Chapter 32 - Another Yes

531 8 0
                                    

Chapter 32 – Another Yes

 

 

 

Cess’ Point of View :

Pagkauwi namin galing sa birthday ni Kurt, hinatid ako ni Alden sa amin. Kasalukuyan kaming nasa kotse nya.

“Cess.” he mumbled.

“Oh?”

Tumigil na ang kotse nya sa tapat ng bahay namin. To my surprise, Hinawakan nya ang kamay ko at hinalikan yun.

“I just want you to know na hihintayin ko ang matamis mong oo kahit gaano pa katagal. Di ako mapapagod sa paghihintay sayo. I love you so much Cess.”

*Tug dug, Tug dug*  tibok ng malakas ng puso ko.

 

Yes, I love Alden too. But I am not that easy to get type of girl. Pero matagal tagal na din syang nanliligaw sa akin. Saka marami na din syang napatunayan. Nagdadalawang isip tuloy ako kung sasagutin ko na ba sya ngayon.

Lumabas sya ng kotse nya at binuksan ang pintuan ng kotse nya na kinalalagyan ko.

Napangiti ako. He’s really a gentleman.

 

He reached out for my hand at inalalayan nya ako na tumayo.

“Cess, I promise that I will always stay the same at pag naging tayo na, hinding hindi ako magbabago gaya ng iba. Kung ano ang nakita mo sa akin ngayon yun pa din ang makikita mo sa paglipas ng panahon.” he said.

Napatitig ako sa mukha nya. I smiled at him, he smiled at me too. Its the sweet smile of him & his gentleness towards me that makes me love him more & more each day.

“Alden.. Uhm, ano..” pagsisimula ko.

“Yes, Cess? Ano yun?” curious nyang tanong.

“Uhm.. Kasi, Sinasagot na kita.”

His beautiful & dark eyes beamed out in excitement. “Talaga? Anong desisyon mo?”

“Uhm.. Oo na tayo na. (^^)” I answered him while smiling.

“YES! WOOHOO I’M THE LUCKIEST MAN IN THE WORLD!” He screamed out loud tapos nagtatalon talon pa sya sa tuwa.

Hahaha ^^ Natuwa naman ako sa reaksyon nya.

“Wait Cess ah, may kukunin lang ako sa kotse.” dagdag nya pa.

Pumasok sya sa loob ng kotse tapos may kinuha sya na regalo, nakabalot yun sa pink na gift wrap at may ribbon pa sa taas tapos inabot nya sa akin.

When a Devil Falls in love with an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon