Chapter 20 - New Year

592 6 0
                                    

Chapter 20 – New Year

Empoy’s Point Of View :

Ilang araw na din ako na hindi nagpapakita kay Mhae. Pag nadaan naman siya mismo sa bahay namin, agad akong nagtatago. Maarte ba? Hayst. =( Nasaktan lang talaga. Di ko pa alam kung kelan ako ulit magpapakita sa kanya.

Nagtext siya sa akin kanina. Binasa ko ulit.

--------------------

From : Bes Mhae Ganda

+639056961***

Bes ano punta ka mamaya may karaoke party sa bahay. Naghanda na din kami ng konti. Dito ka na maghapunan.  Dito na din kayo matulog. May mga waterbed kami, ilalagay na lang namin sa sala. Aasahan kita okay. Malulungkot ako pag di ka pumunta. Miss you.

---------------------

Haay.. Okay na nga sige na pupunta na ako mamaya.

Ayoko siyang malungkot eh.

Replyan ko na siya ..

*Hinga malalim*

--------------------

To : Bes Mhae Ganda

+639056961***

Pupunta ako mamaya =)

--------------------

*Message Sent*

---end of POV

Mhae’s Point Of View :

 

“Ayan! Perfect!” bulalas ko ng nailagay ko na ang cherry sa taas ng binake ko na cake. Kumpleto na ang lahat. Natapos na din naming lutuin ang lahat ng lulutuin na nakahain na din sa hapag. Waiting na lang kami sa mga bisita.

Unang dumating si Sam kasabay si Alden. Sumunod naman sina Kurt at Bes Empoy. Yey! Dumating din siya (^___^) Sumunod naman sina Sarah at Drew na dagdag sa tropa. Pinakilala samin sila ni Yuna at Kurt, kapatid pala ni Kurt yung Drew kaya pala medyo magkahawig sila.

Hmm.. Asan na kaya si Migs bakit wala pa?

Kumain na kami ng media noche ng sabay sabay.

Tapos na kami kumain pero ba’t ganun? Wala pa din si Migs. Matext nga.

----------------

Migs ng buhay ko <33

+639228390***

San ka na? Bat ang tagal mo

----------------

When a Devil Falls in love with an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon