Chapter 6 - Wooed by a .. Devil Prince?!

1K 9 0
                                    

Chapter 6—Wooed by a .. Devil Prince?!

 

 

KRIIIINGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGG!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

*Ring ng bell namin*

“Class dismissed!” Sigaw ng teacher ko.

Yehey! Uwian na! Inaantok na ako eh. Gusto ko ng magsiesta. (-.-)zzzzZZZZZ …

Sabay sabay kaming lumabas nila Cess, Mhae, Mary at Kurt. Paglabas naming lima ay may lumapit sa amin na dalawang lalaki at kumausap kay Kurt.

“Wow, pare improving ah? Akalain mo yun napasok ka na ng school. Hehehe (^_^)” Nakangiting sambit ng matangkad na lalaki na may brown eyes at mahabang buhok.

“Pakilala mo naman kami sa mga kasama mo oh para tropapits.” Sabi ng isa pang lalaki na may itsura din.

“Yuna, Cess, Mhae, Mary. Eto nga pala mga kaibigan ko, Sina Doding *turo nya dun sa matangkad at may brown eyes* at si Jepoy *yung di gaanong matangkad pero may itsura*.” Pagpapakilala ni Kurt sa kanila.

“Hi girls. ;)” Sabay na sambit ng dalawa pagkatapos nun ay isa isa kaming kinamayan.

Hmm. Sa totoo lang ayoko sa dalawang to. Sa isang tingin mo lang kasi malalaman mo agad na babaero. Nakakainis yung way ng pagtingin nila sa aming apat kala mo hinuhubaran nila kami sa tingin eh!. Tsk. Sana umalis na tong mga to.

“Ano Kurt, tara na sasabay ka ba samin?” Sabi nung Doding ba yun.

“Ayoko pre, Di ako makakasabay may pupuntahan pa kasi ako eh.” Sagot ni Kurt.

“Ah sige, pano mga magagandang binibini.. Mauna na kami ;)” Paalam nila Jepoy at Doding sa amin sabay kindat sa aming apat.

Tss. Ampresko! As if we care (>.<)

 

Tumingin naman si Kurt sabay alok sakin kung gusto ko daw magpahatid.

“Uhm .. Yuna? Pwede ka bang ihatid?” Tanong nya.

“Yihee.. Sige na sis pahatid ka na tutal naman mas malayo naman ang inuuwian mo kesa samin.” Pangangantiyaw ni Mary.

“Oo nga sis, pag ikaw umarte pa jan tokba ka samin. Wahaha.” nakakalokong kantyaw naman ni Mhae.

Nakaw. Ano ba to sila lintik mangantyaw eh (T.T)

 

“Ahm, sige okay lang.” Naisagot ko na lang kay Kurt.

Umangkas ako sa motor nya. Wow (*.*) Akalain mo? Gamit nya pala yung gusto kong motor na kulay black na ninja style. Ang cool. Actually, everything about him is cool.

Tinuro ko sa kanya ang daan papunta sa bahay namin. Mabilis kaming nakarating sa bahay. Nang nakarating na kami sa may gate

“Kurt. Salamat ah. Gusto mo bang pumasok sa loob? Ipaghahanda kita ng meryenda. Pasasalamat ko lang sayo sa paghatid mo sa akin.” Pagaalok ko sa kanya.

When a Devil Falls in love with an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon