Chapter 30 - The Celebration

524 7 0
                                    

Chapter 30 – The Celebration

 

 

 

Yuna’s Point of View :

 

 

Time check : 4:00 PM

Andito na kami sa tapat ng gate ni Kurt. Kasama ko sina Sarah, Mary, Cess, Mhae, Empoy, Sam, at Alden. Tour guide nila ako ngayon.

“Wow! Grabe gate pa lang nila Kurt ang taas taas na.” bulalas ni Mary sa pagkamangha.

“Oo nga eh, palasyo ba ang nasa loob nyan?” pabirong sabi naman ni Mhae.

“Hindi…” natatawang sagot ni Sarah.

“…Kayo nagkakamali :D” dugtong ko naman sa sinasabi ni Sarah.

“WHAAAAAT?!” (O.O) sabay sabay na bulalas nilang lahat.

Nakapasok na kami sa loob ng gate, manghang mangha sina Mary, Cess, Mhae, Empoy, Alden at Sam sa mga nakikita nila.

“Wow pare palasyo nga! Astig.” bulalas ni Empoy habang naglalakad kami papunta sa loob.

“Tignan mo, ang lawak lawak pa ng loob, parang isang rancho pala to tapos sa loob ay may palasyo!” manghang manghang sabi naman ni Alden.

“Oo nga eh, ngayon lang ako nakakita ng palasyo sa buong buhay ko. Yung mga ginagamit namin sa mga pelikula ay mga pekeng palasyo lang kasi. Visual effects lang.” humahangang sambit naman ni Sam.

“Awwww… Mga pogi!” kinikilig na bulalas naman ng katiwalang babae nila Kurt na si Cookai.

“Kayang kaya ko silang pagsabay sabaying lahat ;)” buong yabang na sambit naman ng katiwalang babae ni Kurt na si Louise.

“My name is Macie, s*x is my game, if you want my game just call my name.” malanding sambit naman ni Macie, katiwala din ni Kurt.

“Mahiya nga kayo sa balat nyo! Ampapangit nyo! Di namin kayo papatulan oy!” asar na sagot naman ni Empoy.

“Oo nga saka may mga prinsesa na kami ng buhay namin.” proud na sambit naman ni Alden tapos inakbayan si Cess.

“Eew. Yan mga prinsesa nyo? eh di hamak na mas magaganda pa kami sa kanila eh!” naaasar na sambit naman ni Louise.

“Oo nga, mga wala pala kayong taste eh. Duh? or mga bulag lang talaga kayo?” bwisit na sumbat naman ni Cookai.

“Sayang magaling pa naman ako.” nagpapacute na sabi naman ni Macie.

“HOY! UMAYOS AYOS KAYO HA, ANDITO KAYO PARA PAGSILBIHAN AKO HINDI PARA BASTUSIN ANG MGA BISITA KO. ANG YAYABANG NINYO, NUKNUKAN NG KAPAL ANG MGA PAGMUMUKHA NYO. SA SOBRANG KAPAL NG KALYO SA MUKHA NYO MUKHA NA KAYONG MGA NABUHAY NA PUWIT! IHANDA NYO NA ANG MGA PAGKAIN DUN PARA MAKAKAIN NA KAMI. BILIS! TSUPIIIIII..!!!” asar na bungad ni Kurt sa mga katiwala nyang babae.

Agad namang umalis ang tatlo at pumasok na sa palasyo.

“Pasensya na kayo sa kanila. Allergic talaga sa magaganda at sobra pa sa landi ang tatlong yun.” sabi na lang ni Kurt sa amin.

When a Devil Falls in love with an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon