Chapter 10 - Hello Boracay

897 10 0
                                    

Chapter 10 – Hello Boracay!

 

 

Mary’s Point of View :

 

“ALOHA!” bati sa amin ng mga babaeng nakasuot ng floral bra at paldang gawa sa straw habang sinusuotan kami ng mga kuwintas na gawa sa bulaklak.

May sumalubong naman sa amin na porter, kinuha ang mga bagahe namin at hinatid na kami sa aming tutuluyan.

Grabe ang ganda talaga, di ko mapigilang hindi humanga at tumingin tingin sa paligid. Natatanaw ko na yung dagat, asul na asul at sobrang linaw. Tapos yung buhangin, puting puti.

“This is paradise!” bulalas ko sa sarili ko.

Tapos nakita ko sina Yuna at Mhae picture ng picture agad sa isang tabi.

“Hoy! Mamaya na yan. Sumunod muna tayo kay Kuya para malaman natin kung saan tayo tutuloy.” saway ko sa kanila.

Sumunod naman yung dalawang pasaway. Nakarating na kami sa tutuluyan namin at grabe! Ang ganda, isang malaking hello kitty house na napapalibutan ng mga hello kitty shaped na halaman sa paligid. Pagpasok naman namin sa loob ay halos lahat ng nakikita namin mapatv, sala,  ilaw, lampshade, unan, rag, carpet puro hello kitty lahat. Grabe talaga sa ganda. May 2nd floor kung saan andun ang apat na kwarto at syempre, tigiisa kami.

“Palit na kayo pangligo swimming na tayo agad!” excited na sambit ni Cess.

Pumasok ako sa kwarto ko at nagpalit ng panligo. Nag white sando with black bra, at sexy short na lang ako. Pag labas ko ay nakita ko yung tatlo na ..

nakatwo piece! (O.O)

 Grabe tong mga to ha.

“Grabe, nakatwo piece kayong lahat ako lang naiiba, hiyang hiya naman ako sa inyo!” litanya ko sa kanila ..

“Tanggalin mo na kasi yan!” wika sa akin ni Mhae sabay lapit sa akin at hinuhubad yung suot ko na shorts. Humingi pa sya ng tulong kina Cess at Yuna tapos lumapit na yung dalawa at tinulungan si Mhae na hubarin ang short at sando ko.

“Yan! Sexy. Witwiiit!” sabi pa sakin ni Mhae habang tawa ng tawa.

Itsura ko? Nakablack bra at panty na lang. Yung mga lokong yun hawak na yung mga short at sando ko. Tapos hawak pa susi ng kwarto ko. Tinitiyak na lalabas talaga ako ng nakaganto.

“Okay lang yan sis tignan mo sa labas,  lahat naman ng mga babae dito naka two piece.” sambit sakin ni Cess.

“Bleh. Sa ayaw at sa gusto mo. lalabas kang ganyan :P” nakabelat na winika naman sa akin ni Yuna.

Ako naman nakatakip sa dibdib ko yung mga kamay ko tapos maluha luha na sinabi ko sa kanila ..

“You don’t do this to me (Y.Y).”

When a Devil Falls in love with an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon