Chapter 34 - 18th

490 9 0
                                    

Chapter 34 – 18th

 

 

 

Yuna’s Point of View :

 

 

 

Date Check : Feb. 5 (Saturday)

Time Check : 8:00 AM

 

 

Pagmulat ko ng mga mata ko, wala si Kurt sa tabi ko. Grabe. Mukhang nakalimutan nya ata na birthday ko na ngayon ah.

Chineck ko ang cellphone ko. Walang message miski isa. Mukhang nakalimutan din ata ng mga bespren ko na debut ko na (Y.Y)

Okay, edi ako na malungkot. Di pa naman ako maghahanda ngayon.

“MEOW!”  bati naman sa akin ni Meowchie tapos kinuskos kuskos yung balahibo nya sa paa ko. Binuhat ko sya at kinausap

“Haaay.. Buti pa ikaw Meowchie, naalala mong birthday ko sila, di nila naalala.” malungkot na sabi ko sa kanya.

“NGIYAW!” tugon naman ni Meowchie sa akin.

Malungkot akong lumabas ng kwarto at bumaba sa hagdan. Nagugutom na kasi ako eh, magaalmusal muna ako sa baba.

Pagbaba ko nakapatay ang mga ilaw. Grabe, nakakatakot naman. Ang dilim dilim dito sa baba. Nakasarado pa naman ang lahat ng mga bintana at natatakpan ng makakapal na kurtina.

Kinapa ko yung switch ng ilaw pagbukas ko ay ..

“HAPPY BIRTHDAY!”

Nagulat ako kasi lumitaw sina Mary, Mhae, Cess, Sarah na nakadress saka sina Kurt, Drew, Alden, Empoy, Sam, Tito Beel na naka amerikana naman. Kasama pa nila ang ibang mga kakilala at classmates ko. Nagpasabog sila ng confetti.

“Kayo naman, kala ko pa naman di nyo naaalala na birthday ko ngayon.” sabi ko sa kanila habang napapaiyak ako.

Tapos biglang lumapit sa akin si Kurt na may dalang isang malaking cake na hugis pusa at may candle na may shape na 18 sa taas. Kinantahan nila ako ng birthday song.

Happy Birthday to you..

Happy Birthday to you..

Happy Birthday Dear Yuna ,

Happy Birthday to you!

 

Hinipan ko yung candles at nagpalakpakan sila.

Hinila ako nila Mary, Sarah, Mhae, at Cess papuntang kwarto ko sabay sabi nila “Halika, aayusan ka namin sa taas!”

Nang papanhik na kami sa hagdan paglingon ko sa likod nakita ko ang mga katiwala ni Kurt na nagpapasok ng mga pagkain sa hapagkainan ko.

When a Devil Falls in love with an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon