Chapter 9 - Apparition

866 11 0
                                    

Chapter 9 – Apparition

 

 

 

Yuna’s point of view:

 

 

 

Nasa daigdig ako ng ngayon panaginip. Ito na naman ang panaginip ko na halos lampas sa trentang beses ko na napapaginipan. Para bang bumubuo siya ng isang buong storya.

Hindi, hindi ko alam na ako si Yuna.

 

 

Dito ay ako si Alexandria ..

 

Isa akong prinsesa dito na nagngangalang Alexandria. Nakaharap ako sa isang malaking salamin at sinusuklay ang buhok ko na hanggang puwitan ang haba. Nakasuot ako ng isang maliit na korona pang prinsesa at mahabang tube gown na kulay bughaw at hanggang talampakan ang haba. Napapalibutan ito ng iba’t ibang magagandang klase ng diyamante at lalo itong nagpapatingkad sa aking kagandahan. Nakasuot sa aking leeg ang isang kuwintas na gawa sa ginto at may palawit na diyamante. Sa aking tainga naman ay may mga kumikintab na hikaw na gawa din sa ginto. Nakasuot naman sa aking daliri ang isang kakaibang singsing na nagiiba iba ang kulay na galing pa sa aking mga ninuno at pinapamana sa mga nagiging prinsesa ng aming kaharian.

*Tok tok tok!*  (narinig kong may kumakatok sa aking pintuan)

Nilapitan ko ito at binuksan. Ang nakatok pala ay si Esmeralda, ang matapat kong katiwala.

“Prinsesa Alexandria, pinapatawag po kayo ng inyong mahal na inang reyna.” wika nya.

Siya ay aking tinanguan, lumabas na ako mula sa aking kwarto at sinundan si Esmeralda. Dinala niya ako sa kinalalagyan ng tatlong trono kung saan nadoon ang aking mga magulang. Nakaupo sa kaliwang trono ang aking ina na si Lucilda, sa gitnang bahagi naman ay ang trono kung saan andun ang aking amang hari na si Argo. Sa kanang bahagi trono ni ama,  Andun ang aking trono. Ako ay kanilang kaisa-isang anak kaya tatlo lamang ang trono dito sa palasyo. Umupo na ako sa aking trono. Sa tapat naman namin ay napansin ko na may tatlong makikisig na prinsipe na nakayukod.

“Ano pong kailangan ninyo sa akin mahal kong ina, at sino po sila?” tanong ko sa kanya.

“Andito sa ating harapan ang tatlong prinsipe na aming napili upang kumandidato sa pagpapakasal sa iyo. Kung sino man ang magtatagumpay sa kanila mula sa mga pagsubok na aming ibibigay ay sa kanya namin ibibigay ang kamay mo.” marahang wika ng Reyna.

When a Devil Falls in love with an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon