Chapter 11 - Truth or Dare?

804 11 0
                                    

Chapter 11- Truth or Dare?

 

Yuna’s Point of View :

 

Umaga ..

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumama sa aking mukha mula sa bintana.

MEEOOWWWW… sabi naman ni Meowchie na para bang may ipinapahiwatig sa akin. Nga pala, kasama ko si Meowchie dito. Kasama ng mga bagahe ko ang travelling cage na kung saan dun ko siya inilagay =)

“Gutom ka na ba Meowchie?” tanong ko sa kanya habang hinihimas himas ko ang balahibo niya.

NGIYAW.. Sagot naman niya kaya pumunta ako sa kinalalagyan ng mga bagahe ko. Nilabas ko yung cat food ni Meowchie at nilagyan ko ang plato niya, pagkatapos ay pinalitan ko na din ng tubig yung bowl na lalagyanan niya ng tubig.

Lumabas ako ng kwarto at hinanap ko yung tatlo. Hmm asan na kaya sila? Pag punta ko sa kusina, nakatalikod sina Mary sa akin at nagluluto. Ambango ng niluluto niya ah. Nakakagutom.

“Sis? Ano yang niluluto mo?” tanong ko sa kanya.

“Aroz ala… Hahahahaha YUNA! Bakit ganyan itsura mo?” aniya habang nakatingin sa akin at tawa ng tawa.

Napapatitig din ako sa kanya. May nakadrawing sa noo niya na frown lines, tapos yung mga mata niya pinalibutan ng isang malaking bilog. May tuldok tuldok pa siya sa pisngi. Parang pinagtripan at dinrawingan ng pentel sa mukha.

“WAHAHAHAHA!!! Mary mukha kang panda!” sabi ko sa kanya habang nagwawala ako kakatawa.

“HAHAHAHA!!! Ikaw din eh mukha kang lalaki.” sabi niya din habang nagpapagulong na sa sahig kakatawa.

Sabay kaming tumakbo papanhik sa taas ng masalubong namin si Cess.

“AHAHAHAHA! Bat ganyan mga itsura ninyo Mary at Yuna?” aniya habang pinipigil ang pagtawa.

“Wah ikaw din sis! manalamin ka. hahaha” sabat naman ni Mary.

Napatitig ako sa mukha ni Cess. Dinrawingan sya ng eyebag tapos pinuno ang mukha niya ng maraming nunal. May nakasulat pa sa noo niya na doodle ni Plankton. Wah! Ginawa pala siyang kamukha ni Spongebob.

Nagtakbuhan kaming tatlo sa mga kwarto namin, doon lang kasi may salamin.

 Tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin.

(O.o)?

“Eh?”

Mukha akong ..

Lalaki xD

Yung kilay ko pinatungan ng isang makapal na kilay, nilagyan pa ako ng bigote at balbas. Tapos sa butas ng ilong dinrawingan ng uhog na para bang natulo.

When a Devil Falls in love with an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon