko sabay ngiti na parang wala lang problema. Gumanti din siya ng ngiti sa akin sabay hingang malalim.

 

‘’Syempre naman, pwedeng-pwede pero bakit ka pinaalis tyaka, bat yan lang ang dala mo?’’ bago ko siya masagot ay pinapasok na muna niya ako sa loob ng sasakyan nila at habang nabyahe pauwi ay saka ko iknwento ang nangyari.

 

‘’Tutulungan nalang kita Queenie, wag kang mag-alala. Babayaran ko nalang yung mga kulang para di ka na mahirapan..’’

‘’Hindi bigay yun, uutang ako Cindy. Babayaran ko din yun pag makahanap ako ng trabaho. Di libre yun ok?’’ singit ko agad bago pa niya sabihin ang gusto niyang sabihin. Alam ko naman kasing magi insist nanaman siya na siya na ang bahala sa dapat kong bayaran sa condo. Hindi naman pwedeng mangyari yun. Humihingi lang siya ng pera sa parents niya, baka magtaka ang mga yun at isa pa, pinaghihirapan din niya ang makaipon.

 

‘’Ok na sige. Alam ko naman na di ka papayag na ilibre ko na iyon sayo kaya sige’t utang nalang yun. Sabi mo e. Pero bes, di mo naman kailangang magmadali. I can wait, I don’t care naman kung bayaran mo yun o hindi. Take your time, and just rest yourself tonight. Sunod-sunod ang mga nagiging problema mo e.’’

Tumigil ang sasakyan sa isang malaking bahay. Madalas ako dito dati kaya di na ako namangha dahil sanay na rin akong laging napunta at minsan ay nakikitulog pa sa bahay nila Cindy. Bumati sa amin ang mga kasambahay nila pagpasok namin na mga kaclose ko rin saka dumeretso na kami sa kwarto niya.

 

‘’Ito bes, bihis ka muna tapos magdidinner na tayo.’’ Aniya habang inaabot ang damit niya. Short ito at isang plain blue t-shirt. Di ko ito tinaggap dahil may dala naman akong mga damit dahil kumuha nga ako kanina bago umalis sa condo para maipangpalit ko ngayon hanggang bukas.

Naglinis na ako ng sarili at bumaba na. Mabuti at wala pa doon sina Tito at Tita(mama at papa ni Cindy) dahil siguradong mahihiya at maiintimidate ako sa kanila. Makikitulog na nga ako, pakainin pa ako? ang kapal ko naman kung ganun.

 

‘’Pasensya na Cindy kung makikitulog na nga ako sa inyo ngayong gabi ay makikikain pa ako.’’ nahihiya kong sambit sa kanya.

Fraternity Vs. EternityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon