Chapter 19 - The Real Prophecy

582 7 0
                                    

Chapter 19 – The Real Prophecy

 

 

 

Yuna’s Point Of View :

 

Hmm.. Naiinip na ako sa pagbabalik ni Drew. Maigi pang sundan ko na siya. Siguro naman ay nasa labas lang siya.

Nagulat ako dahil paglabas ko ay ang sumalubong sa akin ay si Lucifer. Binalot ng kilabot ang buo kong katawan. Ano ang kailangan sa akin ng reyna ng impyerno?

“Kamusta na ang aking manugang?” aniya sabay nakangisi.

“H..ho? Di ba pinaghiwalay nyo na kami ni Kurt? tapos tatawagin ninyo akong manugang?”

Nakita kong nagapoy ang pula nyang mga mata at sa isang iglap ay napunta kami sa isang napakainit na lugar. Puro nakakatakot at kakaibang mga nilalang ang nasa paligid nito at puro apoy pa. Nasa loob kami ng isang itim na kastilyo. Pinalabas niya ang ibang nilalang na nasa loob nito.

“Anong kailangan ninyo sa akin?” natatakot na tanong ko sa kanya.

“Kailangan mong malaman ang katotohanan!” aniya.

“Ano ho ang tinutukoy ninyo?”

Imbis na sumagot ay kinumpas nya ang kanyang mga kamay at lumabas dun ang isang bolang apoy.

Pinakita ng bolang apoy si Sarah kasama si Drew. Anooo?! Bakit sila magkasama?!!!

Tapos..

(O.O) Sh*t.

(T.T) ARAY!

Grr. >:/

Naghahalo ang sakit at galit sa loob ko.

Ang bespren ko at ang boypren ko! Pinagtataksilan ako.

Mga hayop sila! (T.T)

Kakatapos ko lang masaktan ng dahil kay Kurt, only to find out na sina Drew at Sarah naman ang mananakit sa akin?

“Hindi.. Hindi totoo to!” sigaw ko habang may nangingilid na luha sa mga mata ko.

“Hindi totoo? Masakit ang katotohanan Yuna, pero kailangan mo itong tanggapin na ang matalik mong kaibigan at ang nobyo mo ay pinagtataksilan ka!!!” sagot ni Lucifer sa akin.

Nararamdaman ko ang sobrang galit sa loob ko na pinapalubha pa ng sobrang sakit na nararamdaman ko.

“Magbabayad silang dalawa. MAGBABAYAD SILAAAAA!!!!!” Sigaw ko.

 “Tama yan. Paghigantihan mo sila. Mga taksil sila diba? Pati na din si Kurt. Wala ka namang ginawang masama sa kanila di ba? Pero ano ang ginawa nila? Sinaktan ka lang nila. Pagbayarin mo silang lahat sa lahat ng mga ginawa nila sayo (--,)” Sulsol pa ni Lucifer habang nakangisi.

When a Devil Falls in love with an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon