Chapter 18 - Kurt vs.Drew

591 6 0
                                    

Chapter 18 – Kurt vs. Drew

 

 

Drew’s Point Of View :

Yakap yakap ako ni Yuna. Sasabihin at ipapakita ko na sa kanya ang nangyari sa amin ng pagitan ng bespren niyang si Sarah. Yun ang tanging paraan na naisip ko para matupad ang misyon ko. May mas sasakit pa ba dun? Pag nalaman mo na ang boypren mo at ang bespren mo ay pinagtataksilan ka?

Dito na matatapos ang misyon ko.

Sana mapatawad ako ni Sarah sa gagawin ko..

Sa totoo lang. Napamahal na din ako sa kanya.

Pero hindi pwede. Walang magandang maibubunga ang pagmamahalan ng isang demonyo at ng isang anghel.

Isa pa, di ko pwedeng kalabanin ang aking ina. Ang tanging paraan para matalo ko siya ay ang kagatin siya gamit ang pangil ko. Ngunit sa paraang ito ay mamamatay siya. Alam kong pag nangyari ito, hinding hindi na ako makakabalik sa impyerno. Lahat ng nilalang doon ay magiging kalaban ko. Wala na akong ibang mapupuntahan. Wala ng tatanggap pang iba sa akin, isa akong demonyo.  Wala ng tatanggap at magmamahal pa sa akin na ibang nilalang.

*SWOOOOOSSSSSSHHHHHHH!!!!!!!!!!!!*

Biglang humangin ng malakas.

“KUYA LUMABAS KA DIYAN! HAYOP KA!!!” rinig kong sabi ni Kurt sa akin gamit ang telekinesis. Nararamdaman ko ang aura niya sa labas (--,) magiging Masaya ito.

Telekinesis – n.

  The ability of a person’s mind to be able to send a message to another person’s mind just by using the brain.

Papasok sana siya dito kaso tumalikod ako kay Yuna at umapoy ang mga mata ko. Nilock ko ang pinto, gamit ang isang uri ng kandado na walang makakabukas kahit sino unless tanggalin ko ito.

“BUNSO, KAMUSTA? GUSTO MO BA NG LABAN? LALABAN KA BA KAHIT ALAM MONG MATATALO KA DAHIL MAS HIGIT NA MAKAPANGYARIHAN AKO SAYO, 19 NA AKO. NAKUHA KO NA YUNG GANAP NA KAPANGYARIHAN KO NG 18 PA LANG AKO. ” paghahamon ko sa kanya.

“ANO KAILANGAN MO KAY YUNA?! ANONG GINAWA MO SA KANYA!”

“SIMPLE, GAGAWIN KO LANG NAMAN KUNG ANO ANG GINAWA MO SA KANYA. YUN ANG MISYON SA AKIN NI INA. GINAWA? SAKA KO NA SASABIHIN, TALUNIN MO MUNA AKO (--,)”

“DI AKO MAKAKAPAYAG NA MATUPAD ANG MASAMANG HANGARIN MO KAY YUNA. LUMABAS KA DITO! DADAAN KA MUNA SA MALAMIG NA BANGKAY KO!”

“Yuna, mahal saglit lang ha. May aasikasuhin lang akong mahalagang bagay sa labas. :* ”  sabi ko kay Yuna sabay halik ko sa labi niya. Pinalabas ko naman ang isang bolang apoy sa harap ni Kurt sa labas para  makita niya ang ginawa ko.

Lalong nanggigil ang kapatid ko.

“Sasama ako sayo.” aniya.

“Wag na mahal, saka saglit lang naman ako sa labas eh.”

“Hihintayin kita ha. Bumalik ka agad.”

When a Devil Falls in love with an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon