Chapter 35 - Waking the Demon

480 6 0
                                    

Chapter 35 –  Waking the Demon

 

 

 

Zeke’s Point of View :

 

 

Pauwi na ako mula sa party ni Yuna. Habang naglalakad ako palayo ay napatingin ako sa bintana ng kwarto kung saan andun ngayon at nakatayo si Yuna kasama ang demonyong nobyo nya.

Napangiti ako. --,)

Sige lang Yuna, magpakasaya ka na ngayon sa huling pagkikita nyo ni Kurt dahil bukas na bukas din, magiging akin ka na! Bwahahaha.

 

***Flashback :

 

Sa Impyerno ..

 

 

“Ano binatang anghel?  Simulan mo ng buhayin ang aming reyna upang mapasayo na ang iniibig mong dalaga.” udyok sa akin ng mangkukulam.

Nangako siya.

 

Sariling buhay nya ang kabayaran nya pag di natupad ang pangakong yun..

 

Siguradong mapapasa-akin na si Yuna ..

 

Binuksan ng mga tagapaglingkod ng reyna ang takip ng kabaong nya. Nilapitan ko ang nakahimlay na bangkay ng reyna. Tinapat ko sa kanya ang mga kamay ko.

“Mabuhay ka!” usal ko.

Unti unting lumiwanag ang mga kamay ko, sumobra ang liwanag at dumating sa puntong nakakasakit na ito sa mata sabay pumasok ang liwanag na yun sa loob ng nakahimlay na katawan ng reyna.

Lumapit ang lahat ng mga masasamang nilalang sa kanilang reyna upang matamang mapagmasdan kung ano ang nangyayari dito.

Humangin ng malakas at may dala dala itong isang kapangi-pangilabot na sobrang lakas na pwersa.

Unti unting gumalaw ang mga daliri ng reyna sa kamay. Pagkatapos nun ay dumilat ang kanyang mga mata.

“Nakabalik na din ako sa wakas. Bwahahahahaha!” nakakatakot na salita at tawa ng reyna sabay bumangon na ito mula sa kabaong nya.

“Mahal na reyna, ang anghel na ito po ang nagpagaling sa inyo. Sinumpa ko ang sarili kong buhay upang buhayin nya ulit kayo. Ang kapalit ay kinakailangang ibigay nyo sa kanya si Yuna.” wika ng mangkukulam na kumontrata sa akin.

Ang matatalim at nanlilisik na mga mata ng reyna ay napadako sa akin.

*GULP!* napalunok ako sa takot.

“Wag kang magalala. Tinitiyak kong mapapasayo ang anghel na yun sa lalong madaling panahon.” pahayag sa akin ng reyna.

When a Devil Falls in love with an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon