Chapter 3 - The kape case#10877

1.1K 15 0
                                    

Chapter 3 -  The kape case#10877

Habang nakaupo ako sa bench, natapunan ako ng kape sa tshirt ng isang walang ingat na babae na may sarili atang mundo at nagdadaydreaming kaya habang naglalakad eh di ata napansin may taong nanahimik na nakaupo dito sa isang tabi.

“WTF! &*#@!***** Wala ka bang mata ha?!” asar na sigaw ko sa kanya

“Sorry, sorry talaga!”  sagot nya tapos pinunasan ang tshirt ko.

Nang biglang napatingin ako sa mukha nya ..

Tug dug .. Tug dug .. Tug dug..  *anlakas ng tibok ng puso ko ah*

(>.<) <\== Ako

(Y.Y) <\== Sya

(O.o) <\== Ako

(+.+) <\== Sya

(O.O) <\== Ako

?(+.+)? <\== Sya

“Yu.. Yuna?”

“Pano mo nalaman pangalan ko classmate ba kita?” tanong niya.

“Di ba anghel ka?” tanong ko na sagot ko na rin sa tanong nya.

“Ano yan? Pick-up lines? Sorry ka, di ako magbabakit.” mataray na tugon nya sakin.

“Asa ka naman. Tinatanong ka lang naman ng maayos eh namimipilosopo ka pa!” Bulyaw ko sa supladang babaeng to, nakakapundi kasi eh. Umatake na naman tuloy pagkamainitin ng ulo ko.

“Tsk. Salbahe tong lalaking to .. pasalamat ka at may atraso ako sayo kung di lang kita natapunan ng kape, baka sinapak na kita.” asar na sambit nya.

Magsasalita pa sana ako nang bigla namang dumating ang tatlong babae na kasama nya. Yung mukhang simple,  mahinhin at amerikana ang nagsalita.

“Sis, andiyan ka lang pala. Tara na! Malalate na tayo sa klase eh.”

“Saglit. Bago kayo pumasok. Yuna, ako nga pala si Kurt.” sabay abot ng kamay ko sa kanya.

Hmm.. Tatanggapin kaya ni suplada ang kamay ko? *Bakit hindi eh ampogi pogi ko kaya, for sure nagpapakipot lang to pero kinikilig na ito. xD

“Yuna.” sagot nya sakin habang nakikipagshake hands

Oh diba? Sabi naman sa inyo eh. Iba na pag sobrang pogi. Walang nakakatanggi. ;P

“.. uhm eto nga pala mga Bestfriends ko, eto si Cess”  Turo ni Yuna sa mukhang simple mahinhin at amerikana

“Nice to meet you Kurt  ^.^” sagot ni Cess.

“eto si Mary.” turo nya sa mukhang Taiwanese na morena.

“Pleasure to meet you =)” sagot ni Mary

“At eto si Mhae.” turo nya dun sa mukhang rakista na Koreana.

“Hell-o.” tugon ni Mhae.

“Kurt pasok na kami ha. Bye.” sambit pa ni Yuna.

Tuluyan na ngang umalis ang apat ng bigla namang dumating sina Doding at Jepoy.

“What took you so long? Hanep kayo. Inugat na ko kakahintay sa inyo eh!” asar na tanong ko sa kanila.

“Tol, ano yun? Mga chicks mo? Ayos ah. Walang tapon sa kanila. Ang gaganda! =) Penge naman isa! Kahit sino sa mga yun, okay na” ani ni Doding.

“Par sabi nga ni God, share your blessings :D” sabi naman ni Jeff.

“Ulol nyo. May isang aanga anga na babae lang dun ang nakatapon ng kape sakin. Kaya andito sila kanina.” malamig na sagot ko sa kanila.

“Pakilala mo naman kami sa kanila  :D” duet ng dalawa.

“Edi kayo na magpakilala sa kanila, tutal  makakapal na naman mukha nyong dalawa eh, kunwari pa kayong nahihiyang lumapit sa kanila. Psh.” singhal ko sa kanila.

Hayst. Ang lalandi talaga ng dalawang to. Minsan naiisip ko, di kaya may STD (Sexual Transmitted Disease) na itong dalawang to? Walang pinalalampas basta chicks eh mapa-pangit, maganda, matino, or pokpok pa. Sigurado naman akong paglalaruan lang nila ang mga tropa ni Yuna kung sakaling mapasagot man nila. Kilalang kilabot samin tong dalawang to eh. Kilabot sa pagpapaiyak ng babae at paniniga ng kapwa lalaki. Kaya nga sila naging tropa ng isang demonyong gaya ko eh >:D

 

Pero di ko maiwasang isipin si Yuna. Hmm .. Tinanggi nyang isa syang anghel, eh ang mga anghel di naman nagsisinungaling. Bakit kaya sa panaginip ko anghel sya?

****


Si Jepoy tong pic. sa gilid

When a Devil Falls in love with an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon