Chapter 23 - Payback Time

535 8 0
                                    

Chapter 23 – Payback Time

Kurt’s Point of View :

 

Kasalukuyan kaming nakasakay sa yate ni Sam ng biglang umulan ng malakas kaya pumasok na kami sa loob ng yate.

Sama sama kaming mga lalaki sa loob ng kwarto. Yung mga babae, sama sama naman sa loob ng katabi naman naming kwarto.

Psh. Gusto ko makasama si Yuna sa loob ng isang kwarto eh. Hayst. Di bale, paguwi na lang --,)

 

Napasulyap ako sa wrist watch na nakakabit sa kanang pulso ko :

 

Time check : 12:00 AM

 

Madaling araw na. Hindi pa rin ako makatulog. Di ko alam kung bakit. Para kasing .. Kinakabahan ako.

Lumabas ako para magpahangin at tumingin sa karagatan. Unti unti na namang nawawala ang patak ng ulan kaya nakalabas na ako. May nakita akong isang katamtaman na laking pulo sa di kalayuan. Napasulyap ako sa kalangitan. Parang .. May iba.

Itim na itim ang kalangitan tapos sa gitna nun ay may unti unting lumitaw na isang kulay pulang ilaw. Unti unting lumaki ito kasabay ng pagikot ng mga ulap sa naturang bilog.

Ang aurang yun!

 

Unti unting lumabas mula sa mistulang kulay pulang blackhole sa kalangitan ang pigura ng isang demonyo na may kulay itim at napakalakas na aura.

“Bwahahahahahahaha!” isang nakakapanindik balahibong tawa ang pambungad ng nilalang na ito.

Napatingin ako sa mukha nito.

“A..Ama?!” bulalas ko sa pagkagulat.

Sumagot naman ito gamit ang nakakapanindik balahibong boses nito na sobrang lalim at kapal.

“Kamusta anak? Di mo lang ba babatiin ang iyong ama?” anito sabay ngiti ng nakakatakot.

“A..anong ginagawa niyo dito?! Bakit kayo pumunta sa daigdig ng mga tao?” tanong pa ni Kurt sa kanya.

“Bakit nga ba? Edi para parusahan kayong dalawa ni Drew sa pagpatay ninyo sa inyong sariling ina!”

“Kung paparusahan ninyo ako. Kayo na ang bahala! Wag nyo lang idadamay sina Yuna at ang iba pang nasa loob ng yate na ito!”

Agad namang nagpalit ng demon form si Kurt at lumipad sa harap ng kanyang ama. Ngumiti ulit ng nakakatakot ito at sabay tinanong sya.

“Kelan ka pa natutong magmahal at maging mabait anak? Nakalimutan mo na ba kung ano ka?!”

Sakto namang lumabas si Yuna mula sa yate. Dahil isa syang anghel ay nakikita nya ang dalawa. Napasulyap naman si Haring Beelzebub kay Yuna.

“Ah.. Yan nga pala ang nagpabago sayo, ang anghel na yan! Pano ka ba nya nabago? Sige nga. Tignan nating dalawa kung kaya mo silang ipagtanggol! Bwahahahahaha!”

When a Devil Falls in love with an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon